CHAPTER 14

40 9 0
                                    

TOBER


Naihatid na lahat ang mga bata sa kanikanilang bahay. Dalawa na lang ang natira, si Speed at Boss ... ang makulit na batang lagi akong kinakausap magmula ng mawala si mama.

Ilang linggo na simula nang mangyari ang aksidente. Hindi madali para sakin tanggapin ang nangyari pero kailangan kong umusad. Kailangan kong maging matatag dahil hindi pa tapos ang laban. Hindi pa tapos ang pakikipagsapalaran ko para makuha ang hustisya.

Kinuha ko ang litrato ni mama sa bulsa ko na lagi ko nang dala. Kasama niya ako sa larawan, nakangiti at walang problemang pinagdadaanan. Siguro kapag hindi kami lumipat sa lugar na yun, kasama ko pa siya, nayayakap, nakakausap. Pero hindi ko na maibabalik ang dati, hindi ko na mababago pa ang nangyari. Nasa point ako na ipaglalaban ang karapatan at itama ang magiging kasalukuyan.

Minsan naisip ko na kung hindi ko kaya nakilala si Two ganito pa rin kaya ang mangyayari samin ni mama? Kung hindi ko sinali ang sarili ko sa gulo, kasama ko pa din kaya si mama? I discarded my agony and wash it away. Kahit anong isipin ko ngayon nangyari na ang mga nangyari.

"Tara na kuya Tob!"

Magkatabi kami sa sasakyan ni Speed. Kasama rin namin ang lahat pero wala pa akong nakakausap sa kanila tulad ng dati. Lagi akong nakangiti pero hindi na sumasali sa biruan. Nakikipagusap ako, isang tanong isang sagot lang ako sa kanila. Kumikilos ako sa bahay pero wala akong ginagawa kundi pagurin ang sarili ko.

I was thinking if I will leave them now and forget everything. Pero inisip ko din na hindi nila ako iniwan simula umpisa. Konsensiya ko na lang kapag iniwan ko sila sa sitwasyong nangyayari ngayon.

Huminto kami sa bahay nila Anastacia. Dito na muna kaming lahat ngayon dahil naghahanda na kami para bawiin ang mga kaibigan namin. Pamilya na lang ni Sky ang nasa kabila. Speaking of, wala pa naman kaming balita sa dalawa kaya kailangan na naming kumilos. Alam na din ng pamilya niya ang nangyari. Nagdesisyon sila na dumito muna habang hindi pa bumabalik ang anak.

Nilibot ko ang paningin dahil pakiramdam ko ay may mga pares ng mata ang nakatitig sakin. Hindi ako nagkamali dahil nahagip ng paningin ko ang pagtalikod ni Two. Ilang araw ko na din siyang hindi kinakausap, magmula ng bumigay ako sa harap niya. Iniiwasan ko siya, oo, dahil hindi ko alam kung paano kami babalik sa dati, hindi ko na alam kung paano ko siya pakikisamahan ng mabuti.

"Kuya pinapabigay ni ate Ana" Tray na may lamang inumin at pagkain ang bitbit ni Speed. Halos siya lang ang may lakas ng loob na kausapin ako.

Nilingon ko kung nasaan banda ang babae. Ngumiti siya at tumango sakin, ganun din ako sa kaniya. Kahit na gumagawa ako ng pader sa pagitan naming lahat, hindi nila ako pinapabayaan. Naiintindihan nila kung anong pinagdadaanan ko.

"Hey Tober" Ngiti pa lang ni Air gumagaan na ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung anong gayuma ang ginagamit niya sa isang simple niyang ngiti.

"Hey"

Sabay kaming sumandal paharap sa terasa. Kahit hindi layo layo ang mga bahay dito, sariwa ang hangin, maganda sa mata ang mga punong sumasabay sa ihip ng hangin.

"How you doing? Kahit na lagi tayong magkakasama, hindi na kita makausap ng maayus tulad ng dati, ang daming nangyari nang hindi natin inaasahan"

"Tinatanggap, kinakaya, in my twenty years of existence, siya lagi ang kasama ko, nakakapanibago pero nangyari na, wala na akong magagawa pa"

Naramdaman ko na naman ang sakit ng pagkawala ni mama. Pero pinipigilan ko na ang sarili kong ipakitang mahina ako. Gusto kong maging malakas sa paraang alam ko.

"Are you mad at us? We tried our best to protect everyone but we failed, I'm sorry"

He's sincere. I know they did everything. Hindi ako galit. Nasa stage pa lang ako ng acceptance kaya mahirap pang maging maayus ulit.

"No I'm not, maybe give me sometime to heal, masakit pa, hindi ganun kadaling tanggapin ang nangyari"

"Maybe you can talk to Two? He's a little bit distant and cold this past few weeks, even Forth and Ana could'nt reach out to him"

Hindi ko naisip na maapektuhan ng ganun si Two sa pagiging tahimik ko.

"Yeah sure, I'll talk to him don't worry"

"Thanks, let's go inside?"

Nauna siyang pumasok. Alam kong naaapektuhan sila sa nangyayari sakin. Ngayon nga lang naglakas ng loob si Air na kamustahin at kausapin ako. Even the twins, nung isang araw lang kinausap at binati ako ni Jupiter, tango lang ang kay Saturn. Kapag ready na ako, kapag natanggap ko na ang lahat, ibabalik ko ang dating ako, yung naiintindihan ko ang lahat ng mangyayari kahit hindi sila magpaliwanag sakin.






AIR


I understand him to be cold and distant. It's not easy to loss someone you loved. We didn't expect that to happen. As I said we tried everthing we can do, but unluckily we failed.

"How is he?"

"He's fine, kailangan niya lang ng kunti pang oras para magpahilom, he needs our patience and support, let us wait for him to move on"

Sabay sabay kaming bumuntong hininga. We're stressing out after Sky and Dee's missing. Lalong lalo na si Two, hindi niya alam kung sinu ang uunahin ngayon, ang mga kaibigan ba niya, ang Master, ang kapatid at pamilya nito o si Tober na kailangan ng masasandalan.

Yes, we all know what Ana's relationship with Two. Pinagtapat nila samin nang makarating kami sa lugar na 'to. Hindi na nila maitago ang pagiging magkapatid dahil sa anak ni Anastacia.

Anastacia's husband is a member of organization where in illegal and legal works and he know's who Master is. Makapangyarihan nga ang Master sa lugar nito pero sa buong organisasyon mas mataas ang posisyon ng asawa ni Anastacia. He told us to help no matter what.

"Ikaw kamusta ka?"

Tiningnan ko sila isa isa. Mula sa kambal na kumakain ng cake. Si Forth na naglilinis ng paborito niyang baril. Anastacia's taking care of his daughter, Niana and Two who's looking with Tober at the terace.

"I'm fine, Sky is a tough person, he can survive, I trust him"

"I was so guilty about cursing him, mad at him, he's also a victim, Kailangan niyang bumalik agad dito ng buhay para makahingi ako ng tawad"

"I don't believe that Dee would do that to us, so selfish of him" Umiling iling pang sambit ni Jupiter.

"Don't judge him, maybe he has a reason" Ang kanina pang tahimik na si Forth, I don't talk to him that much, he's intimidating.

"Mommy I want more of that"

Nakakatuwa ang cute na cute na anak ni Anastacia. He's so lovely and adorable. Nakakawala ng stress at pagod.

"Air your phone"

I fish up my phone. Unregistered number. Nagsalubong ang mga kilay ko bago ko sinagot.

"Hello?"

Napatayo ako. My eyes widened in shock and at the same time surprise, when I heard his voice. I missed him. I'm worried as hell. I hope his okay.

"Where are you Sky?"

"We're locked up"






To be continue ...

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon