Chapter 27

14 2 0
                                    

Sapphire POV

Nakatanaw ako sa balkonahe ng palasyo,ang malamig na hangin ay dumadampi sa aking maputing balat.Ang mga huni ng ibon ay parang nagiging musika sa aking pandinig,maganda ang sikat ng araw ngayon.

Masaya ako dahil nakakagala na ako ngayon sa palibot ng palasyo.
Hindi na kagaya noon na napakahigpit nila saakin,para akong isang bilanggo noon pero ngayon parang nag-iba ang ihip ng hangin.

Nagkikita pa naman kami ni Grey pero tinitingnan niya lang ako saglit at nagpapatuloy na sa paglalakad.May bantay rin ako sa tuwing gagala ako kung saan dahil na rin siguro sa ginawa ko noong pagtakas.
Mas mabuti nga na may kasama ako dahil nakakaboring naman kung mag-isa ka at walang makausap sa bawat paglibot mo sa malawak na lupain.

Dalawa ang bantay ko sina Aryin at Eveh.Parang kapatid na ang turing ko sa kanila dahil napakabait nila saakin.
Noong unang pagkikita naming tatlo ay tinatawag nila akong mahal na prinsesa hindi naman ako sanay na tawagin ng ganoon kaya pinilit ko sa kanila na tawagin nila ako bilang Sapphire na lamang.

Napabuntong hininga ako, gusto ko sanang libutin ang mundong kinalalagyan ko ngayon pero alam ko namang delikado dahil iba ang mag naririto. Mga bampira sila.

A Sunset Without You Kde žijí příběhy. Začni objevovat