Chapter 16

14 6 0
                                    

Chapter 16

Sapphire POV


Matapos maihanda ang nga gagamitin ko sa aking bag,ay kinuha ko na rin ang niluto 'kong karne.Inilagay ko ito sa aking lalagyanan agad para di 'ko makalimutan mamaya.Ngayon na siguro akong gabi aalis dahil palagay ko'y konting oras na lamang at baka 'matagpuan na nila ako.

Inilagay ko 'na rin sa loob ng aking lalagyanan ang mga armas na gagamitin ko,kung makasalamuha 'man ako ng kung anong nilalang 'sa daan.
Kung baga ay pananggalang.

Napalingon ako ng may maramdaman 'akong  tao sa aking likuran.Ngumiti 'siya at lumapit saakin.

"Hindi ko na ba mababago ang isip mo,"sabi nito at bumuntong hininga,umupo siya sa tabi ko

Alam kong ayaw 'niya akong paalisin,pero kung susundin ko ang pasya niya.Maraming mapapahamak.

" Patawad,ngunit di na magbabago 'ang aking pasya.Tryra alam ko 'na nararamdaman mo ang koneksyon nating dalawa simula pa lang na magkita tayo."saad ko at tiningnan siya pinagmasdan ko ang tumulong luha sa kanyang pisnge

"Tama ka,hindi mo na ba talaga ako natatandaan?"tanong nito saakin at hinawakan ako sa aking kamay

Wala,wala akong maalala kung anuman.

Umiling ako bago sinagot siya" Wala,"tanging sagot ko at yumuko pakiramdam ko gusto 'kong umiyak ngayon at manatili sa tabi 'niya

"Ayukong biglain ka 'nung unang kita ko sayo,dahil alam kong ikaw yan Sapphire. Ang matagal ko ng 'hinahanap na kapatid.Alam kong pinatay mo ang isa sa mga pumatay sa 'ating mga magulang.Kaya ka napatay din ng isa sa kanila."umiiyak na sabat ni Tryra at yumuko

Kapatid ko nga ba siya?Ako nga ba talaga si Sapphire?Hindi parin ako makapaniwala na nareincarnated ako ulit.

"I-ikaw nga b-ba talaga a-ang ate k-ko?" Tanong ko

"Ako ito Sapphire, p-patawad kung hindi kita s-sinamahan noon.P-patawad kung mas pinili ko a-ang makasama ang a-asawa ko,k-kesa sayo," napahagulgol niyang saad at niyakap ako ng mahigpit laglag panga parin ako ngayon dahil sa nalaman ko.

"A-ate?A-ayus lang,ang m-mahalaga buhay ka a-at masaya ngayon.Wag m-mo akong intindihin,k-kung ito ang magiging kapalaran ko," saad ko at kumalas sa yakapan naming dalawa at nginitian siya

"W-wala ka paring pinagbago S-sapphire,mabait ka p-parin." Nakangiting saad nito saakin at pinahid ang luha na lumandas sa kanyang pisnge

Tumawa ako ng pagak at pinunasan din ang hindi ko namalayan na luha na umagos pala sa aking pisnge.
Gusto kong dito nalang at manatili kung saan ako komportable,pero hindi pwede.

"A-ate,kailangan k-ko ng umalis.Kailangan k-ko munang iwan ka,pangako babalik ako.Kapag okay na ang lahat." Ngumiti ulit ako ng pilit at niyakap muli siya bago tumayo at kinuha ang mga gamit ko

Tumayo na rin siya at may kinuha sa kanyang bulsa.Kinuha niya ang palad ko at ibinuka iyon.Inilagay niyo roon ang isang kwintas na ginto.Ang pendant nito ay parang isang espada na may mga rosas.Napakunot ang noo ko,ano ito.Parang nakita ko na ito noon.

Napaisip ako at muling sumagi sa isip ko ang ipinakitang larawan ni Yra noon.Ang Sword of Rose,bakit parang ka mukhang ka mukha ito noon?

"Iyan ang magiging pananggalang mo sa mga halimaw,hindi ka nila gagalawin at iingatan ka niyan na di ka mapahamak.Yan ang Pendant of rose,wag mo iyang iwawala dahil yan ang pinakamalakas na sandata" saad nito at kinuha muli iyon sa kamay ko at isinuot ito saaking leeg

Makapangyarihan?Pero hindi naman ganito kaliit ang sinabi saamin ni Yra noon.Mukhang kapareho lamang ito ng Sword of Rose ang pendant nito.Ngumiti ako at tumango.Isinakbat ko sa aking balikat ang aking bag.

A Sunset Without You Where stories live. Discover now