Kabanata 48

14.6K 632 309
                                    

Kabanata 48:
Rooftop

"Let's go back." hindi ko magawang mahanap pabalik ang tinig na tinakasan ako bigla nang magsalita si Kuwai. Natigil ang pag-ring ng phone at tumunog iyon para sa isang warning na 10 seconds before the phone shut down. Low batterry na pala.

Nakaupo ako at bagsak lang ang tingin sa phone na dumilim at namatay na ng tuluyan. Kuwai get the paddle and start to move his arms. Gumalaw ang bangka pabalik sa kinaroroon namin. Hindi ko naman tuluyang nakalimutan ang wisyo ko pero para namang tinakasan ako noon sa nangyayari ngayon.

Nakatulala ako. Hindi ko magawang iangat ang tingin kay Kuwai. Hindi ko kaya. Isa pa, natatakot ako sa makikita sa kanya. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin. Napalunok ako. I get Ice Bear and embrace him. I put my chin in its head as I stared at my shoes. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga sapatos rin ni Kuwai.

I can't string words into sentence. Ni hindi ako makagalaw ng tuluyan. I didn't regret what happened. I didn't blaming myself for it. My hormones is not the one who only control me, its my heart. It was also permitted by my mind. All part of me let him do it.

Hinding hindi ko rin naman siya hahayaan na gawin iyon kung labag sa loob ko. Hinding hindi ko hahayaan ang kahit sino kung ayaw ko. May pahintulot iyon ng lahat, lalo na ng puso ko. I can still even feel the loud pounding of my heart. Alam ko, kung gaano ako sobrang kahina pagdating sa kanya.

Ang sabi ko hindi pa ako hulog, pero mukhang nagkamali ako. Ang kinakapitan ko sa gilid ng bangin ay isa lang palang ilusyon. Wala na iyon at ngayon at patuloy akong bumabaon sa bangin na sobrang lalim. Marahan ang galaw ng bangka at naririnig ko ang lagaslas ng tubig. Bahagyang naninikip ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang natulak. Nagulat ba ako? Napagtanto ko bang sobra na iyon? Hindi pa ako handa? Halos mapailing ako sa huling tanong. Sinong niloloko ko. Halos bumigay na nga ako kanina. Halos isuko ko na kung hindi lang....

I heaved a sigh. Pinapakalma ang sarili. Hindi lang ako nilalamig sa malamig na pang-gabing hangin kundi pati na rin sa katahimikan na bumabalot sa amin. Kung wala lang tunog ang pagpepedal niya sa tubig ay baka tuluyan na kaming nabalot ng katahimikan.

Narito na kami ngayon sa mga lamp post. Muling bumalot sa amin ang maraming ilaw at may nakakasalubong na rin kaming mga tao na nasa bangka rin. Naririnig ko ang hagikhik ng iba habang sumusulyap sa amin. Hindi ko lang alam kung bakit sa kalagitnaan ay natitigil sila at natatahimik na lang.

Si Helix. Hindi ko alam kung bakit ako huminto noong siya ang nakita ko sa phone. Kung iba ba 'yon ay ganoon din ang mga reaksiyon ko. Itutulak ko rin ba siya? Napapikit ako sa gilid. The atmosphere between us is so thick that I can't barely breath.

Sobrang nahihirapan akong huminga. Nag-init ang mga mata ko ng makarating kami sa daungan. Wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko mabuksan ang labi ko. Wala rin akong makapang sasabihin sa kanya. Ano ba ang dapat kong sabihin? Humingi ng tawad.

What the hell?

If you'll tell him an apology, you will offend him. Kasalanan ko rin naman. Kung ganoon anong sasabihin ko? I know he's thinking a wrong thing now. At hindi ko alam kung paano ibahin ang iniisip niya ngayon. Dahil kahit ako, hindi alam ang dahilan kung bakit ko siya tinulak para mahinto.

Siya ang unang tumayo. Humigpit ang hawak ko kay Ice Bear. Nang makatapak na siya sa konkretong kahoy ay napasinghap ako ng nilahad niya sa akin ang kamay. I can't still look at his eyes. Dahan dahan akong tumayo. Hindi siya nagsalita at nahigit ko ang hininga ng tanggapin ko ang kamay niya. He hold my hand and my heart skipped a beat when he lift me to his side.

Ruling The Last Section (Season 1)Where stories live. Discover now