Chapter 23

17 3 0
                                    

Chapter 23

Shantale POV

"Hindi mo na nga ako naaalala Sapphire, ako ang lalaking papakasalan mo sana noon kung hindi lang namatay ang magulang ko at magulang mo"

Hindi pa rin ako makagalaw,tila huminto ang paligid dahil sa sinabi niya.Paulit-ulit itong nagpla-play sa aking isipan.Napanganga ako at agad na lumayo sa kanya.

"M-minahal b-ba kita noon?" Nauutal kong saad at napahawak sa aking nakanagangang bibig

Ibig sabihin alam na kaagad niya na ako si Sapphire, kaya niya ba ako sinundan?

Saglit siyang natigilan at lumapit saakin.Nakita ko ang pagpungay ng magaganda niyang mga mata.

"Mahal na mahal natin ang isat-isa noon Sapphire, kaya nga ako ang papakasalan mo hindi ba?Lagi tayong magkasama at ayaw mo akong nakikitang umaalis sa inyong palasyo" hindi ko lubos na maisip na  ganon ako dati  ang akala ko noon ay wala akong inibig na lalaki,hindi ko man lubos maisip na nagmahal ako noon

Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng lumapit pa siya saakin.Kaunti na lamang at maglalapat ang aming katawan,hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako palapit sa kanya.

"G-gleord,"

"Shantale ikaw ang matagal ko ng hinihintay.Nagbalik ka,pangako di ko na uulitin.Pakasalan mo lang muli ako,gagawin ko ang naisin mo.Lalayo tayo" saad nito at hinalikan ang aking pisnge

Parang mawawalan ako ng ulirat dahil sa ginawa niya.May kung anong kuryente ang bumalot sa aking katawan. Nahihipnotismo ako ng kanyang mga mata.

Lumapit muli siya saakin,at sa puntong iyon ay sigurado ako na sa kaunting galaw lamang ay maglalapat na ang aming mga labi.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya,wala akong nararamdaman kahit na ano.Hindi ako makagalaw,parang tumigil ang oras.

"Mahal kita Sapphire,"may kung anong boses ang narinig ko sa aking isipan kaya nagising ako at agad ko siyang naitulak

Napaupo siya sa lupa at napayuko.Hindi ko alam
ang nararamdaman ko.Parang gusto kong umiyak at mapag-isa.

"Patawad" nanatili lamang na nakayuko si Gleord

"M-magpapahangin l-lamang ako" saad ko at mabilis na tumakbo kung saan. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa mabangga ako sa isang puno.

Napaupo ako sa lupa at napahikbi.Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.Sino ang boses na narinig ko sa aking isipan.

Napatakip ako ng bibig dahil sa nalaman ko.Oo natatandaan ko na kung sino at kaninong boses ang narinig ko.

Parang gusto ko ng umuwi sa kanya at magpa-alipin.Kahit anong gawin niya saakin.Parang iyon na lamang ang naisip kong gawin.Kaya ba ako nasasaktan dahil namimiss ko na siya?Pero malaki ang kasalanan ko at kasalanan niya saakin.Lumayo na ako pero parang sa bawat paglayo ko lalong bumibigat ang aking pakiramdam.
Bakit mo ba saakin ginagawa ang lahat ng ito?

Grey.

Grey POV

Ilang araw na ang nakakalipas simula ng umalis at makatakas sa aking kamay si Sapphire.Gusto ko siyang mahanap at parusahan dahil sa ginawa niya.Nagtiim ang aking bagang dahil roon.

Nagpasiya akong tumayo mula sa aking trono at puntahan ang kulungan kung nasan naroon ang babaeng nagpatakas sa kanya.

Nakagapos ang kanyang mga kamay at puro sugat na rin ang kanyang katawan.Napangisi ako dahil sa hirap na dinaranas niya ngayon.

A Sunset Without You Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu