Tip No. 17 - Keep In Mind That Change Is The Only Constant Thing In This World

3.3K 99 37
                                    

"Yumi, palipat naman ng kanta. Medyo allergic ako kay Adele ngayon," ang sabi ko mula sa backseat habang tinutugtog ang "I Can't Make You Love Me" na version ni Adele sa loob ng kotse ni Claire.

Tagos kasi sa core ng bones ko ang lyrics at, kahit kaming apat lang nina Claire, Yumi at Kat ang nandito, hindi pa rin tama ang humagulgol na lang basta.

Gusto ng apat na taga-HNZ na sa SUV na lang ni Ken kami sumakay, since kasya naman kaming lahat, pero pinilit naming apat na girls na humiwalay para madali kaming makakaalis bukas. Umaga kasi ang schedule ng check-up ko at sasamahan daw ako ng mga babaeng ito bilang moral support.

Hindi naman nilipat ni Yumi ang kanta at mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko kaya inulit ko na lang ang request ko. "Taylor Swift na lang, One Direction o The Vamps, girl. Meron naman songs 'yung mga 'yun sa iPhone ni Claire, 'di ba?"

Hindi pa rin umimik ang kaibigan ko at, imbis na sagutin ako gamit ang words, bigla na lang siyang umungol. 'Yung tipo ng ungol na parang nananaginip nang masama.

Sabay-sabay tuloy kami nina Kat at Claire na napatapik sa kanya. Halos mapatalon naman si Yumi sa gulat nang nagising na siya at lumingon-lingon siya sa paligid na parang nadi-disorient.

"Hoy, Mads. Akala ko nagmumuni-muni ka lang d'yan, tulog ka na pala," sabi ni Claire sa katabi niya.

"Sorry, 'di kasi ako nakatulog nang maayos kagabi eh," ang sagot ni Yumi na may kasamang hikab.

"Okay ka lang? It looked like you were having a bad dream," tanong ni Kat na umaapaw ang concern sa mukha.

"Ewan ko ba. Nakakatuwa na nga kasi naging penguin daw ako pero nag-dive naman ako bigla sa dagat galing sa pinakatutok ng isang ferris wheel. Ang weird."

Natawa tuloy ako sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang mang-alaska.

"Ang weird nga pero mas weird ka, girl. Gusto mo maging penguin?"

"Ang cute kaya nila," dipensa niya.

"So, gusto mo maging isang cute na penguin at hindi isang cute na tao, is that it?" natatawa rin na sinabi ni Claire.

Para naman nagpapaawa ang boses ni Yumi nang nagsalita siya ulit. "'Di ba, hindi mo na gugustuhin 'yung mga bagay na meron ka na? Saka, okay lang naman na mangarap maging penguin, kahit sa dreams, 'di ba?"

"Sumobra naman yata bigla ang confidence mo, girl. Ang kawirduhan mo na rin," ang banat ko. "So, hindi mo na gugustuhin na maging cute na tao dahil cute ka na n'yan sa tingin mo? Kaya ngayon, nangangarap ka na lang maging penguin, gano'n?"

Lumingon siya sa amin ni Kat sa backseat at ngumiti nang malaki. "Pagbigyan na, ngayon lang naman. Saka, 'wag kang mag-alala, Shay. 'di ba, birds of the same feather, flock together? Ibig sabihin n'yan, cute din kayong tatlo."

"Ay, Mads. Hindi ako cute, excuse me," ang sabi naman ni Claire. "I'm drop-dead gorgeous. No, scratch that. I'm a freaking goddess."

"Wow, girl. Ikaw rin, ibang level ang confidence mo ngayon. Pero 'yung sa'yo, mas malayo 'yung nararating. Parang papunta siya ng Baguio samantalang pa-Tagaytay tayo," ang patawa-tawa kong banat.

"O siya, mga dyosa, paki lipat na lang po ng song. 'Yung upbeat naman, utang na loob," dagdag ko.

Hinagip ni Yumi ang iPhone na naka-dock sa speakers ng kotse ni Claire at kinalikot ito hanggang tumunog na nga ang isang upbeat na song na humuhugot pa rin ng lungkot sa puso ko. Paano ba naman, "Brokenhearted" ng Karmin ang pinatugtog niya.

"Girl, upbeat na masaya ang theme, 'wag upbeat nga ang melody, nakakawasak naman ng good vibes. Grabe ka ah," saway ko sa kanya.

"Sorry, sorry," ang sabi niya na may kasamang hikab.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now