Kabanata 57

15.5K 567 187
                                    

Kabanata 57:
Regret

"Ako na ang mag d-drive." presinta ko habang naglalakad kaming tatlo nila Helix, Xerox at ako patungong parking lot. Xerox's face is distorted. I let out a chuckle and he glared at me.

"Bakit ba kasi partners ang gusto ni Sir? Ang malas ko talaga kapag nariyan si Raiven." I arch a brow at what Xerox said. Habang nakalahad ang kamay ko kay Helix who's looking at my hand. He heaved a sigh.

Kakatapos lang ng huling klase namin at alas tres pa lang ng hapon. Magtutungo ako sa bahay nila Helix ngayon dahil siya ang makakapareha ko para sa reporting bukas.

Habang si Xerox ay mukhang badtrip dahil hindi siya makakasama sa amin. I'm not sure if he's really badtrip because he's not with us or he can't come to Helix's house to eat.

"Will you be okay?" ang kaliwa kong kilay na nakababa ay kay Helix naman tumaas.

"Of course!"

"Ako na ang mag dri-drive. Mapapagod ka pa."

"Nah, kaya ko." I look at Helix with keen persistent. Sa huli ay nilapag niya sa palad ko ang susi ng sasakyan niya at malaki akong napangiti. Habang si Xerox ay mas lalong bumusangot ang mukha.

"Nakikinig ba kayo sa akin?" asik niya dahil hindi namin nasagot ang kaninang tanong niya.

"You have Lexus as your partner. Matino naman iyon kaya siguradong may magagawa kayo sa reporting."

"Hindi ko pa rin gusto."

"Hindi mo naman tinanong kung gusto ka bang kapartner ni Lexus." Helix said and we both burst in laughing. Xerox sneered on our reaction.

"Uh so you're taunting me now Helix. You're paying back huh." Xerox said mockingly.

"Naiinis ka na ba?" panunuya muli ni Helix sa kanya.

"Tss." si Xerox at muli kaming humalakhak parehas ni Helix. Xerox averted his gaze at us. Nagkatinginan kami ni Helix.

"Nagtatampo ka na?" I tried to look at his face but he keeps avoiding it. Natatawa tuloy ako. He gently swatted my hands away when I tried to touch his cheeks to make him look at us.

Tumatawa kaming dalawa ni Helix hanggang sa makapunta sa parking lot. Naroon na si Lexus na nakasandal sa sasakyan habang pinaglalaruan ang sariling keyfob. He seems waiting for Xerox.

"Nice, pinaghihintay." sabi ko kay Xerox nang ituro si Lexus. He didn't speak and my eyes squinted at him. It's impossible for Xerox to be pissed off. Nakita ko na siyang mainis pero iyong mababaw lang at ilang minuto lang ay mabubura na iyon ng nakakaloko niyang ngisi.

Lexus smiled at us. Nag-aalinlangan ko tuloy na pinindot ang keyfob ni Helix para mabuksan ang sasakyan habang nakatitig kay Xerox. Hindi pa rin siya nagsasalita. I smack his chest in a soft way.

"Hoy!"

Ang unfair talaga pagdating sa mokong na 'to. Kapag siya ang nang-aasar ay kahit na sobrang pula na ng pisngi ko sa inis ay nagpapatuloy pa rin siya. Even I pulled his hair or his arms were already crimson because of my smacks. Pero kapag ako ang nasa puwesto niya at ngayong hindi na siya nagsasalita ay nag-aalala ako.

He didn't budge. He didn't even look at me. Iniwas pa ang katawan sa akma kong pagtama muli sa dibdib niya ng kamay ko para kuhanin ang atensiyon niya.

"Don't mind him Raiven. He's just acting like an awful pet." Helix said and open the door for me.

Habang si Xerox ay lumapit na kay Lexus. They made a manly fist bump. I can't hop inside the car because I'm still watching Xerox. Ayokong umalis ng ganito kami kahit hindi ako sigurado kong umaarte lang ba talaga siya o totoong nagtatampo na.

Ruling The Last Section (Season 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora