CHAPTER:62

854 29 0
                                    

Astrid's POV

Matapos kong ginamot si Kuya ay pumasok na ako sa kwarto para magpahinga na rin.

*Tok* *Tok*

Nakahiga na ako sa kama nang may biglang kunatok  kaya napatayo ako at binuksan ito.

"Ama?" Gulat na tanong ko nang si Ama pala ang kumakatok.

Ngumiti naman siya kaya ngumiti din ako, pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko.

"Naparito lang ako upang klaruhin ang isang bagay na gusto kong malaman" sabi ni Ama sa akin na nakapagpakabog ng dibdib ko.

"A-ano po iyon Ama?" Tanong ko kay Ama.

"Umamin ka na sa akin Astrid na si Sandro ang ama ng dinadala mo, dahil wala akong hindi malalaman" diretsong sabi sa akin ni Ama.

Hindi ako makapagsalita dahil pano niya nalaman iyon.

Napayuko lang ako dahil sa kaba.

"Mukhang nakuha ko na ang sagot sa aking tanong dahil sa iyong pananahimik, huwag kang mag-alala tatanggapin ko ang apo ko pero kailangan niyo pa ring harapin ang parusang nalapataw sa inyo pagkatapos mong manganak" paliwanag ni Ama sa akin.

Medyo napahinga ako ng malalim dahil sa sinabing iyon ni Ama.

"S-salamat po Ama" sagot ko sa kaniya.

Nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo pagkatapos ay lumabas na ng kwarto ko.

Nakangiti ako ngayon habang hinihimas ang aking tiyan.

*****

Kinabukasan ay maaga akong nagluto ng almusal para sa buong pamilya dahil kahit papaano ay naibsan ang lungkot at sakit na aming nararamdaman.

"Tulungan na kita diyan" sabi ni Ate Clara at pa-ika-ikang naglakad palapit sa akin.

"Ayy naku Ate Clara maupo ka na lang muna dito, hindi pa magaling ang mga sugat ninyo sa likod kaya huwag muna kayong magkikilos-kilos" sabi ko at inalalayan ko na siyang maupo.

"Kaya ko naman kahit medyo masakit, baka mapano yang anak mo Astrid" sabi naman ni Ate Clara sa akin.

"Ikaw talaga Ate Clara huwag mo na akong alalahanin at saka hindi naman mabigat na trabaho itong ginagawa ko kaya magiging okay lang anak ko" sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

"Oh sige sabi mo eh" sumusukong sabi ni Ate Clara sa akin.

"Tita anyo yan niyuyuto mo?" Medyo pabulol-bulol pa na sabi ng pamangkin kong cute na pumupungay pa ang mga mata at halatang bagong gising.

"Nagluluto si Tita ng masarap na almusal at siguradong magugustuhan mo" sabi ko at kinurot ang ilong niya.

"Patikim" sabi pa nito at nagliwanag ang mga mata.

Sumandok ako at pinalamig muna ito pagkatapos ay pinatikim sa kaniya.

"Oh nga nga" sabi ko sa kaniya na hinawa naman niya at isinubo ko na ang pagkain sa kaniya.

Hinintay ko muna siyang matapos ngumuya dahil ninanamnam pa niya ang lasa nito.

"Ang sayap po, pwede isa pa?" Sabi niya na ikinatawa ko.

"Oo naman, ipinagluto talaga kita eh" sabi ko at kinurot naman ang pisngi niya.

*****

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now