Kabanata 8

19.2K 860 533
                                    

Kabanata 8:
Lips

"Bakit ang tahimik niyo sa klase ni Miss Feronia?" hindi ko na mapigilang magtanong sa kalagitnaan ng pagkain namin nila Helix at Xerox.

"Bawal mag-ingay sa klase, Raiven." si Xerox ang sumagot at tumaas ang kilay ko.

"That's not what I mean. Why are you not reacting on her arrival? You didn't even make any sound." sabi ko at hindi maisubo ang pagkaing nasa harap. Kuryoso ako kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon nila.

"She's a teacher. We should respect her." si Xerox pa rin.

"Kung ganoon bakit sakin hindi ganoon?" sabay silang napahinto sa pagkain dahil sa sinabi ko. Ngumisi si Xerox.

"Ganoon dapat ang pagsalubong, maingay!" aniya at humalakhak nang hinampas ko. Kita ko naman ang pagsunod ng tingin ni Helix sa kamay kong dumapo sa balikat ni Xerox.

"Bakit laging ako na lang pinagseselosan niyo! Kainis na ah!" nagulat ako sa biglaang pasinghal ni Xerox pero halatang pabiro.

"Hindi bagay sayo." si Helix na halos magulat pa ako na nagsalita na ngayon.

"Balik tayo sa pinagusapan natin. Bakit tahimik kayo sa klase ni Miss Feronia? Takot kayo roon?"

"Wala kaming kinanatakutan. Basta." si Xerox at pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Mukhang malabo iyong sinabi mong dahilan kanina. For sure students will react seeing that kind of teacher."

"Kami hindi. Itigil mo na iyang pagiging kuryoso mo at pakainin mo ko. Gutom na gutom pa ako." si Xerox na walang humpay sa pagnguya ng pagkain. Huminga naman ako ng malalim.

Is it just me that they don't want to answer my question directly.

"Kumain ka na, Raiven." malumanay na saad ni Helix nang makitang nakatulala lang ako sa kanya.

"Okay." I said and shook my head to vanish those thoughts.

"Restroom lang ako!" paalam ko sa kanila nang matapos kaming kumain. Hindi ko pa naririnig ang sagot ni Helix dahil nabubulunan pa si Xerox at tinutulungan niya nang tumakbo na ako papalayo.

"Raiven!" Helix called my name but I just assure him that I'll be okay alone by waving my hand.

Mabilis akong nakapunta sa Science Building kung nasaan ang restroom na nakalaan sa akin. I was about to get my bag from my back when someone grab my hand and pulled me inside the restroom. Agad na kumalabog ang puso ko sa kaba lalo na ng marinig ko ang click ng paglock sa pinto ng restroom.

Mabilis akong nagpumiglas sa hawak niya pero agad ring natigilan when I scent a very familiar manly perfume. Nanlaki ang mata ko lalo na ng tamaan ng sinag ng araw ang mukha niya.

Kuwai smirk and I glared at him.

"Anong ginagawa mo?!" singhal ko at magpupumiglas na sana sa hawak niya nang siya na ang nagtanggal noon. Akala ko ay papakawalan niya na ako pero ginawa niya lang pala iyon para kulungin muli ako.

Napasinghap ako ng ilagay niya sa dalawang pagitan ko ang mga kamay niya. Kinukuha ang natitirang espasyo na namamagitan sa amin para maglayo. I can feel the cold wall behind me. I'm leaning against it and he's in front of me.

My breathing hitched as my heart hammered inside my chest loudly. His dark menacing and ruthless eyes pierce in my soul. Ang paraan ng pagtitig niya ay pinagwawala sa katinuan ang buo kong sistema.

"Hinayaan kita kay Helix dahil hindi ko kayang palaging bantayan ka." kumunot ang noo ko sa biglaan niyang pagsasalita. Tinatago ang kaunting panginginig dahil sa malamig niyang boses na nanuot sa akin.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now