Tip No. 2 - Alamin Kung Ano Ang Problema

6.4K 157 16
                                    

"Dude, what the fuck are you saying?" Tanong ni Jay na malalim ang kunot sa noo.

Sumandal lang si Nathan sa pader at pinikit ang mga mata na parang walang narinig.

"You're not planning on killing yourself, are you?"

Dinedma ulit ni Nathan si Jay at nabalot na lang kami bigla ng sobrang bigat na tension at nakakabinging silence.

Isang minuto rin ang itinagal bago nabasag ang katahimikan na 'yon nang may lumabas na doktor at hinanap ang pamilya nila Angel at Yumi. Lumapit kaming lahat - ako, si Ate Alma, Jake, Benedict, Claire, Jay at Nathan - at parang lumipat yata ng pwesto ang puso ko dahil rinig ko ang pagkalabog nito sa tenga ko. Kita kasi sa mukha ng doktor na parang wala syang magandang sasabihin.

"Ako po yung guardian nilang dalawa." Sabi ni Ate Alma na pumuwesto mismo sa harap ng doktor.

"I'm sorry, hindi na namin nailigtas ang isa sa kanila. Wala na sya." Pauna ng doktor.

Tinignan nya muna ang nakalagay sa clip board na hawak bago nakapagsalita ulit. "Si Angeline Flores. She died almost as soon as she got here."

Nalabas ko bigla ang hinga na hindi ko napansing napigilan ko pala. Ang saklap ng nangyari kay Angel at naaawa ako sa mga naiwan nya pero 'di ko maiwasan na makaramdam ng relief dahil buhay pa si Yumi. Ang sama ko, alam ko naman, pero gusto ko lang magpakatotoo dahil kung ako ang papipiliin kung sino sa kanila ang mabubuhay at isa lang ang pwede, si Yumi ang pipiliin ko, syempre.

Napakapit ako kay Claire, na nasa tabi ko lang, at hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko na nasa braso nya. Nagkatinginan kami sandali bago bumaling ulit sa doktor.

Hindi ko gusto 'tong si Claire noon dahil nakipag-date sya kay Nathan, ang taong mahal ng best friend nyang si Yumi, pero medyo nawala na ang hindi magandang opinion ko na 'yon sa kanya. Nakikita ko kasi na importante talaga si Yumi sa kanya at hindi nya pagpapalit ang friendship nila sa isang lalake lang, kahit gano pa 'to ka-gwapo.

"Si Mayumi Gonzales po, dok, kamusta naman? Ano na po lagay nya?" Tanong ko.

Mukhang walang ibang may gustong magsalita dahil na rin siguro sa takot.

"Nasa surgery sya ngayon. Hindi rin maganda ang lagay nya kaya gusto ko rin sana kayong sabihan na maghanda-handa na. Babalik din ako mamaya para i-update kayo kung kamusta na sya."

Umalis din agad ang doktor at iniwan kaming nakatanga sa lugar kung saan sya nakatayo kanina. Segundo lang ang lumipas bago nagsimula na naman ang ma-ala-teleseryeng-drama part two. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan pero sobra naman kasi kung magsisihan sila. Wala naman sa kanila yung nang-hold up at nanaksak, 'di ba?

"You fucking bastard! I don't care if you kill yourself. Kasalanan mo 'to lahat." Sigaw ni Claire na pilit na namang inaabot si Nathan para saktan.

Tinulungan ako ni Benedict na pigilan sya pero nakalmot sya ni Claire sa mukha kaya nakawala rin ito. Humarang naman agad si Jay at sya naman ang naging puntirya ng mga mahahabang kuko ni Claire.

"Stop it already, you psychotic bitch." Sigaw ni Jay habang sinusubukang hulihin ang mga kamay ni Claire na parang si Kung-fu Panda lang kung umatake. "Torres, pag 'di ka pa tumigil, ilalabas na kita."

"Just let her go, Jay." Sabi bigla ni Nathan na humakbang pa palapit kay Claire. "Gawin mo gusto mo, Claire. Hindi kita pipigilan. Hindi ako gaganti."

Imbis naman na sumugod, parang nahimasmasan itong si Claire at tumigil na sa kakapalag. Dahan-dahan syang binitawan ni Jay pero, nang akala na ng lahat ay kumalma na sya, sinugod nya bigla si Nathan at pinaghahampas at pinagkakalmot ng bongga.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon