CHAPTER:12

1.9K 51 4
                                    

Astrid's POV

Matapos nang mga naging pag-uusap namin ni Mommy kahapon ay nagpahatid na ako dito sa Manila dahil may trabaho pa ako. Di na nga ako nakapasok sa school kaya di ako papayag na di makapasok sa trabaho.

"Astridddd!!! Kamusta ka na?" Salubong sa akin ni Julie nang makita akong naglalakad sa Campus habang papasok sa room.

"Para namang isang taon tayong hindi nagkita dahil sa yakap mo" sabi ko sa kaniya dahil halos hindi na ako makahinga.

"Ay sorry naman. Sobrang nag-alala lang talaga ako sayo. So kamusta ka naman nyan?" Sabi nya at halata nga ang pag-aalala sa mukha nya.

"Ayos na ako noh. Hindi man nga ako nakaramdam ng sakit" sabi ko sa kaniya.

"Ayy gaga ka talaga" sabi nya at pumasok na kami sa room.

Maya-maya lang ay dumating na ang prof namin sa literature.

"Oh Astrid Mendes" bigla nyang tawag sa akin habang naka smirk kaya napatingin ako sa kaniya.

"Please stand up" seryoso nyang sabi kaya tumayo naman ako.

"Since absent ka kahapon, ready for your punishment" sabi nya na may mala demonyong ngiti.

Hindi naman ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganon na kapag nag-absent ay may punishment.

Hindi pa ba sapat 'yung nahuli na ako sa lessons namin?

"Ma'am pero wala pong ganong policy" sabi ko sa kaniya.

"Well ngayon meron na" sabi nya sa akin.

Hindi naman ako makakapayag sa sinasabi nyang ito.

"Hindi naman po ata pwede yon na kayo ang gagawa ng sarili nyong policy" pangangatwiran ko sa kaniya.

"I can do whatever i want because i am your professor and you are just my student." Ramdam ko na ang medyo irita sa tono ng boses nya.

Kung naiirita sya pwes ako nabubwisit ako.

"Ma'am sorry to say but you can't use your position to command us or to do whatever you want that is against to us students" diretsong sabi ko sa kaniya.

Hindi ko sya nilalabanan pero kapag alam kong tama ako, eh ipaglalaban ko ito.

Tahimik lang ang mga kaklasi namin na nakatingin sa amin.

"Don't you know na kawalang respeto yang ginagawa mo?" May galit na sabi nya.

"I am respecting you as my professor but ayoko lang po na ginamit nyo yung posisyon nyo para mapasunod kami" sagot ko sa sinabi nya.

"Choose one. Make a research paper or call your parents because i want to talk to them" sabi nya sa akin.

Parang nanlumo naman ako sinabi nya.

Ayokong ipatawag nya ang parents ko dahil baka baliktaran nya ako sa kanila. Mukha pa naman syang manipulator.

Never pa din akong naguidance dahil good student ata ako mila kinder tapos etong professor ko lang ang sisira ng maganda kong record.

"Research paper" sagot ko at parang nawawalan na ako ng gana na igalang sya.

"Okay. Make a research paper about vampire, I'll give you two days to finish it. No more buts" sabi nya at bumalik na sa harapan at binuksan ang libro.

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now