CHAPTER:71

838 17 0
                                    

Ethan's POV


Nag-iikot-ikot ako dito sa palasyo ni Haring Francis, dahil ilang linggo na lang ay babalik na kami sa aming lugar.


Sa ngayon ay may inaasikaso lang si Ama kung kaya't wala siya rito.


Nakita ko ang guhit na larawan ni Astrid na nakapaskil sa malaking pader ng palasyo.


Nakakalungkot lang na wala na si Astrid, hindi man kami ganoon katagal nagsama pero ramdam ko ang kabutihan ni Astrid at tumatak na rin siya sa puso ko, kaya hindi ako makapaniwala na mawawala siya nang ganoong kabilis.


"She's pretty right?" Biglang sabi ni Eunice na hindi ko man lang napansin na nandito sa tabi ko.


"A'ah oo naman" sagot ko sa kaniya dahil totoo naman.


"I really missed her" sabi niya at hinaplos ang larawan at mangiyak-ngiyak.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko or kung paano siya ico-comfort kaya lumapit na lang ako sa kaniya at nilipat ang ulo niya sa dibdib ko at niyakap ko siya kahit na nahihiya ako, para lang maramdaman niya ang pakikiramay ko at medyo gumaan ang pakiramdam niya.


"Makakayanan mo ito Eunice, marami pa ang nariyan na mga mahal mo na tutulungan ka para mag move forward" sabi ko sa kaniya at naramdaman kong tumango-tango siya.



Maya-maya lang ay may narinig kaming sigaw sa ibaba.


"King Francis!" Parang boses ni Almendra kaya dali-dali kaming bumaba ni Eunice.


"Ate Almendra anong nangyayari dito?" Nag-aalalang tanong ni Eunice kay Almendra.


"Nandito ba si King Francis?" Tanong ni Almendra.


"Nandoon sa opisina niya, pero teka pwede ko bang malaman kung ano ang nangyayari dito?" Sagot at tanong ni Eunice.


Wala naman akong na sabihin dito kaya nananahimik na lang ako.


"Eunice gusto kong makausap si King Francis sa isang napakahalagang bagay" sagot ni Almendra.


"Ano ba-" hindi na naituloy ni Eunice ang sasabihin niya dahil biglang bumaba si King Francis.


"Anong nangyayari dito?" Tanong ni King Francis.


"King Francis maaari ko po ba kayong makausap?" Seryosong tanong ni Almendra.


"Tungkol saan?" Tanong ni King Francis.


"Tungkol po sa nangyayari sa bayan" walang emosyong sagot ni Almendra.


Nakita kong nanlaki ang mga mata ni King Francis pero agad din siyang nakabawi.


"Sa taas na tayo mag-usap" sagot ni King Francis at umaktong tumalikod pero hindi nito naituloy ang paglakad.



"Dito na lang ho King Francis, isang sagot lang naman po ang gusto kong marinig" sabi ni Almendra, ramdam ko ang tensyon sa kanilang dalawa.


Ano nga ba ang nangyayari sa bayan? Ilang linggo na kaming hindi nakakapunta doon dahil na nga sa pangungulila kay Astrid.


"Ah Eunice, Ethan iwan niyo muna kami" sabi ni King Francis sa aming dalawa ni Eunice.


Bakit kailangan pa naming umalis?


"Papa gusto ko ding malaman ang mga nangyayari" sabi ni Eunice.


"Saka ko na lamang sasabihin, kaya sige na iwan niyo na muna kami" sabi ni King Francis.


"Pero pa-"

"Ethan sige na akayin mo na si Eunice" putol ni King Francis sa sinasabi ni Eunice.


Nainis ata si Eunice dahil nakita ko siyang napairap at padabog na umakyat sa hagdan.


Yumuko ako sa harap nila bilang pagpapaalam at umalis pero hindi ako tuluyang umalis dahil nagtago lang ako, gusto kong marinig ang pag-uusapan nila, hindi sa pagiging chismoso pero dahil parang masyadong seryoso ang bagay na kanilang pag-uusapan.


"Ano po ang ginawa ninyo sa bayan bakit inaalipusta ng mga Alba Lamia ang mga normal na Bampira?" May halong panghihimutok na tanong ni Almendra.


Ganoon na ba kagrabi ang nangyayari sa Bayan ng Lamia Mundi?!


Ano ang dahilan ng hari at ginawa niya iyon?!


"Almendra hindi ko ginusto ang mga nangyayaring ito" may halong lungkot na sagot ni King Francis.


"Paanong hindi niyo po ginusto? Eh kayo raw po ang nag-utos at nagpakalat sa mga Alba Lamia" may halong galit na sabi ni Almendra, sa tingin ko ay wala na siyang paki-alam kung hari man ang kaharap niya basta't masabi niya ang gusto niya.


"Inutusan ako ni Pandora na gawin iyon" napapahagulgol na sagot ni King Francis.


Nanlaki ang mga mata ni Almendra sa narinig niya, ganon din ako.


"P-paano po?" Tanong ni Almendra.


"Noong nakawala ako ay binalikan niya ako at sinabing papatayin si Eunice kung hindi ko susundin ang mga sasabihin niya, Natatakot ako Almendra na pati si Eunice ay mawala sa akin, siya na lamang ang natitira sa akin, hindi ko na kakayanin" hagulgol na paliwanag ni King Francis, nakaluhod na siya ngayon at nakayuko, ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.



"P-patawad po King Francis" tanging nasabi ni Almendra.


"Huwag kang humingi ng tawad, nadala ka lang ng emosyon mo kung kaya't naiintindihan ko, mahirap man sa akin ang nangyayari buong Lamia Mundi pero mas mahirap sa akin ang mawalan pa ako ng anak" sabi ni King Francis.


Dahan-dahang itinayo ni Almendra si King Francis.


"King Francis kaisa niyo po kaming buong Royal Blood Vampires kaya tutulong po kami sa pagsubok na inyong nararanasan ngayon, sabay po nating susugpuin si Pandora" sabi ni Almendra kay King Francis.


"Maraming Salamat Almendra, Hari ako pero ako itong walang magawa, napaka inutil ko" sabi ni King Francis at umiiyak pa rin.


"Huwag niyo pong sabihin iyan, naiipit lang po kayo sa sitwasyon kaya nagagawa niyo po ang mga bagay na hindi dapat" pag-papagaan ng loob ni Almendra kay King Francis.


"Sana ako na lang namatay, sana hindi na lang ako niligtas ni Astrid para hindi siya nawala, para na rin hindi nararanasan ng Lamia Mundi ang hirap na kinakaharap nila ngayon" nanghihinang hagulgol ni King Francis.


"King Francis mahal po kayo ni Astrid kaya niya iyon nagawa kaya ang nararapat niyo na lamang pong gawin ngayon ay magpakatatag para kay Eunice at sa buong Lamia Mundi" sagot ni Almendra kay King Francis.


Naiiyak na rin ako dito dahil sa mga naritinig ko, napakahirap ng sitwasyon ni King Francis ngayon.


"Maraming Salamat Almendra" sabi ni King Francis at niyakap siya ni Almendra.


"Tutulong po kami King Francis, magiging maayos po ang lahat, magtiwala lang kayo"



*****

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now