Tip No. 3 - Think Positive

4.9K 141 16
                                    

Napahawak ako sa mesa sa harap ko habang pinipilit habulin ang paghinga. Para akong hinika bigla samantalang wala naman akong ganong sakit. Lumapit saken ang doktor at hinimas ang likod ko para kumalma pero lalo lang akong natataranta.

Ano sasabihin ko sa mga magulang ko? Malamang itatakwil nila 'ko pagkatapos nila 'kong kalbuhin. Ine-expect nila na binibigyan ko ng full attention ang pag-aaral at hindi ang pag-bo-boyfriend.

Well, wala naman talaga 'kong boyfriend pero mas malala yata 'pag nalaman nila na nakikipag-sex ako sa taong hindi ko karelasyon.

Malamang papatigilin nila 'ko sa pag-aaral dahil malaking kahihiyan 'to para sa kanila at ipipilit nila na ipakasal ako sa nakabuntis sa'ken bago pa nila 'yon mapatay.

Posible naman yata na matago 'ko 'to pero hanggang ilang buwan lang 'yon. Lalaki at lalaki ang tyan ko at hindi ko magagamit forever ang excuse na marami lang akong kinain.

Dalawang beses pa lang namin ginagawa ni Benedict 'to at malamang hindi sa pangalawa kami nakabuo dahil kanina lang 'yon nangyari. Ayokong ipaalam sa kanya na buntis ako dahil gumamit sya ng condom sa parehong okasyon at baka isipin nya na gumagawa lang ako ng paraan para magkaron ng madaling buhay.

Mayaman kasi sya at sikat dahil drummer sya ng Heroes Not Zeroes samantalang mahirap lang ako at nakakapag-aral sa University of St. Lorenzo Ruiz, isang mahal na private school, dahil sa full scholarship.

Ano kaya mangyayari sa scholarship ko pag nalaman ng school? Babawiin kaya nila 'to saken?

Hindi naman sa hindi ko pinagkakatiwalaan ang mga kaibigan ko pero hindi ko rin 'to pwedeng sabihin sa kanila. Baka mabigla sila at masabi kay Benedict, mahirap na. Malamang din gagawa 'to ng malaking eskandalo pag nalaman pa ng iba.

San ako kukuha ng pampa-anak at ipapakain dito? Ako nga, hindi ko pa kayang suportahan ang sarili ko, isang bata pa kaya? Ano ba 'tong gulong napasok ko? Ano ba dapat kong gawin?

"Ang dapat mong gawin ay huminga muna ng malalim." Sabi ni dok.

Napatingin ako bigla sa kanya. Pano nya nalaman ang naiisip ko? Sinabi ko ba 'yon ng malakas o psychic sya talaga?

Tinignan nya lang ako na parang naghihintay sya na sundin ko ang sinabi nya kaya ginawa ko na lang din.

"Deep breaths pa. Okay, that's it. A little more. There." Hinimas-himas pa rin nya ang likod ko at nginitian ako nang napansin nyang umayos na ang paghinga ko. "Feeling better?"

Better? Nandun ako sa opposite scale ng salitang 'yon. Nagpapatawa ba 'tong si doktora?

"I mean, ang paghinga mo. Okay na ba?"

Tumango lang ako bilang sagot dahil hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko ngayon na magsalita.

 "It will be okay."

Ha? Anong 'okay' dito? Maloka-loka na kaya ako. 'Okay' ba yung matakwil ng magulang at huminto sa pag-aaral? Pano naman ang pangarap ko? Wala pa kahit isa na natutupad sa kanila. 'Okay' yata ang pangalan nitong si doktora, puro 'yon kasi ang alam nyang sabihin.

"Alam kong hindi maganda ang tingin mo sa sitwasyon mo ngayon, pero gusto ko lang talaga i-assure ka na magiging okay din ang lahat."

Hindi ko na napigilan ang magsalita. "Pano nyo naman po na sigurado? Hindi nyo pa po kilala mga magulang ko, malamang mapapatay nila 'ko. Alam ko naman po na kasalanan ko rin 'to. Dapat hindi ko na muna ginawa kung 'di pa pala 'ko ready pero gumamit naman po kami ng condom. First time ko pa man din po 'yon at akala ko naman safe na."

Naramdaman ko ang pagbasa ng pisngi ko dahil sa 'di na napigilang pagtulo ng luha dito at tuloy-tuloy na 'ko sa pagsabi sa kanya ng lahat ng mga bumabagabag saken.

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now