CHAPTER 2

100 19 16
                                    

TOBER

Nasa point na ako nang buhay ko na gusto ko na lang tumalon sa bangin kesa nandito ako sa madilim na lugar na 'to, kasama ang lalaking hindi ko inaasahang tutulungan ko.

Pinagtulungan siya ng mga lalaking 'yun. Ni ayaw akong bitiwan ni Two kaya pati ako ay napagdiskitahan din nila. Mas marami nga lang siyang natamong sugat dahil hinaharang niya ang sarili kapag sinusugod ako. Kaya ko naman sana kung hindi niya hawak ang kamay ko.

Pagkatapos siyang bugbugin. Pagkatapos kaming pagtulungan, sinakay kami sa nakaparadang sasakyan at eto nga, kinulong kaming dalawa sa madilim na kwartong 'to.

"Two,"

Mahina kong tawag sa kaniya. Nakatali ang mga kamay ko sa upuang bakal. Isang galaw lang gagawa na nang ingay.

"Woi Two,"

Gano'n pa din ang posisyon niya. Nakayuko, nakapikit ang mga mata. Pareho kaming nakatali pero pati mga paa niya ay nakatali din.

Inusog ko nang paunti-unti ang upuan ko papunta sa kaniya. Patalikod akong umusog sa likuran niya para magpantay ang mga kamay namin. Nakahinga ako ng maluwag. Kailangan ko na lang abutin ang kamay niya. Medyo nahihirapan ako dahil kailangan niyang igalaw papunta sa'kin para maabot ko.

"Two, p'wede bang tumulong ka na? Uwing uwi na ako."

Mahinang tawag ko ulit sa kaniya. Nakarinig ako ng mahinang ungol. Nilingon ko siya. Nakita ko ang paggalaw ng ulo niya.

"You okay? Gising ka na ba?"

Mahinang ungol muli ang narinig ko mula sa kaniya. Umubo siya. Alam kong nahihirapan siyang gumalaw dahil sa natamo niyang mga bugbug sa katawan pero kailangan ko ang tulong niya para makaalis kami agad sa lugar na 'to.

"W-what are you doing?"

"Can you please move a little bit closer. I can't reach your hands."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Nahihirapan pa din ako dahil hindi niya mabalance ang katawan niya. Tumagal nang ilang minuto bago ko naluwangan ang pagkakatali sa kaniya.

"Finally!"

Nagmadali na akong tanggalin ang tali sa kamay niya. Naramdaman ko siyang naglilikot sa upuan niya. Marahil tinatanggal na niya ang pagkakatali sa kaniyang mga paa.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagluwag ng tali sa mga kamay ko. Sa wakas natapos din. Ang problema na lang kung paano kami makakalabas sa lugar na 'to.

Nilingon ko ang kasama kong hindi pa din mabalance ang sarili. Lumapit ako sa kaniya. Nilagay ko ang isang braso niya sa mga balikat ko. Lumingon siya sa'kin. Halos nakapikit na siya dahil namamaga ang mga mata niya.

Iniwas ko ang tingin ko. Nanghihipnotismo talaga ang mga mata niya kahit hindi ko na makita ang eyeballs niya.

"Let's go."

Dahan-dahan kaming naglakad dahil medyo madilim sa loob. Kailangan din naming mag-ingat baka nandito pa ang mga lalaking kumidnap sa'ming dalawa at nag-iingat din ako para hindi kami matumba, dahil halos nasalo ko na ang lahat ng bigat niya.

"Just walk straight. Nando'n ang pinto palabas."

Kahit nagtataka kung bakit niya nalaman kung saan ang pinto palabas, sinunud ko na lang siya. Wala naman ding ibang lilikuan. Wala din ako halos makitang ibang gamit sa loob kaya madali kaming nakarating sa may pintuan.

"Hold on. Bubuksan ko lang 'to."

Dahan-dahan kong binuksan ang mabigat na pinto. Buti na lang hindi nakalock. Kinuha ko ulit ang braso niya at ikinapit sa'kin. Sabay na kaming naglakad palabas.

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now