The Conflict between the two houses ends

155 12 4
                                    

Harry's POV

"It's good that you're back on the track bro" masayang bati sa akin ni Grey pagkatapos naming silipin ang listahan ng mga scores namin.

"Hindi naman mangyayare ito kung hindi dahil sa tulong niyo bro. Kaya maraming salamat" sabay tapik ko sa balikat niya.

"No worries bro. Pinaghirapan mo naman yan at para saan pa na naging magkakaibigan tayo diba? Tara na nga sunduin na natin ang mga girls. They will be very happy about this great news" sagot niya pagkatapos ay inakbayan na ako.

Napangiti na lang din ako.

Kung hindi talaga dahil sa kanila ay hindi na ako makakabalik sa dati kong buhay. Hindi nila ako tinantanan hanggat hindi ako natatauhan sa ginagawa kong pagsira sa buhay ko.

Utang na loob ko sa kanila ang pagsisimula kong ito.

Ilang buwan na ang lumipas mag mula ng umalis siya at sa ilang buwan ding yun nag tyaga ang buong barkada na maging gabay ko.

At nagbunga na rin naman ang lahat ng paghihirap nila dahil nakabalik na rin ako sa rank ko sa school though I lose my place as the Student Council President because of that incident, kinaya ko namang humabol sa pamamagitan ng pagvovolunteer ko sa iba't ibang clubs at pati narin sa mga subjects ko.


"Knock-knock! Nandito ba sa loob ang aming pinakamagandang Student Council President?" Pabirong tanong ni Grey kay Ja na busing busy sa mesa niya sa SC office, ni hindi niya napansing nasa harap niya na kami.

"Hala! Kanina pa ba kayo?!" Gulat na tanong niya.

"Haha hindi naman Ja. Kakarating lang din namin ni Grey" sagot ko sa kanya. Tatawa tawa lang din yung isa at masayang sinalubong siya ng halik at yakap.

O-kay.

Spell A-W-K-W-A-R-D.

"We have a good news for you my princess..." sabi sa kanya ni Grey habang magkayakap pa rin sila.

Ahem nandito pa po ako!

Pero mas lalo atang nagsweet sweetan yung dalawa.

Okay! edi kayo na haha!


Dahan dahan na sana akong lalabas ng sabay din nila akong napansin.

"Uy Ison!/Bro!"

Napakamot na lang ako sa ulo at hinarap sila.

"Hay nako tara na nga muna ng makakain tayo. Daanan na lang natin yung dalawang bruha" sabay hawak sa mga kamay namin ni Grey.

Natawa na lang ako sa loob loob ko dahil panira talaga ako sa moment ng mag jowa nato, lagi na nila akong kasama kahit saan. Buti na lang talaga hindi naiinis o napipikon si Grey na hindi masolo solo si Ja.

At the Cafeteria

"Kamusta sa Council Ja?" Hindi ko mapigilang maitanong sa kanya. Naiwan kaming dalawa sa pwesto dahil si Grey na ang nagpresintang bumili ng mga pagkain namin at yung dalawa naman ay susunod nalang.

"Nako Ison, kung alam mo lang talaga... Sobra kaming nahihirapan ngayon wala ka na sa Council. Ang daming deadlines ang hindi ko mahabol habol. Kung pwede lang sana ay ibalik ka na sa pwesto" nakabusangot na sabi niya habang nakapangalumbaba.

Hindi rin naman ako nanghihinayang sa pwestong nawala sa akin pero awang awa na ako kay Ja. Kung dati kasi na magkatuwang naming ginagawa ang lahat ngayon ay nasosolo niya na ang mabigat na pasanin bilang Council President.

Gabing gabi na siya kung umuwi at parating nauubos ang oras niya sa opisina.

Nangangayayat na rin siya, ang kainaman lang ay hindi rin naman siya pinapabayaan ni Grey.

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now