Tip no. 21 - Own Up To Your Mistakes

3.7K 129 94
                                    

"'Tang ina, Nathaniel, kung hindi n'yo mapapapunta si Benedict ngayon, 'wag na rin kayo magpakita dito."

Natigilan ako bigla sa pag-iyak sa loob ng banyo at napatingin na lang kay Yumi dahil sa narinig. Kasi naman, kahit ilang months pa lang since nagkakilala kami, masasabi kong kabisado ko na ang pagkatao ng best friend ko at alam kong hindi siya palamura. At least, iyon nga ang lagay bago niya nalaman na hindi aakyat si Benedict dito sa unit ni Claire para i-meet si Nanay.

"But, babe, he just found out. Hindi natin siya dapat pilitin if he's not ready. We should give him some time to take this all in," ang sabi naman ni Nathan mula sa kabilang linya.

Nag-echo ang frustration niya mula sa speaker phone papunta sa apat na sulok ng pinagtatambayan, o mas tama yatang tawagin na pinagtataguan, namin ng girlfriend niya. Hindi ko tuloy napigilan ang ilang mga luha ko na tumulo ulit dahil sa pinaghalong inis at lungkot. Hindi lang naman kasi siya at si Benedict ang napo-frustrate pero parang mas nabibigyan ng importance ang feelings ng hudas na ayaw humarap sa nanay ko kaysa sa sitwasyon ko.

Kakatapos ko lang mag-worry na baka mawala na ang anak ko sa akin pero hindi ko man lang nakuhang mag-celebrate nang nalaman ko na safe siya dahil sakto ang pag-appear ni Nanay. Tapos, ang lakas pa ng loob ni Benedict na sabihin na he "needed to think this through".

Pagod na ako, mentally, physically at emotionally. Gusto ko sana maramdaman na isang blessing si Peanut at gusto kong makahinga nang maluwag pero sinasakal ako ng mga problema na sunod-sunod ang pagdating. Hindi ko ba talaga deserve ang isang break?

Pero, kahit pa may injustice na nangyayari, hindi ko magawang magsalita at makipagtalo. Ayoko kasi na mapahagulgol na lang bigla habang nagre-release ng sama ng loob at magmukhang desperate para kay Benedict dahil hindi pa naman ako ganoon. Mahal ko siya at kailangan ko ng tulong niya pero, kung hindi niya matatanggap ang feelings ko at si Peanut, hindi ko siya pipilitin. Hindi pa ako ganoon katanga.

Iyon sana ang gusto kong sabihin pero natataranta ako, sa totoo lang, at hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Buti na lang talaga, nasa tabi ko si Yumi para basahin ang laman ng isip ko at i-interpret ang silence na bumalot sa akin.

"Kailan siya magiging ready? Kailangan niyang magpakalalake ngayon na. Ano 'yon, si Shay lang ba 'yung magdadala ng lahat ng problema?" sabi ng kaibigan ko.

"It's not like that, I'm sure he's going to take responsibility. If we could just give him some time to"

Pinutol naman agad ni Yumi ang sinasabi ng boyfriend niya. "Balls don't grow in trees, Nathaniel. Hindi rin 'yon nabibili. Ilang araw o linggo o buwan naman kaya ang aabutin para mahanap niya 'yung sa kanya at magsimula na sa pag-take ng responsibility? Kailangan siya dito ngayon."

"Please try to understand Ben's side in this."

"No, you try to understand Shay's side in this. Nandito ang mama niya at pinapauwi na siya sa probinsya. 'Pag nalaman na walang balak si Benedict na panagutan si Peanut, patitigilin na siya sa pag-aaral. Paano naman ang future niya at ni Peanut?"

"Baby, Ben's having a hard time right now, too. Kung sinabi lang sana natin sa kanya nang mas maaga, then maybe"

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang napaungol si Yumi sa galit. Kung kaharap niya siguro ang boyfriend niya ngayon, baka binato na niya ito ng sink, toilet, bathtub at iba pang fixtures ng banyo. Mukha naman na-sense ni Nathan na lagpas na sa boiling point ang anger level ng girlfriend niya kaya hinayaan niya na lang ito na sumigaw-sigaw.

"So, ibig ba sabihin, dahil lang 'he's having a hard time', allowed na siya na pabayaan si Shay? Hindi ba niya talaga kaya na i-set aside muna ang sarili niya, kahit ilang minuto lang, para sa kapakanan ng anak niya? Si Shay lang ba 'yung gumawa kay Peanut?"

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now