The Traitor

147 6 0
                                    

Harry's POV

"O anak, lalabas ka?" Tanong sa akin ni tita pagbaba ko.

"Opo tita, maglalakad lakad lang po muna ako"

"Hmm sige basta huwag kang magpapalate masyado nak ha, dito magnonoche buena ang lolo niyo. Maya maya lang din ay dadating na yun kasama ang daddy niyo"

"Okay po Tita" humalik muna ako sa kanya bago lumabas ng bahay.


It's Christmas Eve...


Siguro kung normal pa rin ako ngayon baka ramdam ko rin ang lamig ng simoy ng hangin.


Halos lahat ng nakikita ko ay nakasuot na ng jacket o di kaya ay makakapal na damit.




"Merry christmas iho" bati sa akin ng nakasalubong kong ka- village naming si Mr. Belmonte at ang asawa niya.



"Merry christmas din po sa inyo Mr. and Mrs. Belmonte" bati ko rin sa kanya.

Napangiti na lang ako.
Ang sweet talaga nilang mag asawa.



Ano rin kaya ang feeling kung magkasama sana kami ngayong naglalakad habang naghihintay ng oras sa pagsapit ng pasko?


Naaalala ko pa ang sinabi niya noong, I'm really looking forward on celebrating christmas with you H.




But too bad...
Malabo pa atang mangyare yun sa ngayon.




Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay niya.




Tandang tanda ko pa ng una niya akong dalhin dito. Nagulat pa nga ako sa kung paano niya nalaman kung saan kaming village nakatira yun pala ay sa iisang village lang kami.


Useless din ang kagandahan ng mansyon na ito kung wala rin naman ang pinakamamahal kong babaeng nag mamay ari nito.


Hayy... baka akalaing akyat bahay pa ako sa lagay na to.

Napakamot na lang ako sa batok ko at nagpasyang umuwi na lang.


"Harry" agad din naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses ng tumawag sa pangalan ko.

"Miss Lily? Ano pong-" napahinto naman ako ng marealize kong, hindi naman imposibleng makita ko siya sa bahay ni Ae.

Pero gusto ko rin namang tanungin siya kung dumating ba si Ae kaya siya nagawi dito kaya lang hindi ko alam kung papaano sabihin sa kanya.

Nahihiya pa rin ako dahil sa ginawa kong panunumbat sa kanya noon.


"Halika pasok muna tayo sa loob" nakangiting yaya niya na lang sa akin ng mapansin niyang parang may gusto akong sabihin na hindi.

Wala rin naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya.


And as expected she knows every security passcode of the house.


Woah wala pala talagang tao dito? Kahit care taker manlang? Pero papaanong nalilinis ito?


"Twice a week may pinadadala ako dito para maglinis at araw araw ko rin namang pinachecheck ang paligid ng bahay sa roving security ng village" and that answers my question.



"Do you want to drink something? Coffee, tea or soda?" Offer naman niya.

"Nako Miss hindi na po. Pauwi na rin naman po ako" nahihiyang tanggi ko sa kanya.

THE COLD ONES BOOK 1; Awaken (COMPLETED) [to be revised in English]Where stories live. Discover now