Chapter 2

32 7 3
                                    

Chapter 2

Flian's POV

Kanina pa ako naiinip sa pakikinig sa discussion.Naghalumbaba ako bago tumingin sa labas,nasa bintana kasi ang upuan ko at malapit sa pintuan,kanina pinalabas ang mayabang na Cloud na yun.Akala mo naman kung sinong gwapo mukha namang...ok gwapo nga siya pero ayuko talaga sa kanya.

Napatingin ako kay Shantale na halatang-halata na interesadong-interesado sa bampira 'things na yan.Bago lumipat ang tingin ko sa lalaking katabi niya,nakahalumbaba din siya at nakatungo.Napapagitnaan namin si Shantale.

Bumuntong hininga na lang ako bago nagsulat ng kung ano ano sa notebook.Nakakaboring talaga ang araw ng lunes.Napaigtad nalang ako ng may kumatok sa pintuan.Hindi ko na lamang sila binigyan ng pansin dahil abala ako sa pagsulat ng kung ano-ano.

Narinig ko naman ang tawag saakin ni Shantale.Kaya lumingon ako sa gawi niya kinunutan ko siya ng noo.

"Bakit?"

"Di ka ba aalis?Maglulunch?Hula ko di ka nakinig no!Sabi ko na nga ba,wala kang nalalaman sa mundo mo ija" sabi niya at tumawa inirapan ko naman siya

Eh ano ba kasing nangyari?Andami-dami kong iniisip eh.Tsaka naituon ko sa pagususulat ang atensyon ko.

"Oo na di na ako nakinig kanina,boring kasi" sabi ko umiling-iling naman siya at itinuro ang mukha ko

"Sabi ko na nga ba!Halika na kumain na tayo wala naman si Ma'am kaya maaga ang lunch natin" sabi niya at tumayo sa pagkakaupo bago ako hinila patayo nagpahila naman ako sa kanya medyo tinatamad talaga akong tumayo

"Sige libre ko," sabi ko

"Sama naman ako jan" sabi naman ni Vonn at lumapit saamin habang nakapamulsa ang dalawang kamay inirapan ko naman siya

Lakas ng loob di ko naman siya ka-close,atsaka ang kapal talaga ng mukha niya.Aangal pa sana ako ng sumang-ayon na si Shantale,ngumiti naman si Vonn at tumingin saakin,inirapan ko naman siya.Porket libre ko ih.

Nauna na kaming maglakad ni Shantale,habang naka sunod naman saamin si Vonn.Ng makarating kami sa Cafeteria ay umupo kaming tatlo sa bakante pang lamesa doon.Bali nasa gitna nanaman si Shantale.

"Ikaw na mag-order Vonn tutal libre ko naman" sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanya kumuha ako ng isang libo sa bulsa ko bago ibinigay sa kanya

Tumango naman siya.

"Akin spaghetti at sprite,sayo Shantale?Libre ko" sabi ko sa kanya

"Nakakahiya pero sige na nga,akin ay sandwich lang at juice yun lang" saad niya at ngumiti tumayo naman si Vonn para mag-order naghintay kami ng ilang minuto ng dumating si Vonn na may dalang order namin

"Kukunin ko lang saglit ang aking order," sabi niya pero pinigilan siya ni Shantale bago tumayo

"Ako na ang kukuha" sabi niya at dali-daling umalis hindi ko na siya nasabihan tuloy na ako nalang umupo naman sa kanyang upuan si Vonn

Nanatili lang akong nakabusangot ang mukha habang inaantay si Shantale.Ng makarating siya ay nagsimula na kaming kumain.Tahimik kaming at parang ayaw maistorbo ang bawat isa.Ang ibang students naman maiingay at nagtatawanan sa kani-kanilang pwesto.

"Flian?" Tawag saakin ni Shantale hindi na yata makatiis dahil sa walang imik kaming tatlo boring din naman kapag di nakikipagkwentuhan kapag nakain.

Eating but boring.

"Ano?" Maikling saad ko at uminom saaking inumin tumikhim naman siya

"I just want to know if you're believe in vampire's 'things" sabi niya napaisip naman ako bampira hindi ko alam kung totoo sila or kung buhay sila ang alam ko lang basta wala akong pake

A Sunset Without You Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum