Tip No. 15 - May Mga Bagay Na Kailangan I-give Up

3.4K 109 61
                                    

"So, 'yun ang nangyari," ang sabi ko kina Dean at Mack habang sinisimot ko ang fries na nasa gitna ng table.

Mas masarap talaga magkwentuhan kapag busog at, since marami kaming gutom kanina, nag-decide kami na pumasok na muna sa pinakamalapit na fast food chain. Siguro, mahigit isang oras na rin kami nakatambay dito.

Sa totoo lang, hindi naman ganoon kahaba ang story kung paano kami napadpad sa DSWD pero tanong nang tanong ang dalawang lalakeng ito kaya naunang naubos ang in-order naming food bago pa natuldukan ang conversation. Pati kasi 'yung kung paano namin naging friends ang isa't-isa at ang mga taga-Heroes Not Zeroes, naungkat. Kahit 'yung reasons naming apat kung bakit sa University of St. Lorenzo Ruiz kami nag-aaral, hindi pinalampas. Balak yata nilang isulat ang biography namin sa dami nilang gustong malaman.

Umiling-iling si Dean nang natapos na kami sa pagkwento. "The four of you really had one hell of a day, huh?"

"Tell me about it," buntong-hininga ni Claire. "Bago ko sila pinuntahan sa cafe, nakakita pa 'ko ng ghost."

Lumaki ang mga mata ni Yumi sa narinig at napakapit na lang nang husto sa katabi niya. "Saan ka nakakita, Cla? Ano itsura? Sinundan ka ba dito? Andito ba ngayon?"

Lumingon-lingon si Yumi as if ine-expect niya na makakakita rin siya pero hinampas ni Claire ang palad niya sa noo ng katabi para tumigil na.

"Hindi literal na ghost, ano ka ba? I just thought I saw someone I know. Alam mo, Mads, for a smart person, you're really weird. And silly. And crazy," sabi ni Claire habang pinipitik ang noo ng kaibigan namin sa kada adjectives na lumabas sa kanya.

Pinalo naman ni Yumi ang sadistang kamay na iyon at pinitik din sa noo ang may-ari nito bilang ganti. "Ikaw nagsabi ng ghost tapos ako 'yung silly?"

"Na-offend ka na tinawag kang silly pero 'pag tinawag kang crazy at weird, okay lang?" patawa-tawa kong tanong.

Sasagot na sana si Yumi pero nag-ring bigla ang phone niya kaya kinuha niya ito sa loob ng bag na dala at kinausap na si boyfriend na nasa kabilang linya.

Dumiretso agad siya sa pag-explain kay Nathan kung ano ang nangyari sa amin at kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito kanina. Palalim nang palalim ang kunot sa noo niya at pataas na nang pataas ang boses habang tumatagal ang pag-uusap nila.

Sa lakas naman ng sigaw ng boyfriend niya, umabot iyon sa pwesto ko at narinig ko na talagang galit na 'yung tao. Hindi naman ako nagulat sa reaction niya. Sobra kasi kung maprotektahan ni Nathan ang girlfriend niya at, ngayong nalaman niyang nasaktan si Yumi at hindi siya agad kinontak nito, expected na ang pagwawala niya.

Pare-pareho naman kami nina Claire, Kat, Dean at Mack na tumahimik at lahat ng mga mata namin ay nakatuon kay Yumi. Nagulat na lang kami nang biglang pinalo ng babaeng iyon ang mesa nang malakas bago siya tumayo at naglakad na palayo sa amin para, siguro, ipagpatuloy ang pakikipag-away elsewhere.

Umubo-ubo na muna ako bago ko sinubukang ibahin ang usapan pagkalabas ng kaibigan ko sa kainan. Nag-iwan kasi siya ng awkwardness at ginawa kong mission ang pag-disperse noon dahil mukhang walang iba na may gustong gumawa.

"Buti na lang, dumating kayo. Akala namin talaga, hindi na kami makakalabas do'n. Marami talagang thank you," sabi ko sa dalawang heroes sa kaliwa ko.

"Don't mention it, Shay. Tawag ka lang if you need anything," sagot naman ni Mack.

Hindi ko sure kung nagkaroon ba ng party bigla sa tyan ko dahil sa narinig ko mula sa katabi ko o nagpa-practice lang mag-backflip si Peanut dahil bigla na lang ito nagmamaganda. Napatitig tuloy ako kay Mack at binigyan naman niya ako ng isang warm na ngiti na umabot sa mga mata niya.

Na-realize ko na lang bigla na kinikilig pala ako sa closeness namin ng gwapong ito at sa attention na binibigay niya sa akin since sinundo nila kami sa DSWD.

As in, inalalayan niya ko sa paglalakad kanina pati sa pag-upo nang nakarating na kami dito at tumabi pa talaga siya sa akin. Siya rin ang um-order at nagbayad ng food ko (well, nag-share daw sila ni Dean sa paglibre sa aming apat) at talagang sinisingit niya ang pagtatanong nang bongga tungkol sa life story ko habang nagkukwentuhan kami.

I bet pakbet, pinupormahan ako ng taong ito dahil, malamang sa matabang alamang, na-love at first sight siya sa akin.

Chos.

Mukha naman nasa dugo na ni Mack ang pagiging mabait at ginawa niya ang mga iyon nang walang hidden agenda. Pero, kung sakaling tama ang hinala ko at may gusto nga siya sa akin, I swear, hinding-hindi ako mag-iinarte. Aba, minsan na nga lang may mahumaling sa akin na gwapo na, gentleman pa, magpapaka-choosy pa ba ako? Syempre, hindi na.

Bigla naman um-epal ang isang mataray na boses sa utak ko. Wow, buntis ka na nga, 'te, nakukuha mo pang lumandi?

Buntis ako, oo, pero wala naman akong boyfriend o kung ano man ah. Porket mahal ko si Benedict, ibig sabihin ba no'n, hawak na niya bituka ko? Ni hindi niya nga raw ako gusto, 'di ba? ang sagot ko sa kanya.

Kumirot agad ang dibdib ko sa masaklap na reminder na one-sided ang feelings ko. Para naging ganap na masokista na tuloy ako dahil lagi ko na lang sinasaktan ang sarili sa mga salitang napo-produce ko mismo.

Sumablay yata ang pag-tumbling ni Peanut dahil kumirot na lang bigla ang tyan ko. Mapapamura na sana ako ng isang malutong na put-ang-inumin-sa-baso kaso lang hindi ko mabukas ang bibig ko dahil nakakaubos ng life force 'yung sakit. Sinubukan kong huminga nang malalim ng paulit-ulit, kagaya ng usual kong ginagawa para mawala ang masamang pakiramdam, pero nag-tone down lang nang konti ang sakit at hindi ito totally nawala.

Naramdaman ko ang isang kamay na dumapo sa likod ko at narinig ang concern sa boses ng may-ari nito nang kinausap niya ko.

"Are you okay, Shay?" tanong ni Mack.

Napakapit ako bigla sa hita niya at napisil ko pa ito nang kumirot na naman nang matindi ang tyan ko.

"Shay, ano nangyari? Si Peanut ba?" ang sabi ni Kat na umaapaw na ang worry at pagkataranta nang hindi ako nakasagot.

Ilang seconds din, o minutes na yata, ang lumipas bago nawala nang tuluyan ang sakit. Para akong hinika bigla at kinailangan ko pa muna uminom ng tubig para kumalma bago ko sila nakausap.

"Feeling ko, kailangan na natin umuwi," sabi ko sa dalawang babae sa tapat ko.

"Yeah, I think we should go, too," pag-agree ni Claire. Tumayo muna siya bago bumaling kina Mack at Dean. "Thank you talaga for getting us out. We owe you big time."

Hindi naman malaman ng dalawang lalake kung ano ang gagawin sa biglaang balak namin na umalis na at nagkatinginan na lang sila bago parehong napatayo na rin.

"Let us take you home. My car's parked just a couple of blocks from here," offer ni Dean.

Tumingin naman sa akin si Kat as if tinatanong niya kung kailangan pa ba namin ng tulong ng dalawang lalakeng iyon habang inaalalayan ako ni Claire tumayo at umiling na lang ako sa kanya bilang sagot.

"It's okay, we can take it from here," sabi ni Kat. "Thank you so much for your help. We'll pay–"

Hindi na nabanggit ni Kat ang kung ano man ang balak niyang bayaran namin dahil bigla na lang siyang namutla, pati na rin ang iba kong mga kasama, nang napasigaw si Mack.

"Oh, God. Shay, you'rebleeding."    

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now