Chapter 7

23 6 0
                                    


Chapter 7

Shantale POV

Nagising ako sa isang silid na puro itim.Simula ng mapunta ako sa lugar na ito ay pandalawang beses ko ng natulugan ang silid na ito.

Umupo ako,hindi na uniform ng university ang suot kong damit.Naka-dress akong kulay itim na hanggang tuhod, simple lamang siya pero bagay sa maputi kong balat.

Sino ang nagpalit sa damit ko?Siya ba?Parang akong hihimatayin kung malaman kong siya nga ang nagpalit sa damit ko.

Nakakahiya naman kung siya pa ang gumawa noon,babae ako at lalaki siya.Para yatang nahihiya akong makita ang mukha niya.

Inaalaala ko ang nangyari sa tatlong araw kong pamamaligi rito.Ang lalaking nagngangalang Grey ang nagpasakit saakin,hindi nila ako pinakain ng tatlong araw.Minsan may pumapasok sa selda ko at binubugbog ako.Ang naririnig  kong sabi nila ay si Haring Grey daw ang nag-utos na magpasakit sakin.

Bakit ba nya iyon ginagawa?Bakit niya ako pinapasakitan ng ganito?Para saan?Para ba matuwa siya?Bakit laruan ba ako sa kanya?

Biglang kumirot ang puso ko,bakit ba ako nasasaktan?Ano naman kung siya?Masakit na nga ang katawan ko dahil sa mga galos at sugat.May pasa na nga rin ako sa buong katawan ko,pati ba naman puso ko masasaktan pa?

Tumayo ako at inilibot ang aking paningin,napaupo din naman agad ako ng may biglang pumasok sa pinto.

"Get ready," malamig niyang saad tiningnan ko siya pero seryoso lang siyang nakatulala sa malayo

Maghanda para saan?

"B-bakit?" Tanong ko habang nanginginig ang aking mga kamay

Sa tuwing nanjan ang presensiya niya ay parang nawawalan ako ng lakas,nangangatog ang buong katawan ko kapag nandiyan sya .Tumingin siya saakin kaya agad akong nag-iwas ng tingin,kahit ang tumingin sa kanya ng diresto ay hindi ko magawa.Ano ba talagang mayroon sa pagkatao niya?Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"For our wedding" saad niya bago ako iwan sa kwarto bigla siyang nawala na parang bula

Kasal?Ikakasal daw kami?Bakit niya ako papakasalan kung galit siya sa akin?Bakit?Marami ang katanungan na bumabagabag sa isip ko,pero alam ko sa sarili ko na may isa lang na sagot.Ang pahirapan ako.Yun naman ang pakay niya sa simula palang.

Dapat masanay ako ng ganito dahil hindi sila mga ordinaryo kaya nilang umisip ng plano para lang mapahirapan ka,mga bampira sila at kaya ka niyang patayin sa isang kisap mata lamang.

Tumayo ako at napatingin sa bakonahe,ang mga kurtina ay pumapagaspas dahil sa hangin.Tumayo ako at binuksan ang pinto noon. Lumabas ako sa balkonahe sumalubong saakin ang malamig na simoy ng hangin bago ko tiningnan ang maliwanag na bilog na bilog na buwan.Kitang kita ko ang madilim at nakakatakot na kakahuyan sa labas ng mataas na bakod ng palasyo,may mga alagad din na nag-iikot ikot sa paligid.

Bumuntong hininga ako bago tinitigan ang kakahuyan,pano ba ako makakalabas dito?Paano ako makakalaya sa kamay nila?

Posible kayang nandito sa lugar na ito si Flian?Kaya siya nawala ng ilang linggo?Maaari na ganito nga ang nangyari sa kanya pero sana naman ay hindi niya sinasapit ang nangyayari saakin,kung narito man siya.Sana ay ligtas siya.

"Anong ginagawa mo rito"muntik na akong mapaupo ng may magsalita sa likod ko,mabuti nalang at napahawak ako sa railings ng balkonahe.Dahan dahan akong lumingon at nakita ko ang masama niyang tingin saakin.

Lahat nalang ba galit saakin?Ano bang ginawa ko?

Tumikhim ako bago magsalita"T-tinitingnan k-ko lang a-ang b-buwan" nauutal utal kong saad ngumisi naman siya

A Sunset Without You Where stories live. Discover now