Chapter 15

15 6 0
                                    

Chapter 15

Shantale POV


Nang malapit ng lumubog ang araw ay nagpasiya na kaming maghanda para sa gagawin naming pangangaso. Isinuot ko ang ibinigay saakin na damit ni Tryra.Siya naman ay nakamini skirt din na parang pangkorean uniform at polong itim.Sinabi niya saakin na mas madali na iyon din ang gamitin para sa pangangaso dahil nakakakilos daw iyon ng mabilis at naaayon sa iyong kagustuhan.

Matapos kong magbihis ay pumunta na ako sa sinabing puno ng Fantaya. Sinabi saakin ni Tryra na mauuna na siya roon at itinuro na din niya saakin kung saan ang papunta roon.Kaya walang problema kung mag-isa lamang akong pumunta roon.

Mabilis akong kumilos papunta roon.Napalingon ako sa aking likuran ng mapansing may sumusunod saakin.Nasa medyo makahoy at madamong lugar na ako.Sinimulan akong kabahan,bakit nga ba ako hindi manigurado na hindi nila ako mahahanap?

Umikot ang aking pangin kung saan saan sa puno,sa mga sanga nito at sa mga damuhan.Paano nga ba ako kapag nahanap nila ako?Anong magagawa ko?

Nganga-nga?Tatakbo?Hihingi ng tulong? Sana naman may kapangyarihan ako,kung sana lamang ay matuto ako ng paggamit ng espada o mga armas para matuto akong depensahan ang sarili ko.

Teka!Buti nalang naisip ko ang bagay na iyon.Magpapaturo na lamang ako sa mga taong lobo dito ng sa ganun ay matuto ako sa paggamit ng mga armas.
Lumingon lingon muli ako sa paligid ng hindi na ako makarinig ng ingay.

Bumuntong hininga ako at umirap sa kawalan.

"Kinabahan ako roon" mahinang saad ko at sinipa ang maliit na bato na nasa aking harapan

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at sinunod ang mga daan na itinuro saakin ni Tryra.

Buti nalang may dala akong dagger.Nasa hita ko ito,may nakita akong tali kaya dun ko nalang naisipan na ilagay iyon.Isa pa para maitago ito kung sino man ang aatake saakin.

Tatlumpong minuto yata ang nilakad ko ng makita ko ang puno,kasalukuyan doong nakaupo ang mga kasama namin nag-uusap at maririnig ang kanilang walang humpay na halakhak.

Hinanap ng mata ko si Tryra,nasan kaya ang babaeng yun?Umayos ako ng tayo ng makita ang mapanuring tingin ng mga lobo saakin kung kanina ay naghahalakhakan sila ngayon naman ay nagbubulungan sila habang nakatingin saakin.

Babaliwalaen ko na sana sila ng higitin ako ng isang matandang babae.Hinila niya ako sa malayong lugar.

Nakita ko sa kanyang mga mata ang takot at paghihinagpis.

"Bakit ka nandito? Dapat lumayo kana,kung hindi mo gagawin yun ng maaga" Lumingon lingon ito sa paligid bago tumalikod saakin nagsimula itong maglakad kaya hinabol ko siya at hinawakan sa braso

"Teka manang,gusto kong malaman kung ano ang mangyayari kapag hindi ko yun gagawin?" Kuryusidad kong tanong

"A-ang lahat!Lahat s-sila mamatay" bulong nito saakin habang nanginginig ang kanyang mga kamay

Magtatanong pa sana ako ng lapitan kami ng isang balbasaradong lalaki.Sa tingin ko ay matagal na itong naninilbihan sa hari,iyon ay sa aking basehan.Nakakatakot ang lalaking ito,lalo na sa presensiya nito.

"May problema ba dito Yuma?" Tanong sa kanya ng lalaki kaya napalunok ako
Siguro ang pangalan ng matandang ito ay si Yuma,ang matandang babae na kumausap saakin kanina.

Umiling-iling naman ang matanda at mabilis na naglakad paalis.Nakatanaw ako sa papalayong matandang babae at napa-isip.

Bakit?Sinong mamamatay? At bakit dahil saakin?Hindi kaya?Matuntun ako ni Grey?

A Sunset Without You Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz