Kabanata 7

18.9K 810 241
                                    

Kabanata 7:
Miss

I ignored his question and continued my walk to pass by him. Pero hindi niya ako hinayaan at hinawakan ang palapulsuhan ko. Mabilis kong binawi iyon sa kanya dahilan para humalakhak siya. May paghanga sa mga mata na para bang gulat na kaya kong gawin iyon sa kanya.

"Tinatanong kita. Bastos ka rin noh." I don't know if it was a mocked or a sarcasm but it seems both. Hindi ko nagugustuhan na makabangga ang lalaking ito. Bakit ba ang malas malas ko pagdating sa mga nakakabanggang tao.

First Kuwai and now this man.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Sa dating pa lang ng itsura niya alam ko na agad ang ugali niya. He looks like a man who almost did a crime and always run on it at the same time.

"Hindi ko obligasyon na sagutin ang tanong mo, Kuya." diniinan ko ang huling salita na tinawag sa kanya para bigyan man lang siya ng galang. He looks years older than me anyway.

Humalakhak siya na para bang isang kalokohan ang sinabi ko.

"Damn feisty. Paano ka nakapasok rito? Are you one of the head's daughter and you pull some strings to get here? Naghahanap ka ba ng pagkakatuwaan Miss?" mukha ba akong ganoong babae sa kanila?

Lahat ay iyon ang hinuha ng pumunta ako rito? Do I look like some spoiled brat in their eyes? Halos wala nga akong accessories sa katawan kundi ang relo na nasa palapulsuhan at mga hikaw sa kanan kong tenga.

My clothes are not that branded also.

"Hindi." simple kong sagot at maglalakad na sana para lagpasan muli siya ng iharang niya ang mga braso sa daanan ko. Tamad ko siyang binalingan.

"Not so fast, Miss. I'm free and there's a lot of empty restrooms here. We can do it quickly or it depends in you. Wala namang tao. Ito naman ang gusto mo hindi ba?" I almost scoffed on what he said. I feel so disgusted to him.

First, he thinks that I'm a spoiled brat and now he's thinking that I'm a slut.

"I'm not interested. Let me go." kahit na nangangati na akong pabilisan ang lahat para makaalis na ay pinigilan ko na lang ang sarili.

"Umaarte ka pa? Bakante ako Miss at walang gagawin." aniya at napasinghap ako ng bigla niya akong hilahin papalapit roon sa isang boys restroom.

Malakas kong binawi sa kanya ang braso pero mas hinigpitan niya ang kapit roon. Kumalabog ang puso ko bigla dahil hindi ko inaasahan na ganito siya kapursigido sa gagawin.

Malaki ang katawan niya kaya inaasahan ko na malakas siya pero mas lalong hindi ko inaasahan na hindi ako makakawala sa hawak niya. I shake my head to vanish those dark though slowly creeping my mind.

"Bitawan mo ako bago mo pagsisihin ang lahat ng 'to." sabi ko habang hinihila ang sarili para makawala sa kanya. Bahagya siyang bumagal sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Walang tutulong sayo rito. Walang magtatangka na banggain ako." nagtangis ang bagang ko sa sinabi niya at hindi maiwasang mapangisi kahit nagsisimula nang manginig muli ang buo kong katawan.

Damn the anxiety I'm having right now because of his hold! I just calm myself minutes ago and now it's attacking me again.

"Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin." I almost cursed when I notice that my voice is near to shaking too.

His eyes landed on my trembling hands. Napamura na ako sa isip.

"Really? You think I will be scared on that when I can see your obvious trembling? Don't worry, Miss you'll like what I'm going to do with you. Hita mo na lang ang manginginig mamaya." halos mamilog ang mga mata ko sa mga bulgar niyang salita.

Ruling The Last Section (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon