CHAPTER 18

30 10 1
                                    

This Chapter is last month of the year -- hindi na naituloy ng mga characters ang pag-aaral nila. Hindi ko na sinali sa kwento dahil nagfocus ako sa pakikipaglaban nila para sa katahimikan ng lahat. Sana naintindihan niyo 😊 Anyways enjoy reading ❣



TOBER


Ilang buwan na ang nakalipas simula nang umalis ako sa buhay niya. Ilang buwan na din ang nakalipas nang nabubuhay akong unti unting nangungulila sa presensiya niya. With him, my life is so lively that I don't want anything else. I was missing every moment with him.

Lumingon ako kay papa na nakaupo sa wheelchair, habang nakatingin sa hampas ng malalaking alon. Araw araw siyang tulala at walang kinakausap magmula dumating kami sa lugar na 'to. Lugar kung saan malayo sa lungsod, lugar kung saan malayo sa lahat.

Hindi ko pa nakakalimutan ang naging reaksiyon niya, nang ipaalam ko ang desisyong umalis at ayusin muna ang sarili. Kung sakali mang bumalik ako sa buhay niya, yung nasa maayus na ang lahat, yung kaya ko nang humarap sa kanila. Yung pinagsisisihan na ng magulang ko ang nagawang mali. Yung napatawad ko na ang sarili ko sa nangyari kay mama. Kapag kaya ko nang mahalin ang iba na wala ng takot at pangamba.

"Gamot mo 'pa"

Kumikilos naman siya kapag may sinasabi ako sa kaniya. The effect of being half paralyze. Tahimik, may sariling mundo, parang walang kasama sa paligid at laging mag-isa.

Nang araw na sumugod ako sa kaniya at ipaalam na ako ang iniwan niyang anak, inatake siya sa puso. Nang kalaunan, iniwan siya ng mga tauhan at heto magkasama kaming dalawa na pinagdadaanan ang araw araw. Mabuti na lang at may naitabing pera si mama sa bangko nang mga panahong nabubuhay pa siya.

Kinontak ko ang naging kaibigan ko dati sa pinapasukang eskwelahan at sinabi ang problema. And I was lucky when he told me about this place of their family. Wala namang tatao kaya pinaubaya muna niya sakin para may matirahan kami ni papa pansamantala. Pero ilang buwan na, nandito pa din kami.

Nagpapasalamat ako at hindi kami pinapabayaan ng kaibigang nagpatira samin dito. Kada buwan nagbibigay siya ng mga prutas at gulay na galing sa probinsiya nila. Sa kaniya na din ako nakikisuyo ng mga gamot at mga kailangan ni papa sa pagpapagaling niya.

"Tober?"

Nagtataka ako dahil wala pa namang isang buwan ang pagdalaw niya sakin nung nakaraan. Pero tinungo ko pa din ang pintuan, siguro ay may kailangan o naiwan sa bahay.

"Oh Love, anong atin? May naiwan ka?"

Ngumiti siya. Hindi ko mapangalanan ang ngiting pinapakita niya sakin ngayon. Naiilang? Kinakabahan? Wala akong ideya kung ano.

"May sinamahan akong mga kaibigan dahil matagal ka na daw nilang hinahanap, gusto ka nilang makausap"

Ngayon, ako na ang kinabahan sa sinabi niya. May ideya na din ako kung sinu ang mga taong naghahanap sakin. Gusto kong isara ang pinto at pagtaguan sila pero hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan. Kahit ang paghinga ko ay huminto ng ilang segundo bago ako napalingon sa mga taong nahagip ng mga mata ko.

"Tober!"

"Kuya Tob!"

Sinugod ako ng yakap ni Speed. Nanlalaki ang mga mata kong binalanse ang sarili para hindi kami matumbang dalawa sa lakas ng pagdamba niya sakin. Si Jupiter na kumakaway at malaki ang ngiti sa labi. Si Saturn na nakapamulsa at nakangiti din sakin. Kasama din nila si Boss na tinitingnan ang paligid.

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now