Chapter 5

20 7 0
                                    

Chapter 5

Shantale POV


Nagising ako sa isang kulay itim na itim na silid.Nakasuot pa din naman ako ng
aking uniform sa university,pero sira na ang tatlong botones ng akinf blouse,ang aking skirt naman ay may punit na sa laylayan.Napahawak ako sa aking balikat ng sumakit iyon.

Tumayo ako at tiningnan ang buong paligid.May lamesa sa dulo ng kama at may malaking salamin na nakadikit sa ding ding. Sa kaliwa ng kama ay may isang kabinet,sa gilid ng kabinet ay naroon ang isang pinto.At sa kanang bahagi naman ay may isa pang pinto,sa palagay koy doon ang banyo.

Nasan ba ako?Hindi naman ako kinakabahan sa lugar na ito.Para kasing pamilyar ito at nakapunta na ako dito noon pero hindi naman,pakiramdam ko komportable ako dito.

Tumayo ako at nagpasiyang lumabas.Pagkakabukas ko palang ng pinto ay bumungad na saakin ang isang mahabang hagdanan.Ng makababa ako ay sumalubong saakin ang malawak na diretsong pasilyo at ang malawak na bahagi ng isa pang pasilyo sa kaliwang bahagi ng hagdanan.

Dumiretso ako at tanging liwanag ng ilaw ang sumasalubong saakin.Napahawak ako sa aking tiyan ng kumulo iyon,gutom na ako.

Naglakad pa ako ng kaunti at bumungad saakin ang isang lamesa na puno ng masasarap na pagkain.Nagningning ang mata ko.Gutom na gutom na ako,buti nalang at mayroong ganito.

Umupo ako sa isang upuan bago kumuha isa isa ng mga pagkain.Kasalukuyan kong nilalantakan ang pagkain ng may magsalita sa likuran ko,muntik ko ng maihulog ang pinggan.

"Masarap?" Maikling saad nito habang nakatingin sa malayo.Nakapamulsa itong nakasandal sa pader.

Tumikhim ako at nilunok ang pagkain kong nginunguya bago magsalita.

"O-oo,pasensya kana.G-gutom na g-gutom na t-talaga ako kaya h-hindi ako n-nakapagpaalam a-at di ko alam k-kung ano.....s-san kayo matatagpuan" nauutal kong saad at umayos 'ng upo

"Hanggang ngayon,tanga ka parin" saad nito at tumayo bago masamang nakatingin saakin nakita ko na ngayon ang kabuuang mukha niya

Maputi siya at matangos ang ilong.Makapal ang kilay at ang mga pilik nito ay mahahaba,ang labi niyang mapula.At ang mata niyang kulay asul.Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay para akong hinihigop nito,parang nahihipnotismo nito ang buo kong katawan.

Nagising ako sa katotohanan ng bigla siyang lumitaw sa aking harapan,malapit ang mukha niya sa mukha ko.Kunting distansiya nalang ay magdidikit ang aming mga labi.Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko na maigalaw ang aking katawan.Ngumisi siya at mahigpit na hinawakan ang leeg ko.Parang hindi na ako makahinga dahil sa pagkakahawak niya.

Gwapo siya pero di ko alam na napakarahas niya sa mga babae.Sa wakas ay naigalaw ko ang aking kamay,napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa aking leeg.

"Poor Shantale,or should I say Sapphire. Why you don't fight me and kill me,like you did before"galit niyang saad habang mas hinihigpitan pa ang ang pagkakahawak niya sa aking leeg.
Nakikita ko ang sakit at pighati niya sa mga salita niyang binitawan.

Bakit niya ba sinasabi ang mga ito?Before?Walang mga akong pinatay.Kung pinatay ko siya bat buhay pa din siya ngayon?

" D-dont k-kill m-me pls...I-ill do whatever y-you w-want"nanghihina at nanginginig kong sabi tumawa naman siya at pinakawalan ako

A-ano yung nakita ko?May pangil siya?Totoo nga ang mga bampira.Totoo sila.Imbes na mamangha ay nabalutan ako ng takot.
Natatakot ako sa kanya.Masama siyang bampira.Sana,sana di nalang ako pumayag.
Sana,pinatay nalang niya ako.

A Sunset Without You Where stories live. Discover now