CHAPTER:61

824 23 0
                                    

Jethro's POV

"Ipahanda ang latigo" utos ni Ama sa mga gwardya at mabilis naman silang umalis.

Nahintakutan ako dahil sa sinabing iyon ni Ama.

Hindi ako makakapayag na masaktan sila.

"Papa patawad po, huwag niyo po silang idamay kahit ako na lang, pakiusap po" pagmamaka-awa ko kay Ama.

"Napagbigyan ko na kayo sa hiling niyo kanina kaya ngayon ito na ang kapalit" seryosong sagot sa akin ni Ama.

Inilapag na nila ang tatlong bato na aming pagsasandalan habang kami ay nilalatigo at nandito na rin ang gwardyang may hawak ng latigo.

"Ipwesto niyo na sila" utos pa ni Ama kaya hinila na kami ng mga gwardya at pinatalikod na habang nakaluhod at nakahawak sa bato.

"Papa nakikiusap po ako huwag na sila Astrid at Clara, sasaluhin ko na lang lahat tutal kasalanan ko ang lahat ng ito" pagmamaka-awa ko pa kay Papa.

"Papa please stop this" biglang sabi ni Eunice habang umiiyak.

"Manahimik ka Eunice" sabi naman ni Ama dito.


Inilingan ko si Eunice para hindi na siya magsalita at baka pati siya madamay pa.


Halatang gusto niya pang magsalita pero nanahimik na lang siya.


"K-Kuya" tawag sa akin ni Astrid habang umiiyak.

Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para maprotektahan sila.

*****

Astrid's POV

Hindi ako natatakot sa parusang ipinataw ni Ama dahil naligtas ang buhay nila Ate Clara at Rose pero natatakot ako para sa anak ko na dinadala ko baka kung anong mangyari sa kaniya.


"K-Kuya" natatakot na tawag ko kay Kuya Jethro dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.


Nakita ko ang pag-aalala sa itsura niya at napapayuko na lang siya dahil wala na din siyang magawa.


Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil ayaw kong labanan si Ama dahil nirerespeto ko siya at baka kung mapano pa ang anak ko.


"Umpisahan niyo na yan!" Sigaw ni Ama.


Pumwesto na ang gwardya at inihanda ang latigo.


Hinawakan ko ang tiyan ko at tuloy-tuloy na bumuhos ang mga luha ko.


"Anak kumapit ka lang" bulong ko ss sarili ko.


"AHHHHHH!!!" Sigaw ni Kuya nang ihampas na sa likod niya ang latigo.


Naawa ako dahil sa sakit na sinapit niyang ito.

Naglatay agad ang latigo sa likod niya at dumugo.

"KUYA!" Tawag ni Eunice kay Kuya Jethro habang pinipigilan siyang lumapit ng mga gwardya.


Wala si Rose dito para hindi niya makita ang mga mangyayari sa amin.


"H-Huwag, A-ako n-nalang" nanghihinang sabi ni Kuya Jethro sa gwardya na lumipat sa likuran ko.


Ihahampas na sana ito ng gwardya ngunit may pumigil sa kaniya.


"Huwag!" Sigaw ni Haring Dominus kaya napatingin ako sa kaniya.


"Bakit Haring Dominus?" Tanong ni Ama kay Haring Dominus.


Obsessed VampireWhere stories live. Discover now