Tip No. 12 - Know Which Battles To Fight

3.5K 106 18
                                    

Hindi sila siguro manunukso o magwo-worry na magkakaaway kami ni Claire kung alam nila ang tunay na score sa amin ni Ken. Hindi ko naman magagawang i-share sa harap nina Jay at Nathan kung paano kami naging close agad ng nag-iisang member ng HNZ na hindi talaga sumasama sa amin pero alam naman ni Claire ang sitwasyon ko.

Hindi naman siya siguro magseselos at mangangalimot na lang bigla kagaya ng ginawa niya noon kay Nathan sa ospital at hahayaan naman niya siguro akong mag-explain kung kailangan. Sana lang.

Gusto kong ilayo sa akin ang usapan dahil sasakit lang ang ulo at tyan ko kapag nag-focus na naman sa problema. Mag-o-opening remarks na sana ako pero nahuli ko ang biglang pagkunot ng noo ni Yumi at ang may halong alarm na tingin niya sa akin at sa kung ano man ang nasa likod ko.

Para naman may nagmartilyo bigla sa dibdib ko nang nakita ang source ng paglukot ng mukha ng kaibigan ko. Naglalakad kasi papunta sa table namin si Benedict at may kasama siyang isang babae na hindi si Jessica.

Nakapalupot nang husto si babaitang hindi ko kilala sa kasama na akala mo wala nang bukas habang naglalakad. Pumuwesto pa talaga sila sa gilid ko nang narating na nila ang table namin at naupo sa tabi ko ang hinayupak, pinagitnaan kami ng bagong babae niya.

Well, maganda siya, kung sino man siya, maputi at may malaking boobies. Nagiging obvious tuloy ang fetish ni kumag dahil sa common denominator (malalaking boobies) ng mga babaeng nilalabas niya.

Hindi ko nga lang sure kung bakit na-attract siya kay Yumi, kung boobies ang pagbabasihan, pero iyon siguro ang kaso kung bakit pati ako, nadamay. May kalakihan kasi ang sa akin pero average lang ang sa kaibigan ko.

Feeling ko tuloy nalimitahan bigla ang space kung saan pwede akong gumalaw dahil sa pagiging malapit niya sa akin. Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang sunggaban para halikan o para paghahampasin dahil sa lantaran niyang pambabastos sa akin.

In fairness naman, hindi niya alam na may Peanut ako sa tyan at na mahal ko na siya kaya siguro hindi ko siya pwedeng sisihin. Hindi ko rin naman gustong sabihin sa kanya 'yung mga iyon.

Ang nakakapikon lang talaga, wagas kung mapagtanggol nitong taong ito 'yung babaeng kalampungan niya sa kama ni Yumi noong isang araw pero pinagpalit din naman niya agad at iba na ang kasama ngayon. At least, nakuha ko na ang point niya. Hindi nga naman siguro si Jessica 'yung pokpok kundi si Benedict talaga mismo.

Nagkatinginan kami nina Yumi at Kat na parehong mukha rin masusuka sa nakikita. Sa sama nilang makatitig sa mga katabi ko, isang malaking miracle na hindi pa nag-aapoy ang dalawang iyon.

Gumaan naman nang konti ang pakiramdam ko dahil sa naramdamang support mula sa kanilang dalawa. Hindi ko na kailangan magalit o mairita mag-isa dahil nandito ang best friends ko para gawin iyon kasama ko.

Sinilip ko ang stranger na babaita sa kabilang side ni Benedict at mukha siyang hindi affected sa nangyayari. Obvious ang excitement sa mukha niya dahil kaharap niya ang dalawa sa HNZ at para pa nga siyang lango sa kung ano man drugs ang nakahalo sa pawis ng katabi niya.

As expected naman kay Nathan, na dapat nang bigyan ng boyfriend of the year award, napansin niya agad ang pagbabago sa expression ng girlfriend niya.

"What's wrong?" tanong ni Nathan sabay hawak sa pisngi ng katabi.

Pinatong naman ni Yumi ang kamay niya sa kamay ni Nathan at tiningnan ito nang maigi sa mata.

"Kung pagpapalit mo 'ko, sa lalake na lang ha?" seryoso niyang sinabi.

Bilib talaga ako sa babaeng ito sa galing niyang magpatawa unintentionally. Hindi ko mapigilang mapangiti sa kalokohan niya kahit may mga asungot sa paligid.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora