Chapter 8

19 5 0
                                    

Chapter 8

Shantale POV


Tanghali na ng magising ako sa isang paghaplos mula sa aking mukha.Late na ako natulog kagabi dahil sa kakaisip kung bakit niya ako papakasalan.Binabagabag ako ng mga salitang sinabi niya at hanggang ngayon ay parang nag-eecho ito sa pandinig ko.

Kinusutkusot ko ang aking mata bago bumangon.Muntik na akong mahulog sa kama ng may naaninag ako sa madilim na sulok ng kwarto.Nakasandal ito sa pader habang nakatungo.Kung ito bubungad saakin sa mundo ng mga tao ay para yata akong hihimatayin.
Makakita ka ba naman ng maputi ng lalaki na nakayuko at nasa madilim pa.

Tumikhim ako para malaman niyang gising na ako,umayos siya ng pagkakatayo at nakita ko ang maamo niyang mukha at ang abo niyang mga mata.

"B-bakit ka n-nandito?" Tanong ko at iniwas ang tingin nanatili siya sa pwesto niya at ibinulsa niya ang kanyang dalawang kamay

Hindi ako mapakanali sa mga titig niya parang tumatagos ang bawat malamig na titig niya saakin.

"Can you stop asking?Our wedding is starting after you eat.Go and make it fast!" Sigaw niya saakin nagtatanong lang naman ako bakit ba lagi siyang galit saakin?

Ngayon na pala ang kasal namin,akala ko ay paghahandaan ito ng matagal kung sa bagay ay bakit pa paghahandaan kung sasaktan ka lang naman nila para sumaya sila.
Maaga palang ay nandito na siya,maaari sigurong inaantay niya akong magising pero paano naman yun gagawin eh galit nga siya?

"O-okay,maghahanda n-na ako" nanginginig na sabi ko at dali daling naglakad papunta kung saan

Saan ba ako dapat pumunta?Sa Restroom o sa drawer pero nandun siya.Paano ako makakakuha ng damit kung maroon siya.

"Damn,just go here at get your fucking dress!" Sigaw nanaman niya lalo akong nanginig sa bawat paghakbang ko papunta sa kanya

Yumuko ako at kumuha ng kung ano anong damit dahil hindi ako makapag concentrate dahil sa presensiya niya.

"Make it fast,"malamig niyang saad bago siya mawala na parang bula sa kinatatayuan niya doon napaupo ako sa sahig dahil hindi ko kinaya ang panlalambot ng tuhod ko

"Parang karera ang pagtibok ng puso ko" napahawak ako sa aking dibdib at dinama ang malakas na pagtibok ng puso ko

Kinakabahan ako,parang may mangyayari na hindi maganda.

Isinantabi ko ang aking nararamdaman at dumiresto na sa restroom para maligo.

~~~

Ng matapos kong maligo ay bumungad saakin ang puting gown at ang belo.May susuotin pala ako.Isinuot ko iyon at naglakad sa aking salamin na makikita ang aking kabuuan.

Kita ang hati ng aking dibdib,parang ano mang oras ay mahuhubaran na ako rito.May butas ang likod  nito.
Ikakasal ba talaga ako?Pero bakit ako pumayag?Bakit di ko magawang humindi?

Napaupo ako sa sahig ng mapagtanto ang mangyayari.Shit what the hell!
Parang gusto kong umurong pero bakit nandito pa rin ako bakit hindi ako tumakas sa kamay nila kung ganon?

Fuck.

Sinabunutan ko ang sarili ko,nababaliw na yata ako.All this time,hindi na pala ako nakakapag-isip ng maayos?

Itutuloy ko pa ba?O hindi?

Tumayo na ako at sinuklay ang aking buhok,maaaring 'mamatay ako kung hindi ko susundin ang utos 'niya. Wala naman akong ibang choice.

Lumabas na ako at naglakad sa mahabang hagdanan.Hindi na ako nagmake-up dahil hindi naman halata na wala akong make-up.

Dumiresto ako sa kainan,at nakita ko doon ang tahimik na silid.Kumpleto sila,nandito sina Yra,Nieves at Grey.Meron din silang limang bagong kasama.Sino naman kaya sila?

A Sunset Without You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora