The Letters

143 7 4
                                    


Harry's POV

Patawarin mo ako Ja.
Hindi ko sinasadyang masaktan ka.

Please gumising kana o...
Hindi pa tayo nagkakaayos. Miss na miss na kita Ja....
Hindi ko na talaga kakayanin kapag pati ikaw mawala rin sa akin..

Napakagago ko talaga!
Kung nagpigil lang sana ako ng emosyon ko, hindi sana ito mangyayare sa kanya.

Sinundan niya lang naman ako dahil nag-aalala siya sa akin pero nang dahil sa pagmamatigas ko ay napahamak pa siya.

Ipinahamak ko ang kaibigan ko.
Napakasama ko!
Ang gago ko!

"What are you doing here?" Matigas na boses na saad mula sa likuran ko.

Bro

"I am asking you to get out of here" Dagdag niya pa.

"I'm so sorry bro" paumanhin ko sa kanya. Napaiwas din ako ng tingin sa kanya dahil sa hiya ko. Alam kong pinipigilan niya lang ang galit niya sa akin dahil kay Ja.

Tama siya, hindi dapat ako naririto. Wala akong karapatang dumikit kay Ja matapos ang nangyare sa kanya.

Pero bago pa ako makalabas ng silid ay-

"I hope this serves as a lesson to you. Shutting everyone out won't give you a shit. You can be mad but don't step out of the line. You don't have to hurt them.

So I'm telling you in advance I'm gonna kill you, if something goes wrong with my girl's condition. Keep that in your mind"

Damn.
Lahat ng sinabi niya ay totoo.

Hindi ko na alam kung papaano ko pagbabayaran ang ginawa kong ito.

Marami na ang nadamay dahil sa galit ko.
Kailan nga ba unang nagsimula ang lahat ng ito? Parang hindi ko na rin kilala ang sarili ko.

All I want is to avenge the death of my mother pero parang mas nagiging masahol pa ako sa isang taong pumapatay.

I really don't know what to do now.
I feel so alone.

Well serves me right. Ako naman ang nagtulak sa kanilang lahat palayo.

Ngayon pinagsisisihan ko na ang lahat.

...

I found myself in front of my mother's house. Para akong lutang na nakarating dito ng hindi ko namamalayan.

Napakadilim ng paligid at masukal narin.
Ayaw na ayaw niya ang ganito. Alagang alaga niya ang mga pananim at bakuran niya nung siya ay nabubuhay pa.

Sad thing I never had a chance to live in this house with her. Napakamalas ko talaga. Hanggang dalaw lang ako paminsan at ngayon talagang wala na akong pagkakataon pa.

Is this my curse?

Even that night, the night of my birthday. Yun ang unang pagkakataong present siya sa kaarawan ko magmula ng mapunta ako sa poder ni Dad pero yun narin pala ang kahulihulihang pagkakataon.

"Ikaw ba si Harrison?" Agad naman akong napalingon.

"Uh opo, paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa matanda.

"Minsan ng pinakita sa akin ni Doktora ang larawan mo iho. Nakikiramay nga pala ako sa pagkawala ng mama mo" sagot niya
Kakilala pala siya ni mama.

"Salamat po"

"Gusto mo bang pumasok sa loob?" Tanong pa niya na ikinagulat ko.

Hindi naman ako agad nakasagot ng may dinukot siya sa halaman sa gilid ng pinto.

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now