CHAPTER 5

55 11 0
                                    

          Thanks God ❣ Lets pray for the places na sinalanta masyado ng bagyong Rolly at Ullyses 🙏 Lets spread unity and love ❣Lets give them hope kahit na hindi maganda ang nangyari sa kanila 😇 God is with us. Keep safe everyone 🙏💖
                     ↔↔↔↔↔↔↔
TOBER

Hindi na kami nakapag-usap ni Two. Dumating ang isang babae at pinalabas na muna kami ni Forth sa kwarto. Forth told me she's a doctor pero hindi niya sinabi kung anong sakit ni Two para bisitahin siya ng doktora.

Sinundan ko na lang si Forth sa may kusina. Umupo ako sa matangkad na upuan sa may island counter. Maraming wines at beers sa loob. Nakapangalumbaba akong tiningnan na lang sila dahil hindi naman ako umiinum ng alcohol.

"Drink this."

Tiningnan ko ang nilagay niya sa harap ko. Kulay yellow sa ilalim at brown sa ibabaw. Mayro'n pang nakasabit na lemon sa matangkad na baso.

"That's a mongo smothie with chocolate on top try it."

Sumimsim ako ng kunti para lang sana tikman muna, pero nang malasahan ko na, tinuloy-tuloy ko na ang pag-inum hanggang sa makalahati ko na ang laman ng baso.

"Hmm. Sarap!"

"Here habang hinihintay mong matapos sila sa loob."

Parang may ibang meaning sa pandinig ko ang sinabi niya. Nabilaukan tuloy ako dahil nalunok ko ang ilang natirang smothie sa bibig ko.

Tumawa siya na parang inaasar pa ako. Hindi ko na lang siya pinansin. Sinimulan ko na lang kainin ang mga pagkaing inilalagay niya maya't mayat sa harap ko.

"Ano naman 'to?"

"That's choco mouse, Imperial made it last week I guess?"

Kumuha ako ng isang slice. Sinuri ko muna ang mga topings sa ibabaw bago ko sinubo ng buo. Matamis pero hindi nakakaumay. Malambot 'yung tinapay sa loob. Masarap.

"What can you say?"

"Hmm tasty."

Tumawa na naman siya. Masayahing tao siguro ang isang 'to kaya kahit walang nakakatawa, tatawa na lang siya bigla. Inismiran ko na lang siya habang nakatalikod.

Sinuri-suri ko na lang ulit ang mga pagkaing inilalapag niya sa mesa. Sa sobrang dami, gusto kong tikman lahat. Mukhang masasarap pa naman at ngayon lang 'to, bukas may bayad na.

Ngumiti ako mag-isa sa mga iniisip ko. Nahahawa na ako sa pagiging masayahin ng kasama ko.

"Someone's happy."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Two. Naka-long sleeve siya at jogging pants. Alam kong malakas ang ac nila sa loob ng bahay pero kailangan ba talaga balot na balot?

Sinilip-silip ko kung may kasama siya. Nilingon ko din si Forth na kasama ko kanina pero wala akong nakita ni isa sa kanila.

"Umalis na. Inihatid ni Forth sa labas."

Dumiretso siya ng upo sa tabi ko. Pinagmasdan ko bawat galaw niya. Hirap na hirap siyang umupo. Kitang kita sa mukha niyang may masakit sa katawan niya.

"You like sweets huh?"

"Hindi masyado."

"Really?"

Mababakas sa tono ng pananalita niyang hindi siya naniniwala. Palipat-lipat din ang paningin niya sa akin at sa mga pagkain sa mesa.

"Kasalanan 'yan ni Forth. Hindi ko naman hinihingi pero bigay ng bigay. Try this, try that. Sinubukan ko lahat para hindi naman masaktan ang damdamin niya."

Ginaya ko pa ang pagkakasabi sa'kin ni Forth kanina nang inilalagay niya ang mga pagkain sa harap ko. Hindi ko alam kung binubusog niya ako o pinapataba o patay gutom lang talaga ako.

