Chapter 14

19 6 0
                                    

Chapter 14


Shantale POV

Nagising nalang ako sa ingay na bumubulabog sa aking pagtulog,ang ingay naman hindi naman ganito sa palasyo.

Nandito na ba talaga ako sa palasyo? Hindi naman maingay at masaya ang mga tao rito sa palasyo ah?

Parang mga sigawan at tawanan ng nga tao ang naririnig ko,mga halakhak na akala mo'y wala ng bukas.Iminulat ko ang aking mata at tumambad saakin ang isang sira sirang kisame.Teka?

Hindi naman sira at kulay kayumanggi ang kisame sa palasyo?May nangyari ba kaya naging ganito ang kisame o baka pininturahan nila iyon?

Napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng iyak ng bata.Bakit may bata dito sa palasyo?May anak na ba si Grey?O bisita pero alam ko hindi sila natanggap noon?

Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang isang bagay.Mabilis akong tumayo sa higaan at doon tumambad saakin ang mga taong nag-iinuman.

Nasaan ako?Bakit nandito ako?Tinapon na ba ako ni Grey dito? Paano kung may gawin silang masama saakin?

"Hey?Bakit ganyan ang mukha mo miss?" Saad ng isang lalaki na bigla na lang lumitaw saaking harapan napanganga ako dahil sa taglay nitong kakisigan

Ang mapupula at manipis nitong labi,ang makapal na kilay nito at pilik.Ang medyo singkit at kulay asul nitong mata na parang nagliliwanag.At ang matangos nitong ilong bago ang buhok nitong tumatakip sa kanyang kaliwang mata.Sabayan pa nito ng hubad pa ang pantaas nito at ang tanging suot lang nito ay isang pantalon na maong na sira sira.

Seryoso?Alam ko na mas gwapo si Grey dito pero hindi ko naman aakalain na malilibang ako sa isang kagaya niya.

"Hey,alam ko gwapo ako miss pero may asawa na ako" saad niya at ngumisi nawala naman ang pagkanganga ko at ang pantasiyang naiisip ko

Sayang naman.Masuwerte naman ang napangasawa niya.

"S-sino ka?" Tanong ko at lumayo sa kanya

"Ako ang hari ng mga lobo,ako si Haring Zhun.Maaari ba naming malaman ang iyong pangalan?" Tanong nito at tinitigan ako

"A-ako si Shantale" sabi ko at umiwas ng tingin kailangan nilang hindi malaman ang aking totoong pagkatao dahil baka malaman nilang isa akong asawa ng hari

"Nagagalak kong makilala ang isang magandang binibining kagaya m-" naputol ang sinasabi niya ng may bumatok sa kanya nagulat ako ng makita ko ang isang babae na sobrang ganda,napakaamo ng kanyang mukha

Para siyang anghel na bumaba sa lupa,napakaganda ng asawa ng hari ng mga lobo.Pero kung sa bagay sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang kagaya niya.

Ano ba ang mundong to,lahat nalang ba magaganda at gwapo?

"Zhun ano namang kalokohan yan?Tinatakot mo ang bisita natin" malambing na saad ng babae

Parang musika iyon saaking pandinig.

"Aking mahal,matatakot ba ang bisita natin sa mukhang ito?"saad ni Zhun at humagikgik

Gwapo nga mahangin naman.Mukhang mahangin ang asawa ng babaeng ito.

"Syay puntahan mo muna ang ating anak ng tumahan na iyon,kikilalanin ko muna ang babaeng ito" saad ng babae at hinalikan naman ni Zhun sa labi ang babae bago umalis

May anak na pala sila,pero hindi halata sa kanyang katawan.Parang dalaga parin ito sa aking paningin.

At teka bakit sa harapan ko pa,kailangan ba sa harap ko pa maghalikan?
Bumaling saakin ang babae matapos ang kissing scene nila.Ngumiti ito ng pagkatamis tamis at hinaplos ang aking pisnge.

A Sunset Without You Where stories live. Discover now