CHAPTER:66

815 26 0
                                    

Astrid's POV


Dalawang araw ang nakalipas matapos mangyari ang insidenteng iyon ay hindi pa rin nakakabalik si Ama.



"Maayos naman ang kalagayan ng bata sa iyong tiyan, pero kailangan mo pa ring mag-ingat" sabi ni Haring Dominus sa akin habang inoobserbahan ang anak ko sa aking tiyan.



"Maraming Salamat po Haring Dominus, kamusta po pala si Eunice?" Sabi ko kay Haring Dominus at tanong.



Magmula kasi nung araw na iyon ay hindi na niya ako kinausap. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong masama sa kaniya kung bakit hindi niya ako pinapansin.



Sila Sandro lang ang dumadalaw sa akin dito sa kwarto ko.



"Ayos naman ang iyong kapatid, siguro palamigin muna natin ang mga pangyayari nang sa gayon ay maging maayos ang pag-uusap ninyo kung sakali mang may alitan kayo" suggestion ni Haring Dominus sa akin at hinaplos ang buhok ko.



"Opo" malungkot na sagot ko at nginitian niya naman ako pagkatapos ay lumabas na ng kwarto ko.



Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nun si Rose na masayang tumakbo sa akin at may dalang bulaklak at kasunod niya naman si Ate Clara.



"Tita para po sa iyo" sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak.



"Wow ang ganda at ang bango naman nito Rose, salamat" sabi ko sa kaniya at binuhat siya sa tabi ko.



"Pinitas ko po yan sa mga tanim na bulaklak ni Mama hihihi" sabi niya at tinakpan pa ang bibig na para bang ayaw iparinig sa Mama niya.



"Naku pinitas mo pa talaga sa tanim ng Mama mo ah" sabi ko at kinurot ang pisngi niya.



"Gusto ka daw niyang pasiglahin kaya ganon" sabi ni Ate Clara at ngumiti.



"Maraming salamat ate" sabi ko sa kaniya.



Tumango siya at ngumiti sa akin.



"Siya nga pala Astrid sinusubukan kong kausapin si Eunice pero kapag tungkol na sa iyo ay bigla na siyang nananahimik, hindi ko alam kung bakit" biglang sabi ni Ate Clara sa akin.



"Siguro masama ang loob niya dahil sa nangyari kay Ama" malungkot na sabi ko.




"Astrid magtiwala ka na magiging maayos ang lahat, lalo na kayong magkapatid, ayaw ng Kuya niyo ang nagkakaroon kayo ng alitan" sabi ni Ate Clara at hinawakan ang kamay ko.



"Oo Ate" sabi ko at niyakap siya.



"Sama ako" sabi ni Rose at nakisama sa yakap namin ni Ate Clara.



"Ay sama ka?" Tanong ko habang natatawa at hinigit siya para yakapin.



*****


Nang sa tingin ko ay kaya ko ng tumayo ay naghanap ako agad ng sariwang hangin at bigla kong naisip si Eunice kaya hinanap ko siya para makausap.



Nilibot ko ang bawat kwarto pero wala siya, pero isang kwarto na lang ang hindi ko natitignan, iyon ay ang kwarto ni Kuya Jethro.



Mabilis akong pumunta doon at dahan-dahang binuksan ang pinto, hindi nga ako nagkamali nandito siya at nakaupo siya sa kama ni Kuya at nakatingin sa bintana habang yakap ang damit ni Kuya Jethro.



Obsessed VampireWhere stories live. Discover now