"So what can you say?"

"P'wede ka nang mag-asawa."

"Really? So will you mary me?"

Hindi ko siya magawang tingnan. Baka mali lang ang pagkakarinig ko. Natahimik ako ng ilang segundo. Hindi pa nagsisink in sa utak ko ang walang kwentang lumabas sa mga labi niya.

"I'll cook lunch dito ka na kumain."

Hinintay ko munang makaalis siya sa tabi ko bago ko siya nilingon. Likod na lang niya ang nakita ko. Paika-ika pa siyang maglakad. Mukhang pumasok na naman siya sa gulo kaya hindi rin nakapasok ng ilang araw.

Hindi pa din maalis sa isip ko ang tanong niya kanina. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Nakikiliti na naman ako sa kung anong gumagalaw sa tiyan ko. Kalalaki kong tao ganito reaksyon ko sa kapwa ko lalaki?

Ano ba kasing pinagsasabi ng lalaking 'yun? Akala niya ba nakakatuwa?

"Nice view?"

"Hindi, ang pangit niya sa paningin ko."

"Bakit kung makatingin ka parang matutunaw na si Imperial?"

Binalingan ko na si Forth na nasa gilid ko na. Nakakapikon na ang mga sinasabi niya. 'Yung isa nagsasalita ng kung ano-anong hindi maintindihan. Tapos itong isa naman nanunukso pa yata. Nakakainis na! Gusto ko ng umuwi. Pero kailangan ko pang makausap si Two, dahil mababatukan na ako ni Mama nito.

Pinanuod ko na ulit si Two. Umalis na ang lalaking katabi ko matapos ko siyang ambaan ng suntok. May kinatatakutan din pala ang loko.

Nakakamangha talaga ang pagkilos niya sa kusina. Alam kong may iniinda siya sa katawan pero nagawa pa niyang magluto ng tanghalian.

"Siya lang ang marunong magluto sa'ming dalawa, kahit may sakit 'yan, tatayo at tatayo 'yan para lutuan ka."

Nandito na naman at bubulong bulong si Forth sa tabi ko. Hindi ko nararamdaman ang mga yabag niya kaya nagugulat na lang ako kapag nagsasalita siya. Same with Two.

"Siya din nagbake ng mga pinakain mo sa'kin kanina?"

"Yep! One and only."

Si Two pala ang mahilig sa matatamis na pagkain. Pero infairness hindi siya tabain.

"He likes to eat. So he learned how to cook, bake and how to do some refreshments. Alam din niyang gumawa ng iba't ibang kape, even alcohol."

"Wow!"

Nakakabilib naman pala. Hindi lang siya magandang lalaki, talentadong pinoy din pala siya. Ano pa kayang alam niya? Alam din kaya niyang magmahal? Magmahal ng kalahi niya?

"Let's eat!"

Biglang tumayo ng tuwid ang lalaking bubulong bulong sa tabi ko kanina. Napansin kong hindi rin siya mapakali ng tinitigan siya ni Two. Nakakatakot naman talaga kasi ang talas ng mata niya. Pakiramdam ko susugudin ka niya bigla kapag may ikinilos kang ayaw niya.

"HA HA HA! Chill Imperial!"

"Ikaw ang isasahog ko sa iluluto ko mamayang gabi."

"Two naman!"

"Two naman!" Ginaya niya ang pagkakasabi ni Forth sa kaniya.

"Know your limits then!"

Hindi ko sila maintindihan. Hinayaan ko na lang silang magbangayang dalawa. Tiningnan ko ang mga niluto niya. Mukhang masasarap. Mapaparami kain ko nito.

"Wow!"

Nauna na akong umupo sa hapag kainan. Nauna na rin akong kumuha ng mga pagkain. Nauna na din akong kumain. Bahala sila. Basta ako busog.






To be continue ...

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now