CHAPTER:32

1.1K 45 4
                                    

Astrid's POV

Nakasakay kami ni Eunice ngayon sa kalesa papunta sa school na sinasabi ni Ama.

Halos hindi makatingin si Eunice sa akin ngayon.

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko sa  kaniya pero todo iwas ang tingin niya sa akin.

Hindi niya magawang sagutin ang tanong ko.

"Sumagot ka tinatanong kita" ma-awtoridad na sabi ko sa kaniya.

Bigla naman siyang napatingin sa akin at mababakas ko ang takot sa kaniyang mga mata.

"Gusto mong malaman?" Matapang na tanong niya sa akin.

Ibang klase talaga ang babaeng ito.

"Sabihin mo" sagot ko sa kaniya.

"Kase gusto kitang mawala" sagot niya sa akin.

Napangisi naman ako dahil doon.

"Kahit anong gawin mo hindi na ako mawawala sa paningin mo" sabi ko sa kaniya.

"Tsk, how i wish sana natuluyan ka na lang" sabi niya.

Parang nagpantig ang tenga ko dahil doon.

"Dapat pala sinabi ko na lang kay Ama na ikaw talaga ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa akin. May buhay na nawala dahil sa kasakiman mo. Mukhang nagkamali ako na hindi ko sinabi kay Ama. Well, pwede ko pa naman palang sabihin mamaya pag-uwi" diretsong sabi ko sa kaniya na para bang nag-iisip.

Parang kinabahan naman siya dahil sa sinabi ko.

"H-Huwag mong sasabihin kay Ama" sabi ni Eunice sa akin

"At bakit hindi?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Paparusahan niya ako" sagot nito sa akin na ikinangisi ko.

"Kung maparusahan ka man ay deserve mo naman iyon" sabi ko naman sa kaniya.

"Please huwag, kahit anong gusto mo ay gagawin ko" pagmamaka-awa niya sa akin.

"Parang hindi ata si Eunice yung nasa harapan ko ngayon" nang-aasar na sabi ko sa kaniya.

"Arghhh, please" naiinis na sabi niya.

"Sige, lahat ng gusto ko susundin mo" sabi ko sa kaniya.

Wala siyang magagawa kung hindi umoo dahil mas masakit ang parusa ni Ama kaysa sa parusa ko.

***

Nakababa na kami sa kalesa at nandito na kami sa sinasabi nilang paaralan.

Parang elementary school ata ito eh dahil puro mga bata ang nandito.

"This will be your school" sabi ni Sandro sa akin nang makababa na siya sa kabilang kalesa.

"Bakit puro mga bata ang nandito?" Tanong ko naman sa kaniya.

"Ohh because you have the same level like them" sagot nito sa akin.

"Huh?" Tanong ko naman sa kaniya.

"I mean, hindi pa sila gaanong hasa sa powers nila like you" paliwanag nito sa akin.

"Ah ganon ba" nasabi ko na lang at napapatango.

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now