Kabanata 61

13K 641 209
                                    

Kabanata 61:
Bote

Hindi ko pa rin magawang maiproseso ang nakikita ko ngayon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa railings at hindi na ako makahinga sa ilalim ng suot na itim na mask. Halos magtago ako sa isang gilid nang makitang nilibot ni Helix ang tingin sa paligid.

Kumalabog ang puso ko sa kaba. Natatakpan ng suot kong hoodie ang buhok ko at ang mask ay ang kalahating mukha. Dim ang ilaw sa bawat palapag at ang pinakamalakas na may ilaw ay ang entablado na nasa gitna. Napatingin si Helix sa direksiyon ko at natigil ako sa paghinga ng ilang segundo.

Pakiramdam ko ay kahit na nakatakip na ang halos buo kong mukha  at malayo ang distansiya naming dalawa ay magagawa niya pa rin akong makilala. Quin move in his stance beside me. Napasinghap ako ng bigla niya akong akbayan at ilapit sa kanya.

"This is just an act. Para hindi ka makilala ng lalaki na iyon." kumunot ang noo ko sa sinabi niya at pasimpleng bumaling kay Helix na natuon banda rito ang tingin. Hinayaan ko roon si Quin para magawa kong maitago ang mukha. Kahit kinakabahan pa rin ako na baka makilala ako ni Helix kahit malabo iyon.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang tinapik siya ng katabing si Light. Bumaling siya roon dahil may sinabi sa kanya. Nagtagal ang usapan nila kaya hindi na siya lumingon pa. Humiwalay naman na si Quin sa akin. Pinagpag niya pa ang balikat at dibdib.

My brows furrowed and I throw him a glare. He raised a brow at me.

"I'm allergic to girl's smell." he said and I just squinted my eyes at him. Hindi ko na rin naman siya pinansin at tinuon na ang tingin roon sa baba. Sa puwesto nila Helix. Magkausap pa rin sila nila Light. They expression were both serious. Wala akong ideya kung ano ang pinag-uusapan nila dahil hindi ko rin naman iyon naririnig.

Ang tanging nakikita ko ay kung paano nila ibuka ang mga labi. Until now, I can't believe that this place exist in this school. Alam ba ito ng mga admin at administrator? Malabong hindi kung sa bawat pagpapatayo ng gusali ay sinusuri at binabantayan nila. But this underground was below the abandoned dorm.

Hindi ko lang alam kung kailan ba ito na abandona dahil mukhang matagal na. I chewed my lower lip. Maraming tumatakbo sa isip ko. Kung anong ginagawa sa lugar na ito. Kung bakit parang lahat ng nag-aaral sa paaralan na ito ay kayang makapasok rito maliban sa akin.

Mga nakahilig sila sa barindilya at mukhang naghihintay sa kung ano. Ni hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Kung bakit naroon si Kuwai sa loob na parang hawla. Ito iyong mga nakikita kong stilo ng ring sa MMA o kick boxing.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Lahat ng narito ay lalaki. Mukhang ako lang yata ang nag-iisang babae rito. Naiintindihan ko na kung bakit ako pinagsuot ni Quin ng ganito. Para itago ang katauhan ko rito sa loob. Sa tingin ko bawal umapak ang babae rito.

"Is woman prohibited to enter here?" tanong ko kay Quin na ang mga mata ay nasa entablado rin. Bumaba ang tingin ko muli kay Kuwai. His rolling a fabric in his knuckles. Siya lang mag-isa ang nasa loob at bukas pa ang pinto. I don't know why my heart is thumping too loud in nervous.

"Yeah. Actually bringing you here is risking my life." I turned to Quin in hearing his statement.

"Ganoon kalabag na tumapak ang mga babae rito?"

"That's in the rule. May kaukulang parusa kapag nahuli ang kung sino mang babae na narito sa loob o kung may nahuling nagdala ng babae." umawang ang labi ko roon at biglaang napalunok. Mahina lamang ang boses ni Quin, para kaming dalawa lang ang makakarinig ng usapan.

Ilang hakbang din naman ang layo ng mga katabi namin sa amin.

"Anong parusa?"

"Something bad that you won't even imagine." I don't know if he's power tripping me about it but I can't trace anything that I can prove he's kidding. His voice is dead serious and cold that I'm shivering. Nasa ilalim kami kaya malamig ang lugar.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now