Kabanata 90

12.5K 600 272
                                    

Kabanata 90:
Password

I can't even move as I hold Zillah's body. I can't hear anything and I can't process what's happening. Iyong nasaksihan ko parang hinatak ako pabalik sa isang ala-ala na ayoko nang balikan pa.

As I remember the past, my breathing turned rapid and hot tears started to brimmed in my eyes.

No! What happened in the past can't repeat again now.

Hindi puwedeng mangyari ulit! Hindi puwedeng bumalik muli ang bangungot na matagal ko nang tinatakbuhan.

"Raiven!" niyugyog ni Levi ang balikat ko. Kung hindi niya pa iyon nagawa ay baka tuluyan na akong nalunod sa iniisip. Napasinghap ako at marahan niyang tinapik ang pisngi ko para tuluyang gisingin. I blink my eyes and look at him.

"Raiven! Wake up!" sabi ni Levi at doon ko napansin na hinihingal na pala ako. Para bang nalunod at bigla lang naiahon kaya naisalba pa. My chest is having back and forth in a past pace. Gumalaw ang labi ko para makapagsalita pero hindi ako makabuo ng mga sasabihin.

"Kamusta siya Ludwig?" si Gaspar na tinignan si Ludwig na kinuha na pala sa akin si Zillah.

I gasped harshly when I remembered everything. Nanlaki ang mata ko at mabilis na dinaluhan si Zillah. Hawak ni Ludwig ang katawan niya.

"Zillah!" nag-aalala kong sinabi.

"Hindi malala ang pagkakatama sa kanya. Daplis sa tagiliran." ani ni Ludwig at nakita ko si Zillah na mariing nakapakit at mukhang may malay pa. Nakahinga ako ng maluwag roon. Relief flood through me. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa nalamang daplis lang iyon at hindi malala.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang mas malubha pa doon ang nangyari. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

I sucked a breath when I saw the blood on his side, flowing abundantly.

"Tangina." daing niya at binuksan ang mga mata.

"Kailangan mong madala sa hospital! Levi!" nagpapanik kong sinabi at humingi ng tulong sa kanila

"Zillah please hold on!" nag-aalala kong sinabi. I am a bit panicking.

"Papunta na sila Kuwai rito! Damn, napuruhan pa ako. Nakatakas ba ang lalaki?" tanong niya. Nagugulat pa ako na may kakayahan pa siyang magsalita sa kalagayan niya. Inaakay siya ni Gaspar sa kanan at ako naman sa kaliwa.

"Ako na riyan Raiven." si Levi pero inilingan ko lang siya.

"Mabilis iyong takbo niya. May nag-aabang ring SUV at pinapatukan kami kaya hindi na namin tuluyang nahabol." sagot ni Ludwig. Zillah is whimpering everytime he steps.

"Buhatin niyo na lang siya para mapabilis." nanlalamig na talaga ako habang nakikita ang pagdaloy ng dugo niya na pumapatak pa sa sahig. Nangangatal ang mga daliri kong nabahiran na noon. I screw my eyes shut when an image cross my mind.

Hindi puwedeng mawala ako sa wisyo sa sitwasyon ngayon.

"Bubuhatin ka na lang namin." ani Gaspar na siyang pinakamatangkad at malaki ang katawan sa kanilang lahat.

"Damn, pa bridal style?" si Zillah na napapailing pa iyong sinabi. Hindi na iyon pinansin ni Gaspar at binuhat nga siya sa ganoong istilo. Nakapikit na si Zillah. Malalaki ang hakbang namin papasok ng sasakyan ni Levi.

"M-Ma'am Raiven! Hindi kayo puwedeng umalis. Baka iyong mga nanloob rito ay nasa paligid pa. Delikado kung lalabas tayo." ani Wency. Iyong tauhan ni Kuwai.

"Pero hindi puwedeng manatili lang siya rito! He needs an immediate treatment! His wound is deep! Mauubusan siya ng dugo." hindi agad nakapagsalita si Wency roon. Parang nahihirapan din kung ano ang gagawin.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now