Kabanata 40

17.8K 746 358
                                    

Kabanata 40:
Brown

Huminga ako ng malalim habang nakikita si Pierce na nakatitig kay Ashtyn ngayon. Hindi lang ang mga kapatid niya ang nahihirapan sa pag-alis niya kundi ako rin. Ayokong mahiwalay siya sa kapatid niya. Pero kung ito ang tanging paraan para sa ikakabuti niya ay narito ako para suportahan siya.

"Makinig kayong dalawa Ashtyn Hayden." hinawakan ni Pierce ang dalawang balikat ng bata. Tumitig sa kanya ang dalawa. Hayden's eyes were bloodshot for suppressing his tears while Ashtyn lips is quivering from stifling her sobs to listen at his Kuya.

"Aalis ako para sa ikakabuti nating lahat. Hindi ko naman 'to pinili para sa akin lang. Mahirap din 'to para sa akin pero para sa inyo nagdesisyon akong gawin 'to. Pasensiya na kung aalis si Kuya. Mabilis lang naman 'to. Baka hindi niyo nga mamalayan na umalis pala ako. Babalik din si Kuya, pangako. Mas maaalagaan ko na kayo pagbalik ko. Magiging maayos din ang lahat, hmm." paninigurado niya sa dalawa niyang kapatid.

"Bakit ka ba aalis Kuya? A-Ayos naman tayo." kitang kita ko ang pagkatigil ni Pierce ng tanungin iyon ni Hayden. Mabilis din naman siyang nakabawi at ngumiti rito.

"May... nagawa si Kuya na naapektuhan ako ng malala. Kailangan iyong mawala sa sistema ko kaya gagawin ko 'to. Kapag kasi hindi ko ginawa, natatakot ako na mas mapalayo pa sa inyo. Kapag nanatili ako rito baka tuluyan na akong mawalan ng pagkakataon para makasama kayo." sagot ni Pierce at napasinghap ang dalawa niyang kapatid.

"N-Nagawa? Wala naman kamimg napansin na masamang ginagawa mo Kuya." si Ashtyn at hinuli ni Pierce ang ilang takas na hibla ng buhok niya para isilid sa gilid ng kanyang tenga.

"Hindi ko rin napansin, Ashtyn. Pero hindi pa naman huli ang lahat para sa akin. Gagawin ko 'to para hindi na tayo magkakahiwalay pa. Magiging maayos rin si Kuya." he gave them an assuring smile. Naiiyak pa rin ang mga kapatid niya at marahan niya iyong hinila para sa mahigpit na yakap.

Napangiti ang Tita ni Pierce sa nakita at maging ako. Ilang minutong ang tinagal ng yakap nang magsalita si Ashtyn.

"A-Ate Raiven, sumama ka." aniya at saglit na namilog ang mga mata ko pero tumawa rin saka tumango at nagtungo sa kanila para sa isang yakap.

Ngayon pinagmamasdan ko si Pierce na maglakad patungo sa isang rehabilitation center kung saan siya mananatili pansamantala. Nakatayo ako habang lumalayo siya sa paningin ko ng unti-unti.

"Pierce!" tawag ko at mabilis siyang napahinto sa paglalakad at bumaling sa akin.

"Bakit?" mahina niyang tanong pero sapat para marinig ko sa distansiyang meron kami.

"Meron kang gusto sa akin, ramdam ko." sabi ko at kitang kita kong natigilan siya. I chuckled on his reaction. Mabilis siyang umiling at kumunot ang noo sa akin.

"Assumera." bulong niya at namilog ang mga mata ko. Tumawa naman siya bago muling tumalikod sa akin at nagpatuloy sa paglalakad. Pinagmasdan ko siyang tuluyang lumayo sa akin habang may ngiti sa labi.

Pierce you're not even starting to your medication but I know you'll be healed and be better than I expected you are to be.

Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ay huminga ako ng malalim at tumalikod na rin pabalik roon sa sasakyan kung saan naghihintay sila Light, Helix at Xerox.

Binuksan ko ang pintuan at mabilis silang napalingon sa akin.

"Para kayong may relasyon na nagpapaalam sa isa't-isa ah. Para akong nanonood ng pelikula." Xerox said and my forehead creased.

"That's a friendly farewell. Bakit hindi ka sumama para may kasama akong Tatay sa likod ko." sabi ko at mabilis nalukot ang mukha niya. Tumawa naman si Light.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now