CHAPTER 11

40 9 0
                                    

          #1 Revelation ( Sinusulat ko muna sa papel ang kwento ko bago maging Draft sa Watty 😌😅 Naiinis lang talaga ako sa sarili ko kapag hindi ko maintindihan sarili kong sulat 😄😅 Enjoy Reading ❣
          ↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔


TOBER


Nakaupo ako sa  isang tabi habang ginagamot ni Dee ang mga sugat ni Two, dahil sakin. Hindi ako nagsisisi na ginamit ko sa kaniya ang natutunan ko sa karate. I'm not mad, naiinis lang ako sa kaniya o sakin, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ngayon, masaya ako sa mga nalaman ko sa kanilang dalawa ni Anastacia.

Kung hindi kami nakita ng kambal hindi ko titigilan si Two sa pananakit sa kaniya. Tawa ng tawa si Jupiter samantalang umiiling lang ang kambal niya.

"Grabe idol na kita sa pakikipaglaban Tober, akalain mong nasugatan mo ang isang Two Imperial? Wow just wow!"

Hindi mahinto sa pagpuri sakin si Jupiter, habang ako nakayuko at masama ang tingin sakin ni mama.

"What do you think your doing Tober? Magandang gawain ng isang tao ang ginawa mo? Two is nice to us, so what's this? Are you out of your mind?"

"Mama --"

"No, from now on you'll stick with him until he get's better, may sugat pa nga siya, my goodness Tober, para kang bata"

Tumalikod na si mama at iniwan kami sa kwarto ni Two.

I'm with Dee, Anastacia, Air and Two. Anastacia's crossing her arms around her chest looking at Two. Dee's putting some ointment on Two's eyebrow. Air's beside me smiling. Two's looking at me, hindi siya galit, hindi ko mapangalanan kung ano.

"Buti nga sayo yan, galitin mo pa ang Tober nang hindi lang ganiyan ang abutin mo" nakaingos na turan ni Anastacia kay Two.

"Thanks for worrying, I'm touch" Sarkastikong sabi ni Two sa kapatid. Yes, alam ko nang magkapatid silang dalawa kaya sa inis ko sa kaniya nasaktan ko siya.

"Tss, anyways maiwan ko na kayo, hindi ko natapos ang breakfast ko kanina" nauna ng lumabas ng kwarto si Ana. She even flip her hair bago mawala sa paningin namin.

"Me too, una na muna ako, sasamahan ko lang si Sky magbantay sa labas" sunod na sabi naman ni Air.

"Okay done, I'll tell tita Tatiana to cook you some soft food, it will help you to recover, so I'll go ahead" sabi ni Dee habang inaayus ang nga ginamit niya. Tumango lang siya sakin bago lumabas ng kwarto ni Two.

Tumahimik ang kwarto. Nakaupo pa din ako sa sofa, harap ng kama niya. Binalingan ko na lang ang mga kuko ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Wala akong balak magsorry sa kaniya. He deserve it anyway. Manigas siya. Kahit magalit pa sakin si mama.

"Tober"

Tumaas ang kilay ko dahil may lambing ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. I look at him. Ang pangit ng itsura niya.

"Let's talk" nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatitig sakin.

"About what?"

"Come closer"

Nagdalawang isip pa ako kung susundin ko ang sinabi niya. Natatakot akong bumawi siya sa ginawa ko kanina.

"I said COME HERE" May galit na sa boses niya kaya bigla akong tumayo at umupo sa tabi niya.

"I'm sorry"

Kumalma ako dahil sa sinabi niya. Parang hinaplos ang puso ko kahit na dalawang salita pa lang ang nababanggit niya. Kalalaki kong tao pero kung kiligin ako daig ko pa ang babaeng crinush back ng crush niya.

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now