Chapter 19

17 6 0
                                    

Chapter 19

Shercia POV

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Kuya saakin.Papahirapan sila ni Grey at Sapphire?Bakit ang akala ko ba ay mahal ni kuya si Sapphire,bakit gusto niyang pahirapan ang kaibigan ko?
Mas maigi kung si Grey na lang ang mamatay,kaibigan ko si Sapphire at ayukong mamatay siya pero.

Gumugulo pa rin ito sa aking isipan buong maghapon.Nabawi na ang lakas ko,narito ako ngayon sa Garden.Nakatulala ako at nakatitig sa papalubog ng araw.Nagtagis ang aking mga ngipin,nalilito na ako sa lahat.

Simula pa noong nabubuhay ako ay di ko na maintindihan ang katauhan ni Kuya.Kung may dahilan siya para pahirapan si Sapphire ay tatanggapin ko.Maging ako ay nawalan na ng tiwala kay Sapphire dahil sa matagal na panahon niyang pamamalagi sa lugar na iyon.

Baka maging siya ay nagbago na rin at nabilog na ng mga Averde.Kailangan ko na sigurong kalimutan ang lahat.Mula sa pinagsamahan namin,kailangan kong maging matalino.Hindi na ako magpapabulag sa kabutihan na ipapakita pa saakin ni Sapphire.

Sumang-ayon ako sa naging pasya ko.Baka ikapahamak ko lang ang pagiging maawain at mabuti ko.Dapat mawala na ito sa aking puso.Dapat alalahanin ko kung paano nila pinatay ang magulang namin.

Ngumisi ako.Papatayin kita Grey,sinusumpa ko pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpatay sa magulang namin.Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ang buhay naming dalawa.Pagsisihan mo ito.

Tumayo ako at nag labas ng apoy sa aking kamay.Itinapon ko iyon sa mga halaman.Lumapit ako roon at nakita ko ang wala ng buhay na paroparo sa sahig.Kinuha ko ito at inilagay saaking palad.

Isang ngisi nanaman ang gumuhit saaking labi habang tinititigan ang paroparo.Sinunog ko ito sa aking palad hanggang sa maging abo na lamang ito.

"Anong ginagawa mo?" Humarap ako at nakita ko ang nakakunot niyang mga kilay

Hindi nawala ang ngisi sa aking labi habang kaharap ko siya.

"Naglalaro,masama bang paglaruan ko ang sarili kong kapangyarihan?" Malamig ko ring saad sa kanya

"Hindi ko alam na ganyan ang laro na alam mo,ang pagsunog sa mga inalagaan mong mga halaman noon." Saad niya at nakapamulsang umupo sa bangko na kanina kong inupuan

Peke akong tumawa sa sinabi niya.

"Mind your own business,"inis na saad ko at umirap sa kanya ngumisi naman siya saakin

"Bakit parang nagbago ka?Napansin ko na simula ng maging isa ka saamin ay nag-iba ang pag-uugali mo,ano ang dahilan Shercia?Sabihin mo saakin" saad nito habang tiim bagang na nakatitig sa mga mata ko umiwas ako ng tingin

"Bakit ba nakikialam ka?Ano naman sa iyo?"galit kong saad nakita ko ang pagpula ng kanyang mata

Sa isang iglap nasa harapan ko na siya habang paunti-unting kinakain ang distansiya saaming dalawa.Umatras ako ng umatras hanggang sa mapasandal ako sa isang puno.

"Gusto kong malaman," maikling saad niya habang lumalapit pa rin saakin napapikit ako sa sobrang inis

"Ayuko hindi mo ako mapipilit,lumayo ka nga saakin kung hindi susunugin kita" banta ko pero imbis na lumayo siya ay mas lumapit pa siya saakin.

A Sunset Without You Where stories live. Discover now