Chapter 24

19 3 0
                                    

Chapter 24

Sapphire POV


Napagpasiyahan ko na bumalik kung saan naroroon si Gleord, parang lumayo ang aking loob ng dahil sa sinabi niya.Di ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi?Dahil kung meron man kaming koneksyon noon,bakit wala akong nararamdaman sa kanya?

Mahal namin ang isat-isa noon?Bakit wala akong naramdaman nung unang kita pa lamang namin sa isat-isa? Hindi ko alam kung papaniwalaan ko siya sa sinasabi niya.Pero sa simula pa lamang ay di na niya ako pinabayaan.May utang na loob din naman ako sa kanya na dapat kong bayaran ng dahil sa nga kaya nakayanan ko lahat.

Napapikit ako dahil sa inis,tinadyakan ko ang puno na nasa gilid ko.Naiilang na ako sa kanya,ano nalang ang gagawin ko.Ang totoo naman ay wala naman akong gusto sa kanya.Ewan ko pero iba ang hinahanap ng puso ko at alam kong hindi siya yun.

Tuwing naiisip ko ang tungkol sa mga mahal ko sa buhay ay siya lamang ang pumapasok sa aking isipan,ewan ko ba kahit pinahirapan niya ako noon.Nanatili pa rin siya dito sa puso ko,pero kailangan kong lumayo.Galit siya saakin dahil sa nagawa ko,napatay ko ang mga magulang niya pero gumanti lang naman ako. Pinatay din ng mga magulang ni Grey ang aking mga magulang.

Nararapat lamang iyon sa kanila.

Napaupo ako at napasandal sa puno.Di ko alam nahihirapan na ako.Gusto ko ng bumalik,ayuko na sa lugar na ito.Nakita ko ang umukit na pangalan ni Grey sa aking palapulsuhan,hindi ko ito napansin pero alam ko na dahil siguro sa pagpapakasal naming dalawa.

Hinipo ko ang pangalan niya.Namimiss na kita,paano ba natin pagbibigyan ang bawat isa?Galit ka dahil ako ang may kasalanan.Kaya natatakot na akong bumalik sayo dahil ayuko ng masaktan at maranasan ang ginawa mo saakin.
Ano ba ang dapat nating gawin?Kahit sinaktan mo ako noon,mahal na mahal pa rin kita.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang gumuhit na ilaw sa tattoo,parang  may kung ano ang naramdaman ko sa aking dibdib. Anong nangyari?Bakit ko naramdaman iyon?

Binalewala ko nalang iyon at di na iyon pinansin,bumalik na ako sa kinaroroonan ni Gleord.Kailangan ko lang umasta na parang wala akong narinig mula sa kanya.

Nakita ko siyang nakaupo at nakatanaw sa akin.Maliwanag ang buwan kaya kitang kita ko ang kanyang paglunok,umiwas siya ng tingin at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

Umupo na ako malayo sa kanya,nagsimula na rin akong kumilos na maglatag ng aking gamit para doon kami matulog.Nararamdaman ko pa rin ang mga titig niya saakin,unti-unting namuo ang kaba sa aking dibdib.

"Sapphire,"tawag niya saakin nilingon ko naman siya at agad na iniwas ang tingin.

"B-bakit?"tanong ko kahit nakatalikod ako, nararamdaman ko ang palapit niya saakin.Napapikit ako ng mariin,bakit pa siya lumapit?Pwede namang dun nalang siya sa tabi at pagmasdan ako,ang hindi ko kaya ay kausapin niya ako ng dahil sa pag-ibig niya saakin noon.

Hinawakan niya ang kamay ko,agad ko iyong inalis.

" Sapphire,alam ko na nagsisimula ng lumayo ang loob mo saakin.Di ko alam ang nangyayari saiyo,alam mo bang matagal na kitang hinahanap? "Tumingin ako sa kanya at agad na iniwas ang tingin,parang gusto ko na lamang umalis sa kanyang paningin pero hindi ko magawa.

" G-gleord,sorry p-pero hindi ko alam"saad ko nalang at lumayo pero umisod pa rin siya saakin

Hinawakan niya ang aking kamay,mahigpit na pagkakahawak na animo'y ayaw na niya akong pakawalan.

"Sapphire, bakit ka ba ganyan? Ang tagal kitang hinanap para lang muli tayong magsama,tapos ganyan lamang ang gagawin mo saakin."

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya saakin,nararamdaman ko rin na tila umiinit ang nakaukit na tattoo sa aking palapulsuhan.
Hinawakan niya ang isa ko pang kamay,nagpumiglas ako pero sadyang mahigpit iyon na para bang kadena na hindi ko na maalis-alis sa aking katawan.

A Sunset Without You Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang