CHAPTER 13

31 8 0
                                    

TOBER

The house was chaotic.

Lahat ng tao naghahanap. Lahat ng tao natatakot at kinakabahan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Sky at umalis siya nang hindi nagpapaalam. Even Dee was missing. Walang nakakaalam kung nasaan siya. Hindi rin siya makontak simula kanina pang umaga.

Akala ko okay na, akala ko tahimik na. Wala nang mangyayaring gulo sa pagitan ng lahat pagkatapos ng nangyari kay Sky, pero ilang linggo pa lang ang nakalipas ganito na naman ang nangyayari, na kahit ako naguguluhan na.

Si mama, hindi na din makapagfocus sa online class niya dahil nag-aalala siya. Tinuring na niyang anak ang magkakaibigan. Naging malapit na si Dee sa kaniya. Halos silang dalawa lang ang laging magkasama.

"Any signs Ana?"

"I check every camera's around the area none of Dee and Sky's, it feel strange though Two, parang paulit ulit na lang ang pinapanuod ko"

Pinakita samin ni Anastacia ang video na pwedeng daanan ng dalawa. Pero wala, malinis, ni alikabok yata walang makikita sa video.

"Teka --"

Kinuha ko ang laptop sa kaniya. I rewind again 'till the first hour Dee and Sky's missing. Pinindot ko ang pause button. May bakas ng pulang likido sa poste kung saan boundary ng highway at daan papasok sa bahay ni Two. Hindi siya kalakihan para madaling makita, hindi ko lang talaga pinalagpas ang bawat parteng may kakaiba sa paningin ko.

"We will check" agad na umalis ang kambal.

Napalingon ako sa hagdan. Nakita ko si Air pababa, papunta samin. May hawak siyang isang papel. Iniabot niya agad yun kay Two.

Kakaiba ang papel, Black scented paper. Blangko, walang makita ni isang letra.

"It's glow in the dark"

Pagkabalik ni Two sa sala. Pagkatapos niyang basahin ang sulat. Bagsak ang mga balikat niyang tumingin saming lahat.

"We find it on the part where the blood mark on it, it's Sky necklace"

"And a crampled paper"

"Dee's the spy"

Sunod sunod na putok ng baril ang nagpayuko saming lahat. Nagsilabasan ang mga tao sa kanikanilang kwarto. Alerto naman kaming ginabayan sila kung saan dapat pumunta. Tinuruan na kami ni Two kung saan kailangang lumabas sakali mang mangyari ang ganitong sitwasyon.

"Kuya Tob!"

Napalingon ako kay Speed. Nakaupo siya at hawak ang brasong may tumutulong pulang likido. Agad ko siyang dinaluhan. Akay akay ko siya habang sumusunod kami sa iba.

Hindi ko na nilingon ang mga naiwan naming kasama. Alam kong kaya nila yun at lalaban hanggang sa huli.

Dumaan kami sa makitid na lagusan. Kagaya ng lagusan papasok ng bahay pero mas maluwang ang daanan nun kumpara dito. Tagong underground din ito at may daan palabas ng lugar na 'to. Pampang ang bubungad samin sa dulo. May yateng nakaabang para sa lahat. Para makatakas sa tinatawag nilang Master.

Binilang ko ang mga taong kasama ko. Kumpleto ang kinseng nailigtas nila nung nakaraang sumugod sila sa kalaban.

"Okay ka pa Speed?"

Namumutla na siya. Marahil sa nawalang dugo sa kaniya. Binindehan ko na ang natamaan sa kaniya galing sa kaperasong tela ng damit ko.

"M-medyo nahihilo pero kaya ko pa"

Tinulungan ko sila isa isa para makasakay sa yate. Maayus na ang lahat pero wala pa ang iba. Wala na akong naririnig na pagputok ng baril. Medyo malayo na kami sa bahay ni Two.

"Si tita nasaan?"

Napalingon agad ako sa may lagusang pinanggalingan namin. Akmang tatakbo na ako pabalik at hahanapin si mama, nang makita ko ang magkakaibigang papalapit na samin. Hindi maganda ang mga itsura nila, may mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan, at ang iba ay medyo malala ang tama.

Pero ang nagpahinto sakin ay ang buhat ni Forth, nasa may bandang likuran siya kaya hindi ko pa maaninag masyado. Malapit na sila samin ng magkusang gumalaw ang katawan ko para lapitan at kunin ang buhat buhat kay Forth.

Inilapag ko siya ng dahan dahan sa loob ng yate. Inayus ko ang buhok niyang magulo. Niyakap ko siya habang walang tunog akong tumangis sa harap niya.

"Mama"

Dun na lumakas ang pag-iyak ko. Dun ko na nararamdaman ang pagkawala niya. Nagsisisi akong hindi ko napansing hindi namin siya kasama. Napakawalang kwenta kong anak. Hindi ko naprotektahan ang sariling kong magulang.

Umandar na at huminto ang yate, nakaupo pa din ako yakap yakap pa din siya. Tulala ako buong biyahe. Alam kong nakatingin silang lahat sakin. Alam kong gusto nila akong lapitan para makiramay. Pero sa ngayon, wala muna akong pakialam sa paligid ko. Dahil ang nangingibabaw ay ang sakit ng nararamdaman ko sa pagkawala ng taong minahal at tinanggap ang buo kong pagkatao.






TWO


I don't know how will I comfort Tober. After the burial two days ago, he's always busy, taking care of the remaining people we saved, doing household chores, helping Ana in the kitchen and when there's nothing to do, he lock himself at his room and never going out again. Hanggang ngayon paulit ulit na lang ang ginagawa niya.

He's smiling at us, talking to us like nothing's happen. Hindi niya binabanggit ang tungkol kay tita, even the other's, none of them open up that topic.

"Stop doing that"

Binawi niya ulit sa kamay ko ang ginagamit niyang paghati ng mga gulay. He's helping Ana for lunch. Sinusulyap sulyapan lang kami ng kapatid ko, pero wala naman siyang sinasabi.

"Ano ka ba? Tinuruan ako ni Anastacia gumamit nito"

I grab his hand, but to my surprise it cut my thumb and bleed. Nagulat siya sa nagawa kaya agad niyang kinuha ang kamay ko at nilagay sa umaagos na tubig.

"Diba sabi ko nga kaya ko, hindi naman ako ganun kainutil, alam kong magtrabaho, hindi ako uupo lang at walang gagawin --"

Finally he cried. Kasalanan ko. Kung hindi sakin hindi mangyayari ang ganito sa buhay niya, hindi sila masasaktan, hindi mawawala ang importante sa buhay niya.

"Sorry for being selfish, yung kagustuhan kong makasama ka, dinala kita sa mundo kong walang kasiguraduhan kung magiging masaya ka ba, kung magiging ligtas ba tayo hanggang dulo, I did'nt realize that I'm dragging you to hell, hurting you, I'm really sorry Tober"

Iyak lang siya ng iyak. I even carrying his weight because he's weak, tired and restless this past few days. I was there, waiting. Until he break's down , like right now.

A minute later, wala na akong naririnig na pag-iyak. Hindi na din siya gumagalaw. I carried him and put him to his room. Fixed him to bed. Halata pa din ang lungkot sa kaniya. Kahit yata anong gawin ko para hindi siya mahulog sa kalungkutan wala akong magagawa. Kundi huwag siyang iwan at intindihin siya hanggang sa matanggap niya ang nangyari sa ina.






To be continue ...

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon