Tip No. 13 - 'Wag Ugaliin Ang Manisi

3.5K 103 30
                                    

"What did you just say?" sabi ni Nathan na parang namutla bigla sa narinig.

Ang lalim ng kunot sa noo niya at halata sa mga mata ang pagkalito. Nagkatinginan silang dalawa ng girlfriend niya, na mukhang nawiwindang sa sinabi ni Benedict, at parang may nangyaring pag-uusap gamit lang ang mga mata nila dahil umiling na lang bigla si Yumi at nagkibit ng balikat bilang sagot.

Kung bagong balita ito para sa mag-boyfriend, mukhang hindi naman ganoon ang lagay kina Ken at Jay. Actually, parang pareho pa silang naiinis na naungkat ang usapan na ito at na si Benedict pa mismo ang naglaglag sa sarili niya.

Napansin ko ang pagbaba at pagtaas ng Adam's apple ng katabi ko at ang pag-form ng fist ng mga kamay niya na tinago sa ilalim ng mesa. Nase-sense ko ang pagkanerbyos niya pero bakas naman sa tindig niya ang namumuong resolve na harapin na, sa wakas, ang feelings na matagal na niyang tinatago.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "You heard me, Nate. I'm in love with Yumi. I can't do shit about it though, 'cause of you."

Para naman may biglang dumaan na angel dahil nabalot kami ng isang mahiwagang silence. May ilan pa sa amin na nalalag ang mga panga sa semento dahil sa gulat at sa ganda na rin siguro ng dumaang angel.

Hindi niya saktong sinabi dati pero alam ko na naman na mahal niya si Yumi. Alam ko na noon pa pero, ngayong narinig ko mismo na lumabas ang mga salitang iyon sa bibig niya, para bang inilagay sa isang juicer ang puso ko at piniga nang piniga ito hanggang wala ng katas na mailabas.

Naramdaman ko ang biglang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa nakatakas na pasaway na luha. Pasimple ko na lang sila pinunasan habang nagwi-wish na sana walang makapansin.

Siguro sobra rin ang lungkot at sakit na nararamdaman ni Peanut at gusto niyang ipaalam sa akin dahil kumirot na naman bigla ang tyan ko. Buti na lang at nawala rin ito agad at hindi na umulit dahil sobrang nahihirapan na ako emotionally. Hindi na yata tama na pati ang physical condition ko maging damaged na rin.

"So, you're saying you've been in love with my girl this whole time and you're blaming me 'cause you've turned into a pussy?" tanong ng halos mag-usok na sa galit na si Nathan na palakas na nang palakas ang boses. "What the fuck, Ben?"

Tumayo naman si Jay at hinawakan siya sa balikat pero hinawi lang niya ang kamay ng kaibigan at tinitigan ang katapat na parang gusto niya itong paliparan ng isang malakas na suntok.

"Come on, Nate, let's take this somewhere else," sabi ni Jay. "This isn't something we should be discussing in public."

"No shit," sagot ni Nathan. "That moron started it."

"You're the bigger moron here, Nate. You're not as great as you and everybody else think you are if you hadn't noticed it all this time," pasaring naman ni Benedict.

Bigla naman napatayo si Nathan at hahablutin na sana ang gray na t-shirt ni Benedict pero mabilis siyang napigilan nina Jay at Yumi. Napatayo na rin si Ken at, imbis na si Benedict ang puntahan, inalalayan niya ako paalis sa kinauupuan ko at inilayo sa dalawang nag-aaway. Binarikadahan naman ako nina Kat at Claire dahil siguro sa worry na baka pati ang walang kinalamang si Peanut, madamay.

Mukha naman maiiyak na sina Stephanie, Shane at Stella sa nangyayari pero nakuha pa rin nilang titigan nang masama ang babaeng pinag-aagawan ng dalawang celebrity na ina-idolize nila.

May maliit na part sa loob ko na nag-a-agree na kasalan ni Yumi ang lahat. Na kung hindi namin siya na-meet, siguro hindi mawawala ang katinuan ni Benedict at wala sa bingit ng break up ang bromance nila ni Nathan.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now