CHAPTER:58

863 33 3
                                    

Astrid's POV

Nandito ako ngayon sa balcony sa bahay at nagpapahangin.

Laking pasasalamat ko at hindi sinabi ni Haring Dominus ang nalalaman niya  tungkol sa akin kay Ama.

Ngayon ay magpapahinga muna ako at pagkatapos ay pupuntahan na si Sandro para makausap.

"Maari ba kitang makausap?" Nagulat ako nung biglang magsalita si Haring Dominus mula sa likod ko.

Halos hindi ako makatingin sa mata niya dahil nahihiya ako.

"A-ah p-pasensya na po pala tungkol doon sa nalaman niyo sa akin" paghingi ko ng tawad sa kaniya.

"Ija, wala kang dapat ihingi ng tawad, alam kong biktima lang kayo sa sapilitang pagpapakasal na ito, kahit ako ayoko sanang ipakasal ang anak ko kung hindi lang kailangan sumunod sa batas na iyon" sabi ni Haring Dominus na may halong lungkot.

"Pwede pa naman pong baguhin ang lahat diba?" Tanong ko sa kaniya.

"Sana nga pwede pa" sabi ni Haring Dominus.

"Ako na po ang namumuno sa buong Lamia Mundi ngayon at kung ano ang ipatupad kong batas iyon ang masusunod" sabi ko sa kaniya at nginitian siya para palakasin ang loob.

Napangiti naman siya nang dahil doon.

"Maraming salamat ija" sabi ni haring Dominus.

"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil hindi niyo po sinabi kay Ama ang nalaman ninyo sa akin" sabi ko naman.

"Ayokong pangunahan ang desisyon ng iba kaya hahayaan kong sa kanila mismo manggaling ang lahat ng sasabihin nila" sabi ni Haring Dominus.

Napakabait ng Ama ni Ethan kaya pala may pinagmanahan ang mokong na iyon.

*****

Matapos ang pag-uusap namin ni Haring Dominus ay hinanap ko si Ethan para magsabi na pupuntahan ko si Sandro.

Nakita ko siya sa loob ng Palasyo at tinitignan ang nakaukit na larawan ni Eunice.

Nang dahil doon ay kinaltukan ko siya.

"Aray ang sakit naman nun" reklamo niya at napapakamot pa sa ulo niya.

"Bakit mo pinag-nanasaan ang kapatid ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Alangan namang ikaw ang pagnasaan ko" sagot naman nito sa akin.

Aba loko talaga ito ah!

Lumapit ako sa kanita piningot-pingot siya.

Puro reklamo naman siya hanggang sa biglang napadaan si Kuya Jethro at inawat kami.

"Oh anong nangyayari dito?" Tanong ni Kuya sa amin.

"Ito kasing mokong na ito pinagnanasaan si Eunice" sagot ko kay Kuya.

Tinignan naman siya ng masama ni Kuya Jethro.

"Woyy hindi ah, mapambintang naman yang si Astrid, nainip lang ako kay nagtingin-tingin ako ng mga larawan" depensa naman nito sa sarili niya.

Inirapan ko na lang siya ng dahil doon, binelatan naman ako nito.

"Hayy nako tumigil na nga kayo, hindi na kayo mga bata para mag-away ng ganiyan, lalo ka na Astrid" pagsasaway ni Kuya sa amin kaya napatango na lang kami.

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now