Chapter 11

15 6 0
                                    

Chapter 11

Sapphire POV


Nanghihina pa rin ang katawan ko.Sabi saakin ni Yra ay baka sa kinabukasan ay bumalik na sa dati ng paunti-unti ang aking lakas.Kakausapin ko sana siya tungkol sa plano naming pagtakas.
Pero agad ding siyang umalis ng magamot niya ako.

Naalala ko na nanaman ang nangyari kagabi.Bakit nga ba ako nagpapagaling imbes na mamamatay sa sakit na dinanas ko kagabi?Bakit hindi nalang niya hayaan na mamatay ako?Kung gusto din naman niyang mamatay ako sa paghihirap? Bakit mo nga ba ito ginagawa Grey?

Umayos ako ng pagkakahiga.Tinitigan ko ang itim na kisame.Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang pagbukas noon,bumungad saakin ang mapanuri niyang nga mata.

Ngumisi siya at sa isang iglap lamang ay narito na siya saaking harapan.

Ang lalaking ito.Hindi ko siya nakita ng may maganap na labanan sa lugar na pinagdausan namin ng kasal pati rin ang nangyari kagabi bakit wala siya roon?Bakit wala nga ba siya?At saan naman kaya siya nagpunta?

"Nabalitaan ko ang nangyari kagabi,bakit kaya ganon nalang ang kagustuhan ng kapatid ko na mapangasawa ka?Dahil ba pahirapan ka o dahil para maitali sa kanya habang buhay" saad niya at tinitigan ako sa mata

Umiwas naman ako ng tingin.

"T-tumigil ka"saad ko at ikinuyom ang aking kamao

Ang kanyang pagkatao,bakit parang naiinis na ako sa kanya imbes na matakot?

"Nagkakaroon ka na rin ng lakas ng loob para kalabanin ako?Porket naging asawa kalang ng aking kapatid." Malamig niyang saad at lumapit saakin kitang kita ang galit sa kanyang mata na ngayon ay kulay pula na

Hinuhusgahan niya ang pagkatao ko.Hindi ko alam kung bakit ganon nalang kadali sabihan ako ng masasakit na salita without knowing na may kapalit ang pagiging asawa ng kapatid niya.

Andali niyang manghusga.Ganoon din pala rito sa mundo ng mga bampira,may mapanghusga rin.

"H-hindi mo alam a-ang punot dulo n-nito,naghihirap a-ako ng d-dahil sa i-inyo" nanginginig kong saad

Inilapit niya ang mukha niya saakin at para bang hinuhusgahan rin ang aking bawat sinasabi.Ngumisi siya bago lumayo.

"Mas mabuti pang nakikita kita ng ganito Sapphire.Mas mabuti," saad niya at umiling-iling

Nanindig ang balahibo ko ng hawakan niya ang aking kamay at sumipsip roon ng dugo.Ang dati kong nanghihina na katawan ay mas lalo lang humina dahil sa pagsipsip niya ng dugo saakin.

"T-tama n-na p-please" nagmamakaawang sambit ko,ganito nalang ba ako palagi?Yung mahina at walang kalaban laban sa lahat?

Napapikit nalang ako at hinayaan siya.Nanghihina na ako,nararamdaman ko na parang ano mang sandali ay bibitaw na ang aking katawan.

Napamulat ako ng mabilis ng marinig ko ang isang malakas na kalabog na para bang inihagis kung saan.Nakita ko roon ang dating malinis na silid ay nagkaroon ng mga piraso na mga kahoy galing sa nakatumbang pintuan.

Napasinghap ako ng makita ko sina Grey at Nieves. Kwenikwelyuhan ni Grey si Nieves nakataas na ito sa ere,habang nagtatagis ang bagang ni Grey.Naglalabasan ang mga maiitim na anino sa sahig at para bang naglalaro ito.

"What the fuck are you doing Nieves!Stop touching my damn wife" sigaw niya kay Nieves

Imbes na matakot ay nakita ko ang pagngisi lamang ni Nieves. Hindi ba siya natatakot na baka mapatay siya ni Grey?

A Sunset Without You Kde žijí příběhy. Začni objevovat