Adam gone missing

365 17 0
                                    



Harry's POV

Our supposedly dinner together got cancelled.

Nasa bahay na kami ni Cullen nun ng makatanggap ng tawag bigla si Tita mula sa mga pulis.

Ang sabi ng mga pulis ay nakabangga raw si Kuya Adam ng isang nakaparadang sasakyan habang nagmamaneho ng lasing at ng dadalhin na sana raw siya sa presinto ay bigla na lang siyang nanlaban at tumakbo palayo. Naiwan lang ni Kuya ang gamit niya sa sasakyan niya kaya nakilala siya ng mga pulis gamit ang ID niya.

Agad din naman kaming napasugod sa presinto matapos ng tawag na iyon para kumpirmahin ang lahat.

Hiyang hiya nga ako kay Cullen dahil pati siya ay kasakasama pa namin. At heto ni hindi pa siya nakakakain.

Sinubukan ko naman siyang pauwiin na lang sana pero nagpumilit pa rin siyang sumama sa amin kaya wala na rin akong nagawa.

Hinihintay na lang namin ngayon ni Cullen sila Dad dito sa labas ng presinto, inaayos pa kasi nila yung kaso ni Kuya at kinakausap rin yung may ari ng sasakyang nabangga ni Kuya.

"Why don't you try calling his friends?" Napatango naman ako agad sa suggestion ni Cullen.

Tama! Maaari ngang isa sa kanila ang pinuntahan ni Kuya.

Hindi ko rin ito naisip kanina dahil sa kaba ko na baka may nangyaring masama kay Kuya.

Agad ko din namang tinawagan si Kuya Tan, siya rin kasi ang pinakaseryosong kausap sa grupo nila.

Ilang ring palang ay sinagot niya rin naman agad.

"Sup Harry?"

"Kuya Tan, pasensya na sa abala pero hindi ba nagawi jan si Kuya?"

"No. Why? May problema ba?"

At yun ikinuwento ko naman sa kanya ang buong nangyari kaya siya na lang daw ang bahalang magtanong tanong sa iba pa nilang kaibigan at tutulong na lang din daw siya at ang iba maghanap kung sakaling wala siya sa isa sa kanila.



Sana talaga ay maayos lang ang lagay ni Kuya. Mahanap na rin sana namin siya.


"Kids, you should go home. Kami na ang bahala ng Tita niyo sa Kuya Adam niyo...

Wala pang kain yang girlfriend mo anak and Raven I'm really really sorry about this matter. Perhaps we could move our dinner some other time if it doesn't bother you?"

"It's alright Mr. Lee and of course I would really love that"

"Hmm okay but just call me Tito, iha...
so since it's settled, you both go home and have your dinner okay? And please be careful. Text me right away son if you get there"

"Sige po Dad" sagot ko naman kay Dad pero hindi naman talaga ako uuwi sa amin, sasabayan ko lang si Cullen pauwi sa condo niya.
I just want ro make sure na safe siyang makakauwi. Magtataxi na lang din ako pabalik dito sa presinto.

"Stay here Lee" sabi niya naman habang ipinagbubukas ko pa siya ng pinto ng kotse.

Agad naman akong umiling.
"Sasabaya---"

"No. Just stay here. They need you here" seryoso niya lang na putol sa akin.

Medyo nag-aalangan naman ako.

"I'll be safe Lee. Trust me and I'll call you when I get there I promise" she said while caressing my face and there she goes again with her beautiful reassuring smile...

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now