CHAPTER:17

1.5K 50 1
                                    

Astrid's POV

Matapos nang nangyari sa room kanina ay hindi ko na lang pinansin ang lahat pero hindi ibig sabihin non ay ipagsasawalang bahala ko na lang ang lahat.

Nag-ayos na ng susuotin ko dahil it's My 22 Birthday. Ayoko munang mastress ngayon.

Kahit na kating-kati na akong tanungjn si Alessandro kung ano ang koneksyon nya kay Ma'am Angel.

Nagtitiwala pa rin ako sa mga ipinangako sa akin ni Alessandro kahit na nasasaktan ako.

Nag-ayos na ako ng buhok ko at bumuntong hininga bago lumabas sa bahay.

Inabutan ko si Alessandro sa labas ng apartment na nakasandal sa kotse nya habang may hawak na boquet of flowers.

"Flowers for my girl" sabi nya at hinalikan ako sa noo.

Sobrang lakas ng impact sa akin lahat ng ginagawa nyang nakakakilig na ganito. Halos mangisay na ako sa sobrang kilig.

"Thank You" sabi ko sa kaniya at binigyan sya ng matamis na ngiti. Ngumiti naman sya pabalik sa akin at pinagbuksan na ako ng pinto sa kotse kaya sumakay na ako.

Papunta kami ngayon sa Pampanga dahil doon kami magcecelebrate ng birthday ko. Malungkot naman dito sa Manila dahil ako lang mag-isa.

Ilang oras lang at nakarating na kami dito sa Pampanga.

"Hello Pamilyang Mendes!!!" Masiglang bati ko sa kanila.

"Baby girl!" Sigaw ni kuya at sinalubong ako ng yakap kaya niyakap ko sya pabalik.

"Happy Birthday Baby Girl" bati ni kuya sa akin.

"Thank You kuya" pagpapasalamat ko naman.

"Happy Birthday Darling" sabi ni Daddy at Mommy at niyakap ko naman sila.

"Ah sya nga pala po Mommy, Daddy, si Alessandro po" pagpapakilala ko sa kanila.

"Alessandro, Mommy and Daddy ko" sabi ko din kay Alessandro.

"Nice meeting you Mr. And Mrs. Mendes" pormal na paagbati ni Alessandro kina Mommy at Daddy pagkatapos ay nakipag-kamay.

Ewan ko pero parang nagbago yung reaksyon nila Mommy na kanina ay masigla ngayon napalitan ng hindi ko malaman kung ano.

Nakangiti lang si Alessandro sa kanila pero sila ay hindi magawang magsalita.

"Ah Mommy mag-aayos lang po ako, Alessandro maupo ka muna dito kukuha lang ako ng pagkain" sabi ko sa kanila para mabasag na ang awkwardness.

Pinaupo ko muna si Alessandro sala.

Actually kami-kami lang ang nagcecelebrate ng birthday ko ngayong gabi dahil rinequest ko ito at masaya na rin naman ako dahil kasama ko sila.

Maya-may lang ay may nareceive akong text.

From: Julie
   
     Astrid medyo malelate lang ako ng konti. Mwapsss :*

Text ni Julie. Mga mahahalaga lang sa akin ang mga gusto kong kasama sa araw ng birthday ko.

"Mukhang naka move on na ang Baby Girl namin ah" sabi ni kuya sa akin habang nasa kusina kami at nagsasandok ng pagkain.

"Syempre kuya kailangan din nating mag move on sa mga bagay na nakakasakit sa atin" sabi ko sa kaniya.

"Wow lalim non ah" sabi nya habang kumakain ng lumpiang shanghai.

Obsessed VampireWhere stories live. Discover now