CHAPTER 3

73 13 38
                                    

TOBER

Kanina pa masama ang tingin ko sa lalaking katabi ko. Nakayuko ang ulo sa mesa, nakapikit at nakaharap ulit ang mukha sa'kin. Paborito niya sigurong posisyon kapag natutulog dito.

Paano ba naman kasi, kanina pagdating niya sa school tinanung ko siya tungkol sa nangyari kagabi. Dedma lang niya mga tanong ko, parang hangin lang ako sa kaniya.

Pagdating ko sa bahay kanina si Mama agad ang hinanap ko. Pinagalitan pa nga niya ako dahil hindi ako umuwi kagabi. Nagsabi naman ako ng totoo, kaya ayun sobra-sobra siyang nag-alala.

Umalis ako sa bahay ni Two nang hindi ko siya nakita. Si Forth, na pinakilala niya ang sarili niya sa'kin pagkahatid niya sa'kin kanina sa bahay, ay binalak ko ding tanungin tungkol do'n pero tinubuan ako nang hiya sa katawan. Masyadong siyang seryoso para kausapin. Baka singhalan lang ako kapag nagtanong ako sa kaniya.

Pangalawang araw ko na dito sa eskwelahang 'to pero gano'n pa din, puro lecture lang ang ginagawa. May kaniya-kaniyang mundo ang mga estudyante. May naglalaro, nag-uusap usap kahit nasa harap ang guro, may nagbabasa din naman kahit papa'no at may natutulog tulad nitong katabi ko.

"Nakatitig ka na naman."

Nagulat ako sa kaniya. Gising na pala siya.

"Sasagutin mo na ba ako ngayon?"

Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa'kin. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig lang sa kaniya. Pinigilan ko din ang paghinga ko kaya halos lumaki ang butas ng ilong ko. Kulay kamatis na siguro ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya.

"What are you doing?"

"Sinasagot na kita."

"Ano?!"

Pangisi-ngisi siyang lumayo sa'kin at tumayo. Do'n ko lang pinakawalan ang pinigilan kong paghinga. Ilang beses din ako nagbuga ng hangin bago tumayo at lumabas ng classroom.

"Ang tagal mo."

Ewan ko ba, lagi na lang akong nagugulat sa mga pinapakita niyang ugali sa'kin. Minsan parang wala siyang pakialam, minsan magsusungit tapos magiging makulit. May side din na medyo sweet siya, medyo lang naman. Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Moody siya kumbaga.

"Hi!"

Napatigil ako sa paglalakad. Maganda, may kaputian at maarteng tingnan ang babaeng humarang sa daraanan ko. May dalawa siyang kasama na nasa magkabilang gilid niya. Kumikinang ang mga mata nilang nakatingin sa'kin.

"Hello,"

"I'm Lisa, and you are?"

"He's mine."

Ow, okay. Sumusulpot na lang talaga si Two sa kung saan nando'n din ako at ano daw? I'm his? Ako?

"But Two ..." Maktol ng babaeng humarang sa'kin.

Hinila na ako ni Two. Magrereklamo na sana ako nang huminto siya.

"Ano bang problema mo?"

Naiinis na din ako sa kaniya. Masyado naman na yata siyang nakikialam sa mga ginagawa ko. Nando'n siya sa lugar kung nasaan ako.

"Don't trust anyone."

"So, I don't need to trust you too then."

Iniwan ko siya kung saan siya huminto. Kung ayaw niyang pagkatiwalaan ko ang kahit na sino. Dapat pala pati siya hindi ko din pagkatiwalaan. Kung kailan magaan na ang loob ko sa kaniya kahit saglit pa lang kaming nagkakilala. He's talking nonesense again. Ang dami niyang alam.

Natapos akong kumain nang hindi nakikita si Two. Pagbalik ko ng classroom, nando'n na ang mga kaklase kong may sari-sariling mundo. Pero paglingon ko sa likod kung saan ako nakaupo, wala siya. Hindi ko na lang din pinansin.

Hanggang sa matapos ang panghapong klase, walang Two ang dumating. Hindi naman sa hinihintay ko siya o hinahanap pero, nag-aalala din ako.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa'min. Pabagsak akong umupo sa may sala. Iniisip ko pa din kung bakit wala si Two kanina. Hindi kaya ... sa sinabi kong hindi ko din siya dapat pagkatiwalaan? Nagalit kaya no'ng iniwan ko siyang mag-isa kanina? Nagalit siya dahil may lumapit sa'king babae? Pero bakit naman siya magagalit? Ano ko ba siya? Ni hindi ko nga siya kaibigan.

"Eh ano bang pakialam ko?"

"Saan anak?"

Tiningnan ko si Mama na nasa harapan ko na pala. May dala siyang pitsel at baso.

"Wala po 'ma."

"Bakit parang mayro'n?"

"Ma!"

Para bang kung magtanong siya ay nag-away kami ng girlfriend ko, wala naman ako no'n. Simula ng magbinata ako, nakasalamuha ng mga magagandang babae, wala akong naramdamang pinana ako ni kupido sa kanila. Kahit na may mga nagpapapansin sa'kin hindi ko sila pinapansin.

Not literally na ayaw ko sa kanila. I'm not into a relationship with girls. Alam ni Mama 'yun. Lahat nang nangyayari sa buhay ko sinasabi ko sa kaniya. My mom, my friend, my family and my hero. Tinaguyod niya ako ng mag-isa. Wala ng mas hihigit pa sa kaniya bilang isang magulang.

"I met this guy ..."

"Really? Anong pangalan anak? Invite him over, gusto ko siyang makilala."

"Ma! Hindi pa nga ako tapos magkwento."

"Okay okay! So you met this guy and then?"

Sinimulan ko ang kwento kung paano kaming nagsimulang nagkakilala ni Two. Nakwento ko na sa kaniya kung anong nangyari kahapon sa'min. Hanggang 'yung nangyari kaninang umaga at 'yung mga gumugulo sa isip ko.

"Ang sakit mo naman magsalita anak. Siguradong nasaktan 'yun sa sinabi mo. Maybe he's concern dahil nga bago ka pa lang sa lugar na 'to."

"Nakakainis na din kasi minsan ugali niya 'ma!"

"Kahit na. Sabi mo nga mayro'n siyang iba't ibang ugali. He's moody. Malay mo 'yun 'yung ugali niya kapag concern siya sa isang tao."

"Ma! He's not my friend either."

"Ow okay. If you say so, pero magsorry ka pa din anak. Hindi magandang ugali ang pinakita mo do'n sa tao."

"Hindi ko pa din po maiwasang mainis sa kaniya 'ma pero susubukan ko po."

"O siya tara na't kumain."

Hindi pa din maalis sa'king mag-isip. Naguguluhan din kasi ako sa ugali ko kanina. Tama nga siguro si mama. Kailangan ko nga sigurong magsorry sa kaniya kapag nagkita kami.





To be continue ...

MY LOVER'S RIVAL ( COMPLETED ) BXBWhere stories live. Discover now