CHAPTER 6

49 11 1
                                    

          Nakakalungkot manuod ng news ngayon dahil sa mga taong nasalanta ng bagyo 😔 But let's pray until He hear our heartful prayer 🙏😇 God is with us always. Don't give up to talk to Him.
          ↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔
TOBER

Kanina pa ako palakad-lakad sa apat na sulok ng comfort room nila Two dito sa bahay niya. Hindi ko alam ang nangyayari sa labas. Bigla na lang kasi akong hinila ni Forth paalis sa kusina at eto nga nilock nila ako sa cr dalawang oras na ang nakalipas.

Buti na lang malawak ang banyo nila dito. P'wedeng magvolleyball at basketball at the same time. Natawa na lang ako sa naisip ko.

Hindi ko alam kung kaninong kwarto ang pinasukan namin kanina. Basta na lang akong iniwan mag-isa dito.

P'wede nang humiga sa bathtub dahil sa sobrang laki. P'wede nang magbasa at tambayan ang toilet bowl dahil sa malinis at sobrang kintab. P'wede na ding pagpractisan ng sayaw ang whole body mirror sa laki nun. Isang malaking kwarto na ang banyo. Maliit pa nga dito ang kwarto ko sa inuupuhan naming bahay.

Nagtataka talaga ako sa reaksyon nang dalawa kanina nang sabihin ni Forth na may bisita silang dumating. Tumingin agad si Two sa'kin. Mababakas ang takot at pangamba sa buong mukha niya. Hindi ko alam kung anong hindi maganda sa pagdating ng bisita. Hindi na din ako kumuntra.

Napatayo ako sa pagkakaupo nang marinig ko ang pagbukas ng kwarto. Nilapit ko ang tenga sa may pinto ng banyo at pinakiramdaman kung anong nagyayari sa labas.

"I told you, no one's coming here. Wala akong kaibigan, maliban na lang kay Forth na lagi kong kasama."

"Good. Remember when I told you don't trust anyone?"

"Yes Master."

Inilayo ko na ang mukha ko sa may pinto. Kaya naman pala gano'n na lang ang reaksyon nila kanina. Sino kaya ang Master na 'yun? Boses pa lang nakakatakot na.

Narinig ko na ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto. Umupo na ulit ako sa magarang toilet bowl. Ingat na ingat pa akong baka magasgasan ko 'yun. Tumulala na lang ako sa salaming cover ng shower.

"Kailan kaya, ay kalabaw!"

Bumukas bigla ang pinto ng cr. Dalawa pa sila ni Forth na nakatingin sa akin habang nakataas ang mga paa kong nakaupo sa magarang toilet, cross legs position.

"Paano kapag umeebs pala ako? Hindi ba kayo marunong kumatok?"

Nagtinginan silang dalawa. Akmang isasara na ulit nila ang pinto nang tumayo ako. Nagpagpag ng pants na suot at tumingin sa kanila ng diretso.

"Care to explain?"

Tahimik lang silang nakatingin sa'kin. Maybe they are guilty. Hindi ko naman sila pipilitin kapag ayaw nilang magpaliwanag kung anong nangyari. Makakapaghintay naman ako kapag handa na silang magsalita.

"Nagugutom tuloy ako kakahintay na buksan niyo ang pinto."

Nauna na akong lumabas sa kanilang dalawa. Hindi nila ako pinigilan. Siguro wala na ang tinatawag nilang Master. Hindi ko na rin muna sasabihin na narinig ko ang pag-uusap nila kanina.

"I'll cook anything you want."

"What do you want to drink?"

Ako lang ba talaga o may mali sa kanilang dalawa? Napansin ko ding walang makitang kahit ano sa labas ng bahay dahil blurred ang salaming nakapalibot dito.

"Pero uuwi na ako."

Akmang aalis na ako nang may pumigil sa braso ko. Nagmamakaawang mukha ni Two ang bumungad sa'kin. Sinasabi ko na nga ba may mali sa kanila.

"Sabihin mo na."

"Ang alin?"

"Hihingi ka ng pabor 'diba? Ano 'yun?"

Napakamot sa batok na binitiwan niya ang braso ko. Humarap na ako sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya.

"Can you please stay here for a while? Ano kasi ..."

Hindi niya matuloy ang sasabihin. Nag-aalangan. Tungkol siguro 'to sa tinatawag nilang Master. Gaano ba siya nakakatakot para hindi niya p'wedeng malamang may ibang tao dito?

"Okay."

"Really?"

"Ayaw mo pa yata e, huwag na lang kaya."

"No! No! Hindi ko lang akalaing gano'n kabilis kang sasagot. You don't even asked what's going on?"

"Hindi naman ako tsismoso. Siguro naman may rason ka." Tumingin ako kay Forth na kanina pa din nakikinig sa'min.

"Kayo. Hihintayin ko na lang kung kailan kayo magiging handang magpaliwanag. Hindi ako nagmamadali."

Parang nakahinga ng maluwag ang dalawa. Bumalik ako sa kusina. Umupo at hinintay ko silang sumunod sa'kin. Ipagluluto pa nila ako ng masasarap na pagkain.

"Hanggang kailan ba ako magi-stay?"

Sinusuri-suri ko ang mga prutas sa mesa. Akala ko kanina peke, totoo pala. Sinubo ko ang isang pirasong ubas. Napapikit pa ako sa sobrang sarap.

"Maybe five to seven days? Hanggang sa umalis lang ang mga bantay namin sa labas."

Nabilaukan ako. Halos malunok ko ng buo ang sinunud kong kapirasong ubas. Five? Seven days? WTH?! Inabot ko ang tubig sa harap ko. Pagkatapos kong maubos ang laman no'n, tiningnan ko silang dalawa. Hindi ako makapaniwala.

"Seryoso? Paano pag-aaral ko? Paano si Mama?"

"Don't worry about school. I can handle it, but maybe you can talk to your mom?"

Ano pa nga bang magagawa ko? Kung hindi ko din ikapapahamak hindi ako papayag. Baka paglabas ko pa lang ng pinto pinasabugan na ako. Paglabas ko pa lang ng pinto bangkay na agad ako.

Pagkatapos na pagkatapos nito hinding hindi na ako papayag sa anumang pabor na hihingin niya. Kahit mapahamak pa ako, but in second thought, papayag na ako. Baka hindi ko maranasang makagraduate kapag nakahimlay na ako at wala ng buhay.






To be continue ...

Grammatical error. Please bear with me. Natutuwa na ako na umaabot na ako ng ilang Chapters ngayon -- dati kasi hanggang Chapter 1 lang ako pagkatapos hindi ko na alam ang susunod. Mas matutuwa ako kung ifollow niyo din ako 😊 madaming thankyou kapag ganun ❣Asahan niyo ang nakakaintense na laban at nakakaintense na love story nila Tober at Two 💖 maybe i can write Forth love story ❤ Again Enjoy Reading ❣❣

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now