The New Teacher

148 9 0
                                    



Three weeks later...

Abby's POV

"Grey hindi pa rin ba kumokontak sayo si Raven?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Maaga niya akong sinundo ngayon, magmula kasi ng maging kami ay sabay na kaming pumapasok sa school.

"Hindi pa rin Princess" malungkot niya lang na sagot.

Akala ko kahit papaano ay magsasabi siya kay Grey.

Marami na ang nagbago magmula ng hindi na siya magparamdam sa amin. Wala kaming kaalam alam sa kinaroroonan niya. Pati ang ate niya ay napagtanungan namin pero wala rin siyang alam.

Hayyy nakakamiss na rin ang babaeng yun. At hindi lang pala siya, pati ang buong barkada.

Nagbago na ang barkada, onti onti na kaming nagkawatak watak. Bibihira na rin kaming pansinin ni Ison. Yung dalawa naman parang mailap na rin sa amin ni Grey. Para bang isa isa silang nawawala sa akin.

Minsan nga napapaisip ako kung sana hindi ko na lang muna sinagot si Grey okay pa kaya kaming lahat? Hindi naman sa isinisisi ko sa kanya o kung kanino pero kasi magmula rin ng maging kami nangyare naman ang lahat ng ito.
Kaya nga hate ko ang sobrang nasisiyahan ako dahil may kalungkutan din yung kapalit, kaya ang mas mainam ay yung katamtaman lang.

Pero hindi naman din tama naisipin kong ganun, wala namang ginawang mali si Grey sa katunayan nga mas lalo ko siyang nakilala nung maging kami. Kahit pa sabihing napag iiwanan na ako ng mga kaibigan ko, si Grey ni minsan hindi ako iniwan sa ere.

He never misses to cheer me up every time down na down na ako. Kaya I need to stay strong for us. Pagsubok lang ito. Maybe someday babalik din kaming lahat sa dati. Grey deserves to be happy too kaya kailangan kong magpakatatag para sa kanya at para sa amin. Pasasaan bat babalik din ang lahat sa dati.

Kaya kapit lang!

"Are you alright love?" Napalingon naman ako sa kanya.

"Ah hehe sorry may iniisip lang ako " nahihiyang paumanhin ko sa kanya. Para kasi akong timang na pataas taas pa ang kamay habang nag-iisip.

Teka nasa school na pala kami.


Habang naglalakad kami ni Grey papasok ng school ay natanaw ko ring magkasama sila Trish at Via kaya minabuti kong lapitan sila.

"Trish, Via pwede ko ba kayong makausap" I decided na ako na ang unang magreach out sa kanila. Ayoko na rin kasing patagalin kung ano man tong misunderstanding namin, alam kong meron dahil hindi naman sila magiging mailap sa amin ng ganito kung wala.

Bahagyang tinapik naman ni Grey ang balikat ko at sumenyas na iiwan na muna kaming tatlo. Pansin din naman ni Grey ang pag iiba ng pakikitungo ng dalawa sa amin, minsan na din naming napag usapan yun.

Nakahinga naman ng maluwag ng pumayag sila so pumunta kami sa may malilim na part ng oval para makapag usap.

"Girls alam kong may mali kami at kung ano man yun humihingi ako ng sorry sa inyo pero please wag na kayong lumayo sa akin o" malungkot kong saad. Minsan lang kami magkatampuhan pero hindi umabot sa ganito katagal kaya hindi ko kayang hindi sila kausapin.

"Hayy hindi naman kami lumalayo sayo Abby" saad ni Trish.

"Tama si Trish, nagtatampo lang naman kami" sang ayon ni Via.

Napayuko naman ako at pinigilan ang sarili kong maiyak.

"Huy wala ngang iyakan. Nagtatampo lang naman kasi kami dahil parang wala kami kaideideya sa nangyayare" huh?

"Oo nga Abby. Para kaming outcast sa barkada" san ayon uli ni Via kay Trish.

"Bakit? Anong ibig niyong sabihin?"

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now