CHAPTER 10

37 11 0
                                    

          Sumasaya talaga ako kapag nakakatapos ako ng isang buong Chapter 😊 But please spare some time to understand my grammar again 😅😙 Thanks for reading Chapter's one 'till this Chapter. I Promise to all of you a very nice story of this boys love, Two and Tober 😊😍 anyway's Enjoy Reading ❣💖
          ↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔

TOBER

It's already midnight pero wala pa din sila Two. Kasama ko sa sala sila mama at Forth para hintayin ang pagbabalik nila. Nag-aalala ako. Dahil alam kong hindi palalagpasin ni Two ang makatulong hangga't kaya niya, hangga't humihinga pa siya.

"Mainit init na gatas para kumalma tayo"

Inilapag ni mama ang dalawang umuusok pa na gatas sa maliit na mesa. Sa aming lahat si Forth ang inaalala ko. Nag-aalala siya sa mga kasama niya, mga taong tinuring na niyang pamilya.

"Makakabalik sila ng ligtas Forth"

Tumango siya at inabot ang sariling tasa. Kahit anong sabihin ko ngayon sa kaniya hindi mababawasan ang pag-aalala at takot na nararamdaman niya. Hindi ko din maiwasang mag-isip ng hindi maganda dahil mapanganib naman talaga ang ginagawa nila.

"I promised him to stay by his side and not leaving him, but where am I right now? Here, sitting until they are back from fighting"

Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Ganun din siguro ang mararamdaman ko kapag hindi ako nakatulong sa mga kaibigan ko. Ako din mismo, gusto kong sumama at tumulong din sa kanila. Kung may choice lang talaga nandun ako ngayon at nakikipaglaban.

Nag-aral ako ng karate bago kami lumipat sa lugar na 'to. Ilang buwan din akong nagpakapagod para matutu. Pinursige ako ni mama na mag-aral ng self defense para kapag dumating ang araw na kailangan kong protektahan ang sarili ko ay kaya ko na, kahit mag-isa.

Lumapit si mama sa kaniya at marahang niyakap. Ganiyan si mama ... hindi magsasalita, hindi magkokomento sa nangyayari, hindi magtatanong. Iintindihin niya ang anumang pinagdadaanan ng isang tao mabigat o magaan man yun.

Malakas na pagtulak sa pinto ang nagpalingon at nagpatayo saming tatlo. May kaniya kaniya silang alalay na malamang ay iniligtas nila sa kamay ng tinatawag nilang Master.

Kinuha ni Forth ang inaalalayan ni Dee at inabot ko naman ang kay Two. May mga bata pang nakasunod sa likod namin at tinutulungan ng iba pa naming kasama. Akmang dadalhin ko na ang lalaking hawak ko kay Dee para magamot ng makita kong may tumutulong pulang likido sa braso ni Two.

"Sandali Two"

Tumigil naman siya at lumingon sakin. Halata ang pagod at antok sa mga mata niya.

"Pumunta ka na muna kay Dee para magamot ang sugat mo bago mo balikan ang iba pa sa labas"

"Okay lang ako Tober, they need my me there"

Maglalakad na muli siya ng pigilan ko ang braso niyang walang tama. Nasa mukha na niya ang iritasyon nang lumingon ulit siya sakin.

"Pero baka lumala at mapano ka"

"Look" Nandun na naman sa tono ng boses niya na nauubusan na naman siya ng pasensiya sakin.

"I told you, I can handle myself, if you insist to help, just help okay? I don't need your nagging right now"

Natulala akong naiwan ang paningin sa kinatatayuan niya kanina. Gusto ko lang namang magamot muna ang sugat niya. Hindi ko naman sinabing ayokong tumulong sa iba.

"Just ignore what he say, ako nang magdadala sa kaniya kay Dee"

Binigay ko kay Air ang lalaki. Bagsak ang balikat kong tinulungang makalakad ang iba pang naiwan sa sasakyan. Nakikita ko kung pano siya ngumingiwi kapag tinutulungan niya ang iba papasok sa loob ng bahay. Gusto ko ulit sanang pagsabihan siyang ipagamot muna ang sugat niya pero nag-aalangan akong masamain na naman niya ang pag-aalala ko.

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now