Tip No. 11 - Move Forward

3.8K 106 40
                                    

Nag-share muna kaming tatlo nina Yumi at Kat ng mga curious na tingin bago namin hinarap sina Dean at Mack na parehong mukhang medyo nag-aalangan.

Hindi ko alam kung ano ang deal ng dalawang gwapong ito pero malamang may hihingin sila sa amin. Hindi ko nga lang sure kung phone number ba, phone mismo o pamasahe papunta sa kung saang lupalop sila galing (kagaya na lang ng modus operandi ng ilang mga manggagantso ngayon) pero sigurado ako na sa itsura pa lang, walang girls, gays, bisexuals o transvestites ang makakatanggi sa kanila.

Dinukot ni Mack ang wallet niya mula sa bulsa ng maong na pantalon at naglabas ng tatlong business cards. Inabutan niya kami ng tig-isa at binasa ko ang nakalagay sa makintab na papel na may shape na camera sa kamay ko.

Mackenzie Fritz Hernandez ang buong pangalan niya at isa nga siyang photographer. Walang nakalagay kung saang kompanya siya kabilang kaya hindi ko pa rin dini-disregard ang possibility na baka hingan nga kami ng pera ng mga ito.

Pasimple kong dinukot ang wallet ko mula sa bulsa ng jacket na suot at binuksan ang zipper nito. Nahiya naman ako bigla dahil kulang na lang maglabasan ang mga langaw mula sa loob sa kawalan nito ng laman.

Tumingin ako kina Kat at Yumi at mukhang mas lumalim pa ang pagtataka sa mga mukha nila. Sa kanilang dalawa, mas normal nang konti mag-isip si Kat at may suspetsa ako na pareho kami ng hinala, at least sa part na may hihingin nga ang dalawang nasa harap namin. Sa pagkakakilala ko naman kay Yumi, sure ako na ang naiisip niya ay mga klase ng scenario na hindi sasagi sa utak ng mga matitinong tao. Malamang makukuha niyang ikonek ang dalawang lalakeng ito sa vampires dahil lang sa maputi sila at gwapo.

Sa palagay ko lang naman, hindi lahat ng nagiging vampires, kung mayroon man talaga noon, ay gwapo o maganda. Hindi rin lahat matalino. Malamang may vampires din na papatol sa panget dahil gutom sila at desperate.

Na-hook tuloy ang utak ko sa pag-consider kung may vampires nga ba talaga o wala at kung ano man ang itsura nila kung sakali. Tumigil lang ang pag-iisip ko ng kalokohan na iyon nang narinig ko ulit ang malalim na boses ni Dean.

"Mack's working on a project and he's looking for models. The three of you happen to fit the profile," sabi niya.

Well, at least, hindi pera o dugo ang habol nila dahil limited ang resources ko ng dalawang bagay na iyon. Pero kaming tatlo, nagpi-fit ng profile? Ano naman kayang klaseng profile iyon?

Napayuko ako agad para tingan ang suot ko at napatingin na rin sa dalawa kong kasama. Mukha naman simple na may pagka-conservative ang mga dating namin. Siguro ang mga mukha namin na pwedeng pang-FHM o Playboy Magazine ang tinutukoy niyang pang-model dahil iyon lang ang nakikita ko na posible nilang pagbasihan. That o bagong pick up line na ito ngayon at hindi namin dapat patulan.
Tumingin ako kay Dean at tinaasan siya ng kilay. Tatanungin ko na sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero naunahan ako ni Yumi.

"Anong klaseng models ba hinahanap n'yo? Wala kasi kaming experience pagdating sa modeling kaya hindi siguro kami 'yung para d'yan."

Binigyan siya ni Dean ng isang smile na labas ang magandang set ng ngipin niya at napakuskos na lang si Yumi bigla ng mata, malamang dahil sa ma-ala sunshine na kinang nito na nakakasilaw.

"You don't really need experience for this project, it's not that hard din. Kailangan mo lang, tumayo sa tabi ko and let Mack do his thing," sagot ni Dean.

Wala naman sa amin ang nakapagsalita at aabot na yata sa moon ang mga kilay ko sa sobrang taas nila habang nakatitig sa dalawang lalakeng ito. Napuno kasi agad ang utak ko ng dirty thoughts dahil sa pagbigay ng malisyosong meaning sa sinabi ni Dean. Kasalanan ito ng umaarangkadang buntis hormones dahil, normally, hindi ako ganito kalandi. I think.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now