The Hottie Couple

1.3K 81 6
                                    


Abby's POV




Nagulat kami ng biglang pumasok ang Headmistress sa room.




"Good morning students. I'm so sorry to interrupt your on-going class. I just want you to welcome your new classmates. Please treat them well as our special guest"





New classmates?


Wait, parang alam ko na ata ang susunod...




"Grey and Raven you can now come in" tawag naman sa kanila ng Head.





Nagkabulungan naman ang mga tao sa room at nakaabang din sa mga papasok na bagong kaklase.




At ang naunang pumasok ay...




Sabi na nga ba eh!


Kainis! Tama nga yung naisip ko kanina.


Bigla naman ding umingay ang buong room dahil sa tilian ng mga classmates kong babae.



"Students please quiet" saway naman ni Miss Reyes.




Ang pinakainaabangan ko naman ay ang isa pa naming magiging classmate, akala ko kasi kanina siya lang ang Exchange Student namin.



Pare-pareho naman kaming nagulat ng babae ang sumunod na pumasok.



Pati tuloy mga kalalakihan ay nakiingay na rin.

Shocks! Literal na napatitig talaga ako sa kanya.



Ang-ang tangkad niya, as in!
Parang model and beauty queen ang dating.




Halos lahat ata ng mga kalalakihan dito sa loob ng room ay napahanga sa ganda niya. Naka all black siya, kaya mukha rin siyang Vampire.

Err kung totoo lang ang mga bampira ay inisip ko na talagang ganun siya dahil sa aura at kakaibang ganda niya.



Pero bigla rin namang natahimik ang lahat ng muling magsalita ang Headmistress.



"Please take good care of them, Miss Reyes"




Sumagot naman sa kanya si Miss Reyes at pagkatapos nun ay mukhang may sinabi lang siya sa dalawa bago lumabas ng room.





Nang makalabas na ang Head ay napatingin ulit ako sa kanila at napansin kong mukhang bored na bored na yung girl.



At si Mr. aish-ewan, ayun nakangiti lang siya...

Err? What's with that smile?



"So welcome to St. Claire University Mr. Sneider and Ms. Cullen, you may now introduce yourself to your classmates"




Nakaabang naman din kaming lahat sa kanila.



And as usual si boy na naman ang unang nagsalita.


Tss naiilang pa rin talaga akong tumingin sa kanya.




Sana lang talaga hindi niya na ako naaalala, pero imposible namang maalala niya ako eh sino lang naman ako diba?




"Magandang Omaga seniyong Lohat!" masiglang bati niya sa amin na nakapagpashock sa aming lahat kaya napuno na naman ng hiyawan ang buong room.


Haha ang cute ng pagkapronounce niya!


"Woah ang galing" manghang puri naman ni Miss.



THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